Maagang nagtungo si Ghana sa Manila Times building para sa unang araw niya sa trabaho bilang isa sa mga modelo nito. Natapos na ang isang linggong palugit na binigay sa kanya ng kumpanya upang makapag-adjust at maturuan ng basics. Everything is new for her pero aminado siyang kakayanin niya ito. Nakayanan nga niyang sundin ang mga tinuro ni Antonio sa kanya lalo na ang social etiquette na kakailanganin talaga niya sa mundong pinasok niya.
Ang pagmomodelo ay hindi pangkaraniwang trabaho kagaya ng mga dati niyang pinasukan. Hindi ito simpleng pagtitinda lamang ng mga ukay-ukay sa tiangge. Kailangan niyang magpakatatag at makibagay if she really wants to enter the world of social elites.
Matapos ang isang malalim na buntong hininga, pinihit ng dalaga ang handle ng double door na nagseseparate sa main lobby at indoor studio ng kumpanya. Minsan na siyang dinala ni Antonio sa main building upang itour sa iba’t ibang mga rooms at offices dito kaya naman alam niya kung saan siya dapat pupunta.
Ang studio sa loob ang nagsisilbing training ground at rehearsal area ng mga Manila Times models. Sa e-mail na natanggap ni Ghana galing sa isang bagong sender na nagpapakilalang manager at training instructor sa kumpanya, dito raw sila sa studio magkikita-kita. Hindi siya sigurado kong totoo ito or kalokohan lamang ngunit wala rin naman siyang magagawa kundi ang sundin ito. Besides, it’s her first day of work at hindi pa siya familiar sa kalakaran dito.
Hindi nga siya nagkamali sa pagsunod sa nasabing e-mail sapagkat pagbukas niya ng pinto, may nadatnan siyang elaganteng lalake na nakaupo sa ibabaw ng table with his legs crossed. Nakatingin ito sa watch niya na animo’y nagbibilang ng oras. Kagaya ni Antonio, ang lalaki sa harapan ng dalaga ay nakatapis ng mga mabalahibong damit yari sa mga balat ng tupa at iba pang hayop na may ganitong katangian.
“Ahem…," pagtataas kilay nito sa dalaga ng mahuli niya itong nakatingin sa kanya. “What are you looking at?” pagtataray nito na tila ba isang malaking pagkakamali ang titigan siya ng matagal.
Agad namang bumawi si Ghana gamit ang mapanuyo nitong mga ngiti. ‘Marahil ito iyong manager at practice instructor na nagpadala ng e-mail, kailangan kong makuha ang good sides niya,' tahimik na pagpapaalala niya sa sarili. At alam niya kung paano iyon gawin.
“Napakaclassy niyo po sa inyong kasuotan,' mabilis na bawi nito sa lalaki. Ayon kay Antonio the best way to get into people’s good side is to compliment their looks. Agad namang napangiti ang kausap bago ito bumalik sa seryoso nitong ekspresiyon.
“You really know how to say good words…but let’s see kung hanggang saan ka dadalhin ng pagiging down to earth mo," mabilis na sambit ng lalaki bago ito tumalon mula sa kinauupuan at lumapit sa dalaga. Pinagmasdan niya ng maigi ang face and figures ni Ghana.
“I must say you are lucky to have a nice genes but your way of living these past years didn’t specialized in caring for your skin.” Batid ng manager na natural na maganda ang bagong modelo nila. May kung anong sense of mystique at innocence ang matatagpuan sa kanyang mga mata. Ang mga labi nito ay animo’y nakalipstick kahit hindi naman sa natural nitong pamumula. Iyon nga lang, medyo hindi pantay ang kulay ng kanyang mga balat. Ang mga braso nito na karaniwang nabababad sa araw ay mas maitim kumpara sa kanyang mukha. Batid ng manager na sa paglipas ng panahon ay maaayos niya rin ang balat ng dalaga.
