Isang araw na ang lumipas simula ng lumilipad sa ibang bansa si Cohen, isang araw na ring nalulugmok sa matinding kalungkutan ang dalaga. Apat na araw na lamang ay kakailanganin na niyang magbigay ng opisyal na resignation letter sa mga namamahala ng kumpanya habang wala pa ang CEO. “Good morning po Mrs. Versohilla,” magalang na pagbati ni Ghana ng makasalubong niya sa hallway ang respetadong ginang. Hindi niya malilimutan ang pinakaunang taong naniwala sa kakayahan niya at nagbigay sa kanya ng kontrata sa pagmomodelo. Walang iba kundi aang recruitment head department ng kumpanya na isa ring stockholder. “Good morning too Morghana,” nakangiting bati pabalik ng ginang. “I heard you will be part of the indoor fashion show in one of the Evanega Mall,” manghang dadag pasabi pa nito. “Yes,