Paikot-ikot lang sa kanyang silid ang binatang si Neil dala na ng magulong pag-iisip. Hindi niya maiwasang mapaisip sa dalagang pinakilala ng kanyang pinsan na kasintahan nito. Simula ng family reunion nila ay hindi mawala-wala sa kanyang isipan ang pagmumukha ng dalaga. Neil’s subconscious mind told him that he met Ghana once at some point of his life. Those deep brownish black eyes, plump lips as well as the average pointed nose all shouts familiarity on his system. At ito ang bumabagabag sa kanyang peace of mind. Imbes na baliwin ang sarili sa sobrang pag-iisip ay napagpasiyahan niyang lumabas sa kanyang kwarto at kunin na mismo sa kusina ang popcorn na pinahanda niya sa kasambahay nila. Dadalaw kasi ang best friend niya ngayong araw at plano nilang magmovie marathon ng buong araw.