Pagkuwa’y nagsimula itong maglakad. Kakaiba ang paraan ng paglalakad nito na parang bibe kung makakembot sa balakang. Tama nga ang hinala niya, bakla ang lalaking kanina pa niya kausap.
Sinundan niya ng tingin ang bakla hanggang sa pintuan kung saan nito sinalubong ang bagong dating na dalaga. Nakadamit ito ng pulang above the knee spaghetti strap dress na halatang mamahalin at branded. Namumukhaan niya ang babae. Aminado siyang ito iyong nagtaray sa kanya na nagngangalang Dalarie.
Medyo nanlumo naman ang dalaga sa suot nitong blue jeans at faded gray sleeveless top. Kahit papaano naman ay may fashion sense siya, iyon nga lang, may kaibahan ang pagiging fashionista lamang at pagiging fashionista at mapera. Kahit gaano kagaling manamit ang isang dilag, hindi pa rin nito mababago ang quality ng kasuotan nito.
“Hello Morghana!” agad namang nagbalik sa ulirat si Ghana nang may tumawag sa pangalan niya. Walang iba kundi si Nadia na nakaorange maxine dress.
“Wow! Ang cute naman ng outfit mo," pamumuri nito kay Ghana. Hindi naman sigurado ang dalaga kung pamumuri ba iyon o pang-iinsulto kung kaya naman ay mapakla siyang ngumiti.
“I mean that was classic," pagkaklaro ni Nadia sa kaibigan in case na iba ang isipin nito.
“Thank you…Ikaw din," pagbabalik compliment naman ni Ghana sa kasama.
Hindi nagtagal ay dumating na rin sina Kaye at Aeris kasama ang iba pang mga modelo. Bale nasa mahigit labing dalawa na sila sa bilang.
“Okay everyone," pag-aagaw pansin ng lalaking nakadamit ng mabalahibo na siya naman pinag-ukulan ng pansin ng lahat. “Though I don’t need further introduction of who am I, I will do it for the sake of the newbie. My name in DeCarpio Guevera. I prefer to be called DeCarpio and I’ve been successfully handling Manila Times models for three consecutive years. I hope we will do fabulous again this year," mahabang pagpapakilala nito.
Agad namang napaisip si Ghana. DeCarpio Guevera? Nagtataka ang dalaga kung bakit magkapareho sila ng apelyedo ng kaibigan niyang si Antonio Guevera. Kung kaya’t tinanong niya ang katabi nito.
“Aeris kaano-ano ba ni DeCarpio si Antonio Guevera?" tanong nito.
“Ah iyong dressmaker ba…hmmm…They are siblings," sagot nito sa tanong ni Ghana.
Lumipas ng mabilis ang araw at humampas sa alas singko ang orasan, hudyat ng pagtatapos ng mahabang araw na paghahanda nila sa isang upcoming fashion show sa Baguio. Winter themed Fashion Show ang binabalak ng kumpanya alinsabay ito sa nalalapit na pasko.
Hindi naman nahirapan si Ghana na makipagsabayan sa nagtataasang mga takong sapagkat kasama iyon sa practice nila ni Antonio. Ang kaso nga lang, hindi na maiiwasan ang pamamaga ng kanyang mga paa sapagkat hindi naman niya ito kinasanayan.
Unti-unti ng nagsisilabasan ang mga kasamahan niyang mga modelo sa studio. Nang akmang aalis na rin si Ghana ay bigla siyang tinawag ni DeCarpio. Binigyan siya nito ng isang folder at inutusang ibigay sa Publishing Office sa may 5th floor. Medyo nagulat pa siya sapagkat batid niyang hindi naman ito kasama sa trabaho niya, ngunit nahihiya rin siyang tumanggi. Tinapunan pa siya ni Dalarie ng mapang-asar na ngisi tsaka ito umalis.
Tinungo naman niya ang ikalimang palapag gamit ang hagdan. Batid niyang may elavator naman sila, ngunit kinakabahan siyang gamitin ito. Hindi siya marunong at nahihiya siyang baka pagtawanan siya ng mga tao kapag may mali siyang magawa.