Kabanata 8: Media Press

1605 Words
Naging komportable naman ang naging travel ng mga modelo kasama ang ilang mga crew member papunta sa Baguio. Medyo kinakabahan si Ghana sapagkat ito ang pinakaunang pagkakataon na sasabak siya sa aktwal na rampahan sa harap ng maraming tao. Dumagdag pa sa sa pag-aalala niya ang naging text ng kanyang pinakaunang kaibigan sa industriya. ‘Sisteret I heard na may Fashion Show kayo diyan sa Baguio. Galingan mo ah. Kaja! Fighting! I’m sorry sis wala ako diyan may personal problems akong inaayos. I’ll be back soon masettle ko na ito”, sabi ng mensahe ni Antonio. Kahit pilit pang itago ng kaibigan ang pagkalungkot nito sa pamamagitan ng mga motivating words nito sa kanya, batid ni Ghana na nahihirapan ito. Ilang araw na siyang wala. Ang ibig sabihin lang, ilang araw na din itong nag-iistruggle sa kung ano man ang problema ang kinakaharap niya. ‘Pagkatapos talaga nitong Fashion Show ay pupuntahan ko si Antonio sa kanila. Magtatanong ako kina Nadia ng address nito. Sa ngayon kailangan ko munang icondition ang sarili ko’, pausling sambit ng dalaga sa sarili nang malapit na sila sa hotel na nakahandang tutuluyan nila. “Girls na natutulog gising na kayo. We are here already. Remember to flash your best smile. This will be a good opportunity to built up the image of Manila Company to the locals” pagpapaliwanag ni DeCarpio sa kanila. Bale mga anim silang mga modelo na kasabay ng manager na nakalulan sa van ng kumpanya. Ang ibang mga modelo naman na may sari-sarili ng mga sasakyan kagaya nila Dalarie, Nadia, Aeris, at Kaye ay humiwalay sa kanila para bawas gastos na rin sa expenses ng kumpanya at mas maging komportable ang kanilang biyahe. Ang ibang mga crew naman ay car pooling na lang. Nakabuntot ang nga ito sa van na sinasakyan nila. Medyo naguguluhan naman ang manager kung bakit naparami ata ngayon ang mga press na sasalubong sa kanila hindi kagaya ng dati na sa mismong event sila dadagsain ng mga ito. Ngunit pinili niyang iniwaksi na lamang niya ang bagay na ito. Kung ano man ang rason, maganda na rin ito para sa kanilang publicity. Nang huminto na ang sasakyan, naunang siyang bumaba upang pagbuksan ang mga modelo. “Smile”, pabulong nanaman niyang paalala sa mga modelo habang bumababa ang mga ito sa van. Si Ghana ay nakaupo sa may pinakasulok ng likuran kung kaya naman ay siya ang pinkahuling lumabas. Nagulat naman siya kung paano siya dagsain ng press. Pati nga si DeCarpio ay naguguluhan din. Sa kabila ng pagkabigla, patuloy pa rin niyang sinusuway ang mga nagtutulakang reporters upang maka-usap si Ghana. Ang mamang driver na rin ay nakitulong sa pagsuway. “Miss Morghana ano pong masasabi niyo patungkol sa cover ng magazine…” “Ano pong feeling na masabihang Modern Cinderella ng isa sa mga prestigious magazine publications ng bansa?” “Totoo po ba ang rumor na dinedate ka ng CEO?” Ilan lamang iyan sa mga narinig ng dalagang tanong ng mga reporter na pilit kunin ang kanyang atensiyon ngunit hindi makalapit dahil sa mga crew members na pumapalibot sa kanya. Matapos kasing makita ng ibang mga crew member ang pangyayari, agad na silang bumaba sa kinasasakyan nila at tumulong kina DeCarpio at mamang driver sa pagtataboy ng mga press. Kalaunan ay sa wakas nakapasok na sila sa entrance ng hotel kung saan may dalawang gwardiyang nakatayo sa magkabilang dulo na nagbabawal sa mga reporters na sumunod sa loob. Agad namang umayos muli ang mga media press ng simula ng pumasok ang iba pang mga modelo ng Manila Times na pinangungunahan ng isa sa pinakakinikilalang modelo sa bansa. “Miss Dalarie ano po bang ieexpect ng nga tao sa gaganaping fashion show?”, tanong ng isang reporter na agad namang sinagot ng nakapulang dress na dalaga. “The show will be a fabulous parade of the country’s best winter wears. We will be looking forward for your presence…”, pang-iimbita nito sa madla. Bihasa na siya sa ganitong mga pangyayari kung kaya naman hindi na niya pinalampas ang pagkakataong imbitahin ang mga tao. Ang mga sumunod na tanong ng mga reporter ang nakapagpataas ng kanyang kilay. “Ano pong masasabi ninyo sa patuloy na pagtaas ng sales ng Hot Talks Magazine dahil sa nakakaintriga nitong cover?”, sabi ng isang pang reporter. Hindi naman mapigilan ni Dalarie ang mairita at iwan na lamang ang mga reporter. Nais kasi nitong kunan siya ng pahayag patungkol sa isyu na mas tinatangkilik ng mga tao ang inilathala ng kalabang kumpanya kaysa sa kanila. May inisyung magazine din naman ang kumpanya sa Engrande de Manila na ang cover naman ay siya at ang CEO. So ang