“Cringgggg! Cringgggg!” Agad namang napabalikwas ang dalaga nang tumunog ang alarm na sinet niya kanyang selpon. Alas sais na ng hapon at kailangan na niyang lumabas sa kanyang kwarto at ipikita sa lahat na maganda na ulit ang kanyang pakiramdam. Nais niyang tumulong sa paghahanda ng Noche Buena. Naglalakad siya papuntang kusina na katabi lang ng hapagkainan. Naabutan naman niya si manang na naghihiwa ng mga bawang at sibuyas. May kasama itong lalaki na siyang nagluluto sa lumalagablab na kawali. Kaagad namang tumango ang dalaga at ngumiti nang tanungin siya ni manang kung maganda na pakiramdam niya. “Okay na po ang pakiramdam ko manang. Salamat po sa pag-aalala,” nakangiti nitong sabi. Bumaling naman siya sa lalaking nagluluto upang makipagkilala. “Hello po. My name is Morghana,” ani