Nagmistulang dagat ng mga tao ang venue ng Fashion Show. Ang mga upuan sa magkabilang gilid ng nakapagitnang runway ay okupado na. Wala na ngang maupuan ang iba at nanatiling nakatayo sa bandang likuran. Ang lamig ng simoy ng hangin ng Baguio na bumabalot sa bawat manonood na natipon sa events hall ay mas lalo pang pinaigti ng musikang tila ba kumakatawan sa malalamig na lagaslas ng tubig sa mga talon at batis.
Sunod-sunod na nangamatay ang mga nakasiding ilaw na nagsimula sa likod paharap. Dumilim ang paligid kasabay ng biglang pag-iba ng tugtog. Nagkaroon muli ang ilaw sa harap at sunod sunod na nagpakita ang mga close up fierce photos ng mga modelo sa napakabilis na paraan bago mawala. Unfortunately, hindi nakasama si Ghana sa super fast models’ animation sapagkat nauna ng ginanap ang pictorial para sa opening video bago pa siya napasama sa pagmomodelo.
Nagpalakpakan naman ang lahat ng lumabas ang unang modelo na nakasuot ng fiery red sleek above the knee dress na pinatungan ng furry innocent white na parang bandana na umaabot hanggang sa tuhod. Ang modelong ito ay walang iba kundi si Dalarie Colhshana.
Nang simulan na nitong bagtasin ang nakalatag na black runway carpet, paunti-unting nasisiilaw ang mga bumbilya sa magkabilang gilagid ng tinatakhak niyang daan. No one in the room could ever deny how superbly done ang mga choreography at stage decorations ng event. Napapasinghap na lamang ang mga manonood sa napakaganda at napakagarbong theme at concept na napapanood nila.
Hindi pa nakakalahati ng unang modelo ang runway ay agad namang lumabas ang isa pang modelo. Nakadamit naman ito ng casual black leather jackets and jeans na tinernuhan ng knee length booths. Sa ulo ng modelo ay nakasuot ang itim ding bonet na may nakaimprintang logo ng Manila Company. Perfect outfit ito sa nais magcasual lang sa panahon ng taglamig.
Nagpatuloy-tuloy ang paglabas at pagbalik ng mga modelo sa backstage hanggang sa dumating na rin ang turn ng baguhang model na si Ghana. Medyo kinakabahan pa siya noong una pero agad namang napawi ng kinindatan siya ng CEO nila at binigyan ng reassuring smile mula sa kinauupuan nito sa may dulo ng runway kasama ang ilang maiimpluwensiyang tao sa lugar.
Kagaya ng mga nunang mga modelo ay pinagkukuhanan siya ng mga litrato paglabas nito. Nakasuot naman siya ng vintage winter coat na kulay brown na may matabang belt sa bewang. Tinernohan ito ng fitted faded blue tattered jeans. May kung anong nakataling tela naman sa kanyang buhok. Rumampa na siya paharap patungo sa pinakadulo ng itim na runway at pagkuwa’y matiim na sinalubong ang nakaharap na camera ng kumpanya. Kinukuhanan nito ng clear footage ang nagaganap na fashion show.
Hindi rin maiiwasang mahagip ng kanyang mga mata ang napakagwapong nilalang na pasimpleng sumusulyap-sulyap sa kinatatayuan niya habang nakikipagkwentuhan sa mayora ng siyudad. Isa rin kasi itong business woman aside sa pagiging leader ng munisipyo. Kasalukuyan siyang inaanyayahan ni Cohen na mag-order ito sa Manila Fashion Brand Winter’s Wear upang iistock sa boutique nito lalo na’t malapit na naman ang pasko.
Ghana gracefully turns her heel to leave the runway and returns back to the backstage.
Pagkatapos makarampa ang lahat ng mga modelo isa-isa, dumeretso naman sila sa pagsasaayos ng kanilang linya. Pinangunahan ni Dalarie ang muling paglabas patungo sa nakaassigned nitong place sa harap na sinundan naman nngiba pang modelo.
Kasabay ng biglang pag-iba ng tempo ng musika ay lumabas ang mga designers ng mga nairampang kasuotan na pinangungunahan ng head designer na walang iba kundi ang manager din ng mga models…si DeCarpio Guevera.
Masigabong nagpalakpakan naman ang mga dumalo at nanood, ngunit hindi pa doon natatapos ang mga kaganapan.
Nang paunti-unti ng magsialisan ang mga tao ay agad namang pwumesto ang mga reporters sa photo booth ng event upang pormal na kunan ng statements ang dalaga at kung pagbibigyan pa sila ng CEO…kukunan din sana nila ito ng sarili ring opinyon patungkol sa issue.
