Bagsak balikat na napaiyak na lamang si Ghana. Ramdam niya ang panginginig ng buo niyang katawan. Hindi niya alam kung anong gagawin. Hindi niya alam kung anong gagawin? Hindi niya alam kung anong mukha ang maihaharap niya sa lahat? Hindi niya alam kug anong mukha ang maihaharap niya sa lalaking pinakamamahal kapag nagkita muli sila? Pinatay na ng event organizer ang video sa malaking screen, ngunit hindi pa rin natitigil ang bulong-bulungan ng mga tao. Lahat ay yumuko sa mga hawak nilang selpon at doon na pinagpatuloy panoorin ang video. May unknown IP address ang naghack at pumasok sa system ng mga android at iPhone ng mga users na present sa lugar within twenty-five meters radius at awtomatikong nagplay ng eskandalosong video ng dalaga. Sa kabila ng animo’y pagkaestatwa ng dalaga sa