Abala ang lahat sa kani-kanilang mga trabaho. The whole modelling crew including the models, designers, and technical managers are doing their own parts. Huling araw na nila ito upang maghanda sa gaganaping Winter inspired Fashion Show sa summer capital ng Pilipinas-Baguio City.
Ang mga models ay patuloy na nagrerehearse ng kanilang lakad, sequence sa pagpasok at paglabas, pati na rin ang tamang ekspresiyon sa bawat damit na gagamitin.
Ang mga fashion designers na hands on dress maker na rin ay nagfifinalize ng kanilang mga masterpieces. Pawang magaganda at intricately made ang mga wool jackets, furry dresses, at leather garments na irarampa ng mga model. Part ito ng pagpopromote ng kumpanya sa winter wears ng Manila Fashion Brand ngayong season.
Sa kabilang banda ay busy ang mga technical managers sa pagkokontak ng mga naunang crew na pinadala sa Baguio upang makipag-ugnayan sa lokal na gobyerno duon for permission and support, gayun din ang ihanda ang mismo venue na pagdadausan ng Fashion Show.
“Come on girls one more round!” pautos na sigaw ni DeCarpio sa mga modelo. Nasa studio ulit sila. Agad namang itong sinunod ng mga dalaga na nakasuot ng nagtataasang mga takong. Buti na lang talaga at unti-unti ng nasasanay na ang mga paa ni Ghana sa ganitong uri ng mga footwears.
Sino ba namang hindi masasanay kung halos araw-araw mo na itong suot. Masyadong istrikto si DeCarpio sa kanila. He sets a rule na no heels, no practice. Pinagpapalit-palit na lang ng dalaga ang dalawang takong na sponsored ng kumpanya sa kanya kasama ang ibang mga beauty products.
“Now I want you to fall back in your assigned line then rumampa kayo isa-isa”, panibagong utos ng bakla.
Nang makabalik na sila sa linya ay agad namang nagsimula ang tugtog. Alinsabay nito ang pagsisimula ng lakad ni Dalarie paharap. Napakaganda at napakaconfident nitong rumampa na para bang pagmamay-ari niya ang runway.
“Perfect! Girls you should all follow her boost of confidence”, sambit ni DeCarpio na hangang-hanga sa main model at Manila Fashion Brand ambassador. Ito ang pinakamataas na parangal na matatanggap ng isang modelo sa kanilang kumpanya.
Pagkatapos ang ilan pang mga modelo na rumampa, dumating na ang kanyang turn. Ghana gives it her big shot. Inisip niyang mag-isa lang siya sa studio at wala siyang dapat alalahanin. Nagsimula siyang maglakad pasulong habang tinitipon lahat ng mga pasakit ng kanyang buhay sa na hindi niya hinayaang siraan ang buhay niya sa kanyang malalamlam na mata. Her eyes looks so deep and overflowing with fierce emotions.
DeCarpio was impressed with the intense gaze in the model’s eye but he didn’t say a thing. He honestly doesn’t like Ghana and she was still half way as great as his favorite model, Dalarie Colhshana.
Matapos rumampa ang panghuling modelo ay binigyan silang pagkakataong magpahinga muna. Uminom sila ng tubig at sumalampak sa kamintab na sahig ng studio.
Agad na naglabas ang mga kasamahan niya ng kani-kanilang mga selpon. Tumabi naman sina Nadia at Aeris sa kanya.
“Let’s take selfie…”, masayang suhesiyon ni Nadia na sinang-ayunan naman agad ni Aeris. Click!
“Whoa ang cute naman natin. Wait sa phone ko rin naman”, sabi ni Aeris na sumisingkit ang mga mata sa tuwa. Half-Korean kasi ito. Si Nadia naman ay born of pure Filipino family but then sa States siya lumaki kaya naman mas sana’y itong magsalita ng Ingles.
Click! Sayang-saya naman si Aeris sa litrato nila.