“Thank you for coming…”, pagpapasalamat ni DeCarpio sa mga VIP guests ng events kabilang na ang mga lokal na politiko, businessmen, at philanthropists, pagkatapos makipicture sa kanilang CEO na kanina pa ngumingiti sa camera.
Pagkatapos ng mga VIP guests ay sumunod naman ang mga models na magpakuha ng litrato kasama ang mga designers. Sa kabila ng animo’y maaamong mga tupang reporters na nag-iinterview about sa experiences at reaction ng mga tao sa naganap na fashion show, naghihintay ang mga ito ng tamang oras upang makalapit kay Ghana makakuha ng scoop. May kasunduan kasi sila ng Manila Company na bibigyan sila ng pagkakataong makapanayam ang dalaga kung hindi sila manggugulo o mambubulog sa nasabing show. Hanggang sa wala pa sila signal na narereceive mula sa manager ng model, kailangan muna nilang kumuha ng scoop para sa napakagandang show ngayong gabi.
Palihim na pinatawag ni DeCarpio si Ghana sa may backstage upang bigyan ito ng paunang salita bago siya humarap sa media press.
“Stay calm and don’t lose yourself. They are reporters and they wanted to hear what they wanted to hear from you. Don’t give them the satisfaction.”, paalala ng bakla sa kanya. This would be her first official media appearance as one of the model of Manila Times. She should be extra careful lalo na at batid niyang tinitigan siya ng mga reporter bilang isang easy target na hindi pa bihasa sa ganitong mga pangyayari. Bahagya namang tumango si Ghana bilang pagsang-ayon sa payo ng manager.
“One more thing, make the statements short. That’s the safest way to handle the press”, pahabol na bulong nito bago tumaas sa may platform ng photo booth ang dalaga.
‘Less talk. Less sin.’ Ghana knows that very well.
Agad naman siyang sinalubong ng mga nakalahad na mikropono at nag-uunahang tanong. ‘Kaya mo iyan Ghana’, pangungumbinsi niya sa sarili.
“Ano pong masasabi niyo sa nailimbag na magazine na gumamit ng inyong controversial na larawan kasama si Mr. Sison?”, ani ng isang reporter na nakakulay blue na jacket.
Ngumiti naman ang dalaga bago sabihin ang honest thoughts niya…
“Isa po iyong napakalaking karangalan para sa isang baguhang katulad ko”, maikling sagot ng dalaga.
“So inaamin niyo po na totoo ang rumor na magkasintahan kayo?”, biglang sabat ng isang babaeng nakasalamin na agad nmang sinuportahan ng iba pa.
“Hindi po ba napakabilis naman po ng pangyayari?...
“Or dati po ba kayong magkakilala?...
“Kailan po naging kayo?...
Sa isang iglap ay parang naaatake si Ghana sa magkabilang sulok. Hindi niya alam kung sino ang uunahing sagutin at kung papaano niya ito sasagutin. Pilit namang pinapaalalahanan ni DeCarpio ang mga nagkakagulong press ngunit tila ba hindi siya naririnig ng mga ito hanggang sa bumukas ang pintuan sa gilid at tumahimik ang lahat…
Pumasok mula sa pintuan ang kontrobersiyal na CEO na personal na naghatid ng kanyang mga guest sa main door ng event hall na ito. Agad siyang binalingan ng mga reporter at akmang lalapitan nang itaas nito ang kanang kamay upang pigilan sila. He voluntarily walks towards the platform where little Miss Innocent was trapped like a damsel in distress.
Kaagad namang nakabawi ang mga reporter at nagsimulang magbato ng samo’t saring mga tanong kagaya lang din kanina.
“Mr. Sison totoo po bang nagdadate na kayo?...
“Kailan pa po? The public is very curious…
“How about Miss Megan?...
Medyo hindi na marinig ng maayos ang mga binabatong katanungan dahil sa pagsasabay-sabay ng mga ito. Tumikhim naman ng malakas ang CEO upang patahikim ang lahat at hayaan siyang magsalita.
“No. We are not dating…”, malamig na saad ng binata. Hindi naman mawari ng dalaga kung ano ang mararamdaman niya. Tila ba may kunting kirot ang namuo sa kanyang dibdib na kaagad din namang nawala.
“…but I am considering the idea”, seryoso pa ring saad ni Cohen sa mga reporter. Medyo napatili naman ang iba dahil sa hopeful remark ng CEO sa baguhan niyang modelo.
But I am considering the idea…
But I am considering the idea…
But I am considering the idea…
Tila ba isang cassette tape recorder ang mga salita ng binata. His words can’t seem to stop playing on her mind. He is considering the idea of dating her. ‘Ibig sabihin ba nito interestedo siya sa akin?’