Kasalukuyang nag-aalmusal ang dalawang magkasintahan sa hotel room ng dalaga. Ilang araw na lang kasi ay lilipad ng Europa ang binata para sa isang business trip kung kaya naman ay sinusulit nila ang bawat oras at minuto na meron sila sa kalagitnaan ng hectic nilang schedule. Sabado ngayon ngunit may weekend schedule si Cohen na dapat daluhan. Isa itong importanteng meeting kasama ang ilang foreigner investors na may interest mag-invest sa Manila Company. Magiging malaki itong tulong sa pagpapalawak at pagpapalago pa ng mga assets at branches ng kumpanya. No matter how much Cohen would love to spend the whole day with her beloved beauty, his work, duties, and responsibilities as the CEO wouldn’t just let him. And Ghana understand him. “Nakakalungkot mang isiping sa Monday na nga ang l