Kasalukuyang naghahanda si Ghana para sa offer ng Evanega Mall na magsasali sa kanya bilang isa sa mga promoter ng nasabing mall. Nagkaroon muna ng masinsinang usupan ang magkabilang panig ng Evanega Company at Manila Company upang pagkasunduan ang mga terms at conditions ng bawat isa sa pakikipagcolaborate ng main model nila sa ibang kumpanya. At sa wakas matapos ang mahaba-habang proseso ay nagkaroon na rin ng kasunduan kung kaya naman naghahanda na si Ghana sa pinakaunang photoshoot na sasabakan niya para sa pagpromote ng Evanega Mall. Ito ang mall na pagmamay-ari ng medyo may edad ng kilalang negosyanteng minsang nakapansin sa potential ni Ghana noon Christmas Special Fashion Show bago ang pasko. Walang iba kundi si Primo Evanega. “Knock! Knock! Knock!” katamtamang katok sa kanyang p