“Iyong phone mo din Morghana”, suhesiyon naman nito pagkatapos. Dali-dali namang linabas ni Ghana ang selpon nito at nagselfie ulit sila.
Ang saya na ng bonding ng tatlo nang biglang lumapit ang nakared top at tattered jeans na modelo. Walang iba kundi si Dalarie. Nanliliit niyang tinignan ang selpong hawak ni Ghana habang nakataas ng kilay.
“So may tao pa palang gumagamit ng old model na phone”, saad nito. Hindi naman maiwasan ni Ghanang samaan ito ng tingin. Masyado itong mapangmata.
“Whoa! Little Ms. Innocent finally learns how to glare”, sabi nito bago mapaklang tumawa. Medyo napapatingin na rin ang iba pang mga modelo sa kinaroroonan nila. Matiim na yumuko naman si Ghana. Tama nga naman siya. Sa katunayan sa may Divisoria niya lamang ito nabili pero maganda naman na ito para sa kanya.
Bumaling ang atensiyon ng karamihan ng biglang may napatiling dalaga sa may gilid. Hawak nito sa kanang kamay ang kanyang selpon na tila ba hindi makapaniwala sa nakita. Agad naman itong linapitan ng mga katabi nito.
“I can’t believe this!”, napapapadyak na reklamo ng dalaga. “Check out the Hot Talks Magazine website!” Dala na rin ng curiosity, agad-agad nagkumpulan ang ibang dalaga sa kinatatayuan ng kanina’y tumitiling kasama upang tignan kung ano ang nakita nito sa kanyang selpon, habang ang iba naman ay nanatili lamang sa kanilang kinaroroonan at sinearch na lamang ang nasabing website.
Halos malaglag ang panga ni Ghana ng ipakita sa kanya ni Nadia ang selpon nito. “Morghana you’re so lucky”, sabay na sabi ng katabi niya.
‘Modern Cinderella- Hot Talks Magazine just in time released a new publication covering Engrande de Manila night of glamour…’, sabi ng pahayag. Sa baba nito ay ang litrato nila ng CEO ng kumpanya na bahagyang nakayuko habang nakalahad ang isang kamay para sa dalaga. Siya naman ay nakatitig sa mga mata ng binata habang tinatanggap ang nakalahad nitong palad. Ghana undeniably looks stunningly gorgeous like a fairytale princess sa suot nitong putting gown.
“It’s so unfair! She’s a newbie pa naman pero naging cover na siya ng magazine…”, pabulong na reklamo ng isang dalaga sa gilid na hindi sinasadyang marinig ni Ghana. Bahagyang napangiti ang dalaga. ‘Ganun ba kabig deal ang maging cover ng magazine. Then I guess, bumabawi na ang tadhana sa akin…”
Ang Hot Talks Magazine ay isa ring Publishing Company kagaya ng Manila Times. Ang mga nasabing kumpanya ay nagsalit-salitan lamang sa pwesto ng pagiging No. 1 Magazine Brand in the Philippines. Ang naganap na Engrande de Manila noon ay ginawang open to public access kung saan hinayaan ang iba’t ibang mga media-reporters at photographers ng kahit anong kompanya na dumalo at kumuha ng scoop. Hindi naman inaasahan ng Manila Company na gagawin pa itong cover ng rival nila.
Marahan na nilapag ni Cohen ang magazine sa kanyang table matapos itong ipamigay alam sa kanya ng kanyang secretary at bigyan ng copy.
‘That son of b***h knows how to use things at his advantage’, mapaklang ngumisi ang binata.
‘But I guess it’s worth the scandal after all..”, sabay tingin sa inosenteng mukha ng babaeng kasama niya sa litrato. Sa kaunaunahang pagkakataon sumang-ayon siya sa kalabang kumpanya. Si Morghana ay isang modern Cinderella. Hindi lang dahil sa kanyang kwento, kundi dahil sa angkin nitong kagandahan. Napakainosente nito sa mga bagay bagay.
Cohen can’t help but to be intrigue with Ghana. May kakaiba sa dalaga na gusto niyang makilala.