Kabanata 9: Night Market

1413 Words
Kasalukuyang binabagtas nila ang malamig ngunit nakakahalinang kalsada ng Harrison road, Baguio City. Hindi lubos maiisip ng dalaga ang naging tugon ng binata sa kanya nang tanungin niya ito about sa kondisiyong hinihingi nito. “Sasamahan kita. If you’re going to have fun, then you should take me with you”, saad nito habang nakapamulsa. Cohen himself couldn’t imagine kung anong gagawin niya sa hotel room buong magdamag habang nagsasaya ang mga empleyado niya. Hindi nga niya lubos maisip na nakayanan ni Ghana ang mag-stay lang sa loob ng hotel ng halos isang araw. Besides, it would be nice to have some quality time with a beauty. Napamaang naman ang dalaga sa kondisiyon ng binata. Akala naman niya ay kung anong kapalit na ang hinihingi nito, buti na lamang maayos at disente ang kondisiyon. ‘Hindi rin naman masamang may kasama maggala. Malay mo palibrehan pa ako nito kagaya ng mga nasa teleserya kapag lumalabas ang babae at lalaki’, medyo napataas kilay naman siya sa iniisip niya. Hindi naman siya ganun kasipsip ah…sadyang nadadala na rin talaga siya sa mga napapanood niya. “So where are you suppose to go?”, tanong ni Cohen. Hindi naman maitago ni Ghana ang atomatikong pagkislap ng kanyang mga mata ng sambitin ang lugar na matagal na niyang pinapangarap puntahan. “Night Market”, maikli saad nito ng nakangiti. Tinignan naman ng binata ang itim na Rolex watch nito. It’s still seven thirty (7:30 pm) in the evening. Hindi pa nakabukas ang Night Market. Ayon kasi sa pinsan nitong si Migs na madalas pumunta dito sa Baguio at halos nalibot na lahat ng mga tourist destination sa nasabing lugar, ang Night Market ay nagbubukas lamang kapag alas nwebe na ng gabi at nagsasara naman kapag alas kwatro na ng madaling araw. So basically hindi pa sila pwede tumungo duon. Halata ng binata na hindi ito alam ng dalaga kaya naman ipinaliwanag niya ito sa kanya. Napahalumbaba naman si Ghana sa narinig, ngunit agad rin ngumiti ng magsuggest ang binata ng panibagong destinasiyon habang inaantay ang oras. “I heard the Night Market is just near Burnham Park…so we can visit there first habang inaantay ang pagbubukas nito”, paliwanag ni Cohen na agad namang sinang-ayunan ni Ghana. Agad naman napabalik sa ulirat ang dalaga mula sa pag-aalala ng naging usapan nila ng tumikhin ang kasama niya. “Ahem…”, pang-aagaw pansin ni Cohen na kanina pang lutang na dalaga. Malapit na kasi sila sa pasukan ng Burnham Park at batid nitong maraming tao doon. Kailan ba naman kasi naging kaunti ang mga taong dumadagsa sa Burnhum. Lumingon naman ang dalaga sa paanan niya. “We should be discreet kung ayaw nating maissue”, pagpapaliwanag ng binata. He considers Morghana’s state kapag may lumabas nanamang usap-usapan tungkol sa kanya. She is a rookie and she still adjusting in her new world. Giving her so much pressure from the start would be too much for a newbie. Ngunit sa kaloob-looban talaga niya, hindi alintana kung paghinalaan silang magkasintahan. Baka ikagagalak pa nga niya iyon. Natural na maganda ang dalaga at napakainosente nito. Iilan lamang sa mga kababaihan ngayon ang may ganitong katangian at hindi magiging masama kung mapapasakanya ang isa sa mga ito. Inabot ni Cohen ang kulay gray na scarf ng dalaga at maingat na tinaas ng bahagya upang takpan ang kalahati ng mukha nito. Ganun din naman ang ginawa niya sa kanyang sarili upang hindi agad sila mahalata if ever na may mga paparazzi sa paligid. Naging masaya ang isang oras at kalahati nilang paglilibot sa lugar gamit ang mga bikes na inupahan nila. Maraming mga bagong bagay ang natuklasan ni Ghana ng hinayaan niya ang sariling magpakasaya. ‘Hindi naman pala masamang ienjoy ang kasalukuyan ng hindi nag-aalala sa mga kahapong nagdaan.’ For the first in her life, she lets Cohen attached himself with her kahit ngayong gabi lang. “Hey! May energy ka pa ba para sa next destination natin?”, tanong sa kanya ni Cohen matapos nilang ibalik ang mga bikes at magsimulang maglakad patungo sa mga nakasinding ilaw sa hindi kalayuan. ‘Iyon na ata ang sinasabing Night Market’, excited na pabulong nito sa sarili. “Of course…laki sa hirap ako”, pagmamalaki ng dalaga na nakapagpangiti sa binata. ‘Morghana is so true to herself. She didn’t even felt embarrassed about sa pinanggalingan niya.’ Literal na namilog ang mga mata ng dalaga ng makita ang napakahabang hilera ng mga damitan. Tama nga ang mga kaklase niya noon na 80% ukay-ukay at 20% brand new ang mga damit na tinitinda sa Night Market. Sobra pang affordable ang mga prices na nagsisimula sa sampung piso pataas. Napakarami na niyang napiling mga kamisita, dresses, skirts, at pati na rin isang mumurahing ukay-ukay na sandal. Palihim namang kinucompute ni Ghana ang babayaran niya. Medyo napangiwi siya ng marealize na kulang ang budget niya kung kaya naman ay pasimple niyang binaba ang napili niyang kulay pilak na takong na nagkakahalaga ng dalawang daan. Napakaganda pa rin kasi nito kahit second hand na. Maganda na rin sana kung magkaroon siya ng sariling sandal bukod sa dalawang sandals na sponsored ng kumpanya. ‘Babalikan ko na lang siya kapag may sapat na ipon na ako’, pangungumbisi naman nito sa sarili ng mabitawan nito ang kumikinang na sandal. “Get it”, maikling saad ni Cohen ng napansin ang panlulumo sa mata ng dalaga ng ibaba niya ito sa kinalalagyan nito. “I’ll pay for it”, nakangiting nitong sabi sa hindi makapaniwalang kasama. For a multi-billionaire, salapi lang iyon para sa kanya. Kahit medyo nahihiya pa siya, agad niya rin kinuha ang takong. Talagang gusto niya ito. “Babayaran na lang kita kapag hmmm…nakaluwag-luwag na ako”, masayang sambit ng dalaga sa binata ng paalis na sila sa nay ukay-ukay. Napataas naman ng kilay si Cohen. ‘Does this girl never get treated by a man? Pati ba naman ang malibrehan first time niya.’ It’s not surprising that Cohen already treated a bunch of girls during dates. Naturally, these girls will took advantage of him and buy as many expensive things they might like. And it surprises Cohen na hindi ganun si Ghana. Natatawa pa nga siya sa ideyang babayaran siya nito balang araw. “You know what beauty…I can buy all the things in here if you wanted to without anything in return”, mahabang saad ng binata sa dalaga. Ghana was a little surprise. ‘Ang akala ba niya ganun akong tipo ng babae.’ Ang problema minsan sa mga mayayaman, porket mahirap ang isang tao ang akala nito madali itong masilaw sa karangyaan. Magsasalita na sana siya upang iklaro ang lahat nang bigla silang nakaamoy ng nakakahalinang aroma ng tinutunong baboy. Agad siyang hinila ng binata patungo sa pinanggagalingan ng nakakatakam na amoy. “I know you’re not like that…but let me just treat you with foods”, paliwanag ni Cohen ng makarating sila sa hilera ng mga nagtitinda ng isaw, kwek-kwek, fishball at iba pang mga street foods. “I actually wanted to try these foods with someone who is an expert on how to eat this”, inosenteng saad ng binata na medyo nagpahalakhak sa dalaga. It’s now Ghana’s turn to laugh at his ‘first time eating street foods.’ “Seriously first time mo! Hahahaha…”, hindi na mapigilan tumawa ng dalaga. Mga simpleng bagay nga namang ipinagkait sa mga anak mayaman… Natapos ang gabi ng kanilang paggagala ng masaya. Ghana realizes na the only way to really start her life all over again is to forget the past that haunts her and enjoy the present. Ang paglabas niya kasama ang taong nais niyang iwasan, ang nagturo sa kaniya na maganda ring kalimutan ang nakaraang nais niyang burahin upang maging masaya sa kasalukuyan. As for Cohen, he couldn’t still believe na lumabas siya kasama ang isang dilag at nakagastos lamang ng kulang isang libo. This was a whole new thing for him. His usual dates costs more than a thousand. Ghana makes him realize that cheap dates can be this good. Tama. Mr. CEO considers it as a ‘date.’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD