Hingal na hingal na si Ghana nang makarating siya sa destinasiyon niya. Agad naman niyang nahanap ang Publishing Office at binigay ang folder sa mga tao doon na nag-eempake na rin upang umuwi sa kani-kanilang mga tahanan. Finally, she did her task and she is now off on her way to go home.
Hindi niya lubos maisip na kailangan na nanaman niyang pagdaanan ang mahabang hagdan pababa bago makauwi. Bigla siyang nabuhayan ng loob ng tumunog ang elevator sa kabilang dako. May pumasok na isang babae tsaka may pinindot sa gilid. ‘So tutularan ko lang ang ginawa ng babae at makakagamit na ako ng elevator’, pangungumbinsi niya sa sarili.
Naglakad siya papunta sa may elevator ngunit agad ding tumigil ng nasa harap na ito. ‘Paano na lang kapag namali ako,' saad nanaman ng isip niya.
“Ahem…” Hindi na siya nabigyan ng pagkakataong magmunimuni pa nang biglang may tumikhim sa may likuran niya. Napalingon naman siya. Hindi niya inaasahan ang kanyang makikita.
“Good afternoon po Mr. CEO," mahinang bati ng dalaga. Pagod na rin talaga ang katawan niya at tila ba nagamit na niya lahat ng enerhiya niya para sa buong araw at kailangan na niyang magrecharge.
Kahit mas matangkad ng di hamak ang boss nito sa kanya, hindi pa rin maiwasang magtama ang kanilang mga mata. Napakagwapo pa rin nito matapos ang isang araw na pagtatarabaho. Bigla namang dumako ang mga mata ng dalaga sa mabalahibong dibdib ng binata na bahagyang nakaawang dulot ng hindi pagkakasara ng tatlong butones ng polo nito. Fit na fit rin ito sa katawan ng lalaki na nagbibigay outline sa kung gaano kaganda at katipuno ang nagtatago sa likod ng mga telang iyon.
“Cohen by the way…," pagpapakilala ng binata.
“We met twice now pero hindi ko pa nasasabi ang pangalan ko sa’yo beauty.” May nakakalokong ngiti ang naglalaro sa mapupulang labi ng binata. Marahil ay nahuli niya ang pagtingin ng dalaga sa maskulado nitong dibdib. Bahagyang yumuko naman ang dalaga sa hiya.
‘Parang kailangan mo pang magpakilala eh rinig na rinig ko naman ang pagpapakilala ng MC sa iyo noong isang gabi’, pambabara ng dalaga sa isip niya. Of course! She can’t possibly insolently respond to her boss in that manner. Kahit gaano man kabait ang isang tao, may bad sides pa rin iyan.
Hindi pa rin mawala ang mga pagngisi-ngisi ng CEO. Lingid sa kaalaman ng dalaga, kanina pa pala siya pinagmamasdan nito. Alam nitong nag-aalangin itong gumamit ng elevator.
“Shall we?” pagyayaya ulit ng binata sa kanya ng bumukas ang walang katao-taong elevator. Naunang pumasok si Cohen sa loob na sinundan naman ng dalaga. ‘Sa lahat ng maaari kong makasabay bakit siya pa.’
Pinagmasdang maagi ni Ghana ang mga pinindot ng kasama niya. ‘Dapat matuto na akong gumamit ng elevator.’ Isa ito sa mga basic thing na nakaligtaang ituro ni Antonio sa kanya. Sino ba kasing mag-aakalang may taong hindi pa pala marunong gumamit mg elevator.
Hindi naman talaga kasi taga-Tondo ang dalaga at hindi siya namuhay sa siyudad ng matagal. Sa katunayan nga niyan, mag-iisang taon pa lamang siya dito sa Maynila. Bigla nanaman niyang naalala ang mapait niyang buhay. Third year student pa lang siya noon nang nagsimulang magbalibaliktad ang mundo niya sa pagkakasakit ng kanyang ina. Well, kahit noong bata pa naman siya ay dati ng magulo ang buhay niya. Dumating lang talaga sila sa punto ng sukdulan noong nagthird year na siya sa highschool. Duon niya rin nagawa ang isang bagay na pinagsisisihan niya. Napabalik sa ulirat si Ghana ng bigla namatay ang ilaw sa loob ng elevator.
“Ahh!”, bahagya siyang napasigaw. Ayaw niya sa dilim. Natatakot siya sa kung ano man ang maaaring mangyari kapag wala siyang makita. Hindi niya napigilan ang pag-agos ng kanyang mga sariwang luhan. Hindi niya bukod maiisip na hanggang ngayon may trauma pa rin siya sa dilim.
Cohen doesn’t know kung bakit napakahysterical ng kasama niya. Hinila niya ang mga kamay nito at hinapit papunta sa kanya. Naramdaman ng dalaga ang pagkulong ng mga naglalakihang mga bisig nito sa magkabilang parte ng kanyang katawan. She doesn’t know it too…but she felt relieved and safe in his arms.
“Shhh….I’m here…” pang-aalo ng binata sa kanya. Hindi rin alam ni Cohen kung bakit niya nagagawang icomfort ang isang babae when all his youth was dedicated in playing around and hurting women. ‘Maybe this was a sign I am maturing as a gentleman,' naiisip na lamang ng binata sapakat hindi niya rin maintindihan ang naging action niya.
Pagkuwa’y, bigla nagkailaw…ngunit hindi ito kasinliwanag ng dati. “Damn late! Emergency Light!” pagalit na bulong ng CEO.
“We’re sorry for the inconvenience. There’s a sudden technical crisis on the Power room. Everything will be back into normal for about two minutes,” pag-aanounce ng isang boses mula sa technical department.
Nang maalala ni Ghana ang posisiyon nila, agad niyang tinulak ang binata. ‘Hindi ito maari. Parte si Cohen sa nakaraang nais kong kalimutan. Hindi dapat ako mapalapit sa kanya. Isa siya sa mga taong maaring sumira nanaman ng bagong buhay na pilit kong hinahanap,' pagsusuway ni Ghana sa sarili.
Medyo naguguluhan naman ang binata sa inasal sa kanya ni Morghana matapos niyang gawan ito ng magandang bagay na never niyang naimagine na gagawin niya.
Kalauna'y bumalik sa dati ang lahat. Nagkailaw na ng maliwanag tsaka umandar na rin ang elevator. Pagkalapag nito sa pinakaunang palapag, agad na tinakbo ni Ghana ang pintuan palabas dala ang maraming tanong sa sarili.
‘Napakahina ko. Bakit ko hinahayaang apektuhan ako ng aking nakaraan? At bakit kailangan palagi kong makita si Cohen?’ Ghana was cut short of her dramatic monologue with herself nang biglang may bumusina sa may likuran niya.
“Come on! It’s getting late. Isasabay na kita…doon din naman ako nakatira," cool na cool na pagkakasabi ng taong iniiwasan niya ngunit impossible niyang magawa.
“Okay lang po ako Sir…magjejeep na lang po ako," marahan na pagtanggi niya sa alok ng kanyang boss na nakasakay sa isang itim na magarang Lamborghini.
Napataas naman ang isang kilay ng boss nito. Jeep? Model? Never pa siyang nakakatagpo ng model na sumasakay sa jeepney. Well, by now Cohen just met one.
Akmang hahakbang palayo sa sasakyan si Ghana ng binigyan siya ng threat ng kanyang CEO.
“You don’t want me to tell everyone how you cry so hard earlier beauty, do you?” saad nito na parang nangbablackmail.
Wala ng magawa ang dalaga at pumasok na siya sa sasakyan. Mukhang hindi naman sineseryoso ng boss niya iyong nakita niya kaninang side ng dalaga na mahahalata sa panunumbalik ng mga ngisi nito sa labi.
Pagkapasok nila sa may lobby ng Manila H&C, agad nagbulong-bulongan ang mga tao sa paligid. Bigla namang uminit ang pisngi ng dalaga sa hiya. Marahil iba ang iniisip nila.
Imbes na sundan si Cohen sa isang elevator sa may bandang kanan, tumungo siya sa kaliwa. ‘Alam ko ng gumamit ng elevator at hindi ko na kailangang bumuntot pa sa iyo.'
Sa kabila ng mga nangyari ngayong araw, masaya si Ghana na sa wakas alam na niyang gumamit ng elevator.