Kababata 4: Dance with the CEO

1377 Words
Marahang hinagkan ni Cohen ang kamay ng dalaga bago niya ito bitawan at tumungo sa harapan upang magbigay ng paunang salita. “Nice meeting the wildcard model. I must say you’re quite an investment,” ani ng binata na hindi lubos maintindihan ni Ghana. At ang sumunod na sinabi nito ang mas nakapagpintig ng kanyang tenga. “See you around beauty”, kumindat ito bago tuluyang naglaho sa mga nagkukumpulang mga tao. Beauty… Beauty… Beauty… The word continues to play on her mind like a cassette type. Hindi naman ito ang unang pagkakataong makatanggap siya ng compliment mula sa mga kalalakihan ngunit parang may kakaibang pitik sa puso niya ngayong mula sa mga labi ng CEO niya mismo ito narinig. ‘Gosh Ghana. Ano bang iniisip mo? Akala ko ba isa siya sa mga ayaw mo ng makita at dahil hindi mo na mapipigilan ang mga pagkakataong makikita kayo, kailangan mong umiwas kung maari,' mariing sigaw ng kanyang utak. Linibot niya ang kanyang mga mata sa venue. Napakaengrande ng mga dekorasiyon. May mga naglalakihang indoor fountains na pinapalamutian ng mga pailaw. Inalala ng dalaga ang turo sa kanya ni Antonio kapag nandito ka sa isang engrandeng pagtitipon. Malumanay na tinaas ni Ghana ang kanyang kanang braso sa isang waitress na malapit lang sa kinatatayuan niya. May mga dala itong baso ng mga inumin. Agad naman itong naglakad papunta sa kanya. “Ladies drinks please," request ng dalaga sa waitress na agad namang inabot nito sa kanya. Pakunwaring hindi ito ang unang pagkakataong kumuha siya ng inumin mula sa isang waiter, tinikman niya ng kaunti ang kanyang inumin at nagsimulang maglakad patungo sa isang fountain. Wala siyang ni isang kakilala dito maliban kay Mrs. Versohilla na bising-bisi mag-entertain ng mga bisita....at hmm ang CEO, ang pinakahuling taong gusto niyang makita. Sa kabila nito, alam niyang hindi dapat siya manatili sa isang sulok lamang. Kagaya nga ng sinabi ng kaibigan nito, ito ay magandang pagkakataong makipagkaibigan sa mga taong magiging katrabaho niya sa susunod na mga araw. ‘Tatapusin ko lang talaga ang napakalinamnam na inuming ito at makikipagkaibigan ako sa iba.’ Ghana is trying to condition herself before moving on to her plan of befriending people lalo na iyong mga babaeng nagkukumpulan sa isang table. Mga kaedad niya ang mga ito at marahil mga modelo rin kagaya niya dahil sa mga naggagandahang biyas ng kanilang katawan. Medyo napawindag siya ng biglang may nagsalita sa tabi niya. Hindi na pala siya nag-iisa sa may fountain. “Mind if I join you," pamamaalam ng bagong dating na binata. Nakaputing barong ito, naiiba sa mga kalalakihang dumalo na halos ay nakaAmericana at tuxedo. “I’m Migs by the way," nakangiting pagpapakilala ng estranghero. Sa huling pagkakataon ay tinunga ni Ghana ang laman ng kanyang baso tsaka bumaling sa binata. Ngayong ubos na kanyang inumin, she will start befriending people now. “I’m Morghana Candice Lequin." Mas pinili nitong ipakilala ang full first name niya. Kung sisikat man siya, atleast ito ang pangalang kikilalanin ng mga tao at hindi ang palayaw niyang Ghana. Besides, only her close friends are calling her Ghana. Basically, kapag magpapakilala siya sa iba, it will be Morghana Candice. Nagkamayan ang dalawa at agad na nagkasundo sa mga bagay bagay. “So sabihin mo sa akin, bakit ka nakabarong?" tanong ni Ghana kay Migs. Ngumiti naman ito bago sumagot. “Sabihin na nating, I’m a patriarch. Masyado kong mahal ang kultura ng bansa at lahat ng mga produkto nito," sambit nito habang nakatingin sa umaagos na tubig mula sa tutok ng fountain. Napahanga naman ang dalaga. Siya rin mismo ay galing sa isa sa mga minority ethnic groups ng bansa na napakayaman sa kultura. “Wow! Saludo ako sa iyo Sir," medyo ginaya pa ni Ghana ang postura ng isang pollice officer na nagbibigay pugay sa mas nakatataas sa kanya. Bahagyang napatawa naman ang kasama niya. “Funny…But I am afraid, kailangan ko na ring makipag-usap sa ibang mga guest. See you around," pamamaalam ni Migs. Tutunghin na sana ni Ghana ang kinaroroonan ng mga dalagang nais niyang kaibiganin bago pa man dumating si Migs, ngunit hindi na niya kailangang gawin iyon sapagkat ang mga dalaga na rin mismo ang tumungo sa kinatatayuan niya. “Oh so here is the charity case model”, pambabara ng isang babaeng nakasuot ng kumikislap na pulang high slit dress. Agad naman itong sinuway ng kasama nitong nakapink ball gown bago binalingan si Ghana. “Pagpasensiyahan mo na si Dalarie bad mood kasi siya ngayon. By the way welcome to the club. My name is Nadia," sabay abot ng kamay na agad namang tinanggap ng dalaga. “Morghana," nakangiti nitong sambit. Sumunod namang nagpakilala ang dalawa pang kasamahan ng