Mga alas sais na ng gabi nang makarinig ng katok si Ghana mula sa labas ng kanyang pintuan. Inunat niya ang kanyang mga braso at tsaka mabilis na inayos ang sarili. Binuksan niya ang pintuan at tumambad sa kanya ang nakangiting katiwala. “Magandang gabi po madam. Oras na po para kumain. Naghihintay na po sina Mr. At Mrs. Sison sa hapagkainan,” mahabang sabi ni manang. “Sige po susunod na lamang po ako doon,” sagot naman ni Ghana. Ngumiti ang katiwala tsaka nagsimulang maglakad paalis upang paalalahanin ang iba. Naghilamos ang dalaga at nagbihis ng mas kumportableng damit. Hindi na kasi niya nakapagpalit kanina nang makarating sila. Naalala naman niya ang paghatid ng binata sa kanya at paano siya pinilit na tumingin sa mga mata nito. Paglabas niya ng kwarto, mabilis niyang binatukan a