nagiging labas…ikinukumpara siya sa baguhang model na siyang pinakaayaw niya sa lahat. ‘She’s not my level nor will she ever be’, mataray na sambit nito sa sarili. Matapos makapasok lahat ng mga modelo sa lobby ng hotel agad namang inasayn ni DeCarpio ang mga kwarto ng mga dalaga. Apat sa bawat kwarto. Maswerte si Ghana at kasama niya sina Nadia at Kaye kasama ang isa pang model. Mabilis na nag-ayos ng mga gamit ang mga ito at kasalukuyang naghahanda na sa all day paglilibot nila sa Baguio bago ang fashion show bukas ng gabi. “Gosh! I’m so excited to visit the Strawberry Farm…” gigil na sabi ni Nadia na sinang-ayunan nilang lahat. “Kilala ang Baguio sa matatamis at kalidad na strawberry”, dagdag ni Ghana na hindi na rin talaga makapaghintay. Their happiness was cut short noong biglang kumatok sa may pintuan si DeCarpio na nakaready na ring bisitahin ang tanyag na Skyranch ng lugar. “Well I’m sorry to spoil you Morghana pero hindi ka muna pwedeng lumabas. Nakita mo naman kung gaano ka pinagkakaguluhan ng press”, saad nito na nagpahalumbaba sa malaanghel na mukha ng dalaga. Gagamitin ni DeCarpio ang pagkaintriga ng mga madla sa bagong modelo nila upang makaattract pa ng mas madaming audience sa gaganaping fashion show, kung kaya’t mas mainam na huwag munang magbigay ng kahit anong statement ang dalaga. Naghihinayang naman siyang tinignan ng mga kasamahan bago sila umalis upang makapaglibot sa lugar. Hindi naman maiwasan ng dalagang malungkot. Wala siyang magawa. Dala na rin ng pagkabagot, naghalungkat na lamang siya sa kanyang mga dalang gamit hanggang sa makita niya ang medaliong ibinigay sa kanya ng kanyang ina na hawak hawak niya kahit saan. Ito na lang kasi ang kahuli-hulihang nagpapaalala sa kanyang yumaong na ina. Natatakot siyang mahulog niya ito at tuluyang mawala sa kanya habang buhay kaya mas pinipili niya lamang itago ito. Naging mabilis ang takbo ng oras at hindi namalayan ng dalaga na gabi na pala, ngunit ni isang anino ng kanyang mga kasamahan ay wala pa rin. Dumungaw siya sa glass window ng kanilang kwarto. Ang ganda ng mga ilaw. Nakahahalina ang itsura ng Baguio sa gabi. Naalala niya tuloy ang mga kwento ng mga kaklase niya noon sa Batangas patungkol sa Night Market experiences ng mga ito kapag bumibisita sila sa lugar. Wala naman siyang magawa noon kundi mag-imagine na lang kung ano ang pakiramdam ng nasa Night Market. Bigla siyang nabuhayan sa naisip niya. Tutal naman wala pa ang mga kasamahan niya pwede muna siyang magsneak out sa labas para bisitahin ang pinapangarap niyang puntahan. Dali-daling nagpaalit si Ghana ng makapal na jacket at mahabang maong. Naglagay din siya ng scarf sa may leeg at bonet sa kanyang ulo. Hindi naman talaga kasi biro ang napakalamig na temperatura ng lugar lalo na at gabi. Dahan-dahan siyang lumabas ng kwarto at nakayukong tinungo ang elevator. Medyo naalala naman niya ang palangising CEO nila. Hindi niya maiwasang mapangiti sa pag-aalo sa kanya ng binata. ‘Ano bang iniisip ko!” Ting! Nang bumukas na ang elevator agad namang tinaas ng dalaga ang kanyang ulo. Tila ba nabuhusan siya ng malamig na tubig sa nakita. Hindi maaari! Ang kaninang iniisip niya, ngayon ay nasa harapan na niya. Kinusot naman niya ang kanyang mga para kumpirmahin ito. Cohen!? Pinadaan naman siya ng tingin ng binata mula ulo hanggang paa bago ito nakakalokong ngumisi at nagsalita… “I bet beauty will be going out tonight kahit pinagbawalan na siya”, nakangising saad ng binata. Pinauna naman nito ang bagahe niya sa may bell boy. “Hmmm…”, hindi naman makapagsalita ang dalaga at napapatingin na lang sa ibang direksiyon. Lumapit naman si Cohen sa kanya tsaka hinawakan ang baba nito upang tumingin ito sa kaniya. Ang lapi’t lapit na ng kanilang mukha sa isa’t isa. Hindi tuloy mawari ni Ghana kung ano ang nararamdaman niya. Bigla na lang siyang kinakabahan na parang ewan. ‘Sana hindi niya ako isumbong sa manager.’ “Please huwag mo akong isumbong ang pagtakas ko”, pagmamakaawa ng dalaga. ‘Ang ganda talaga nito. Napakaamo…’, sambit ng binata sa isipan niya. May bigla siyang na isip… “Oh beauty is pleading me…I will not tell anybody but in one condition”, sabi nito na may kasamang wink. Hindi naman lubos maiisip ni Ghana kung papayag ba siya o hindi. It’s good to take risk at times specially when it is for something that I like. Ngumiti si Ghana at bahagyang tumikhay para lumevel ito sa mukha ng binata… “Deal”, saad nito kahit nagtataka siya sa kondisyong tinutukoy ng binata. ‘Ano kaya iyong kondisiyon?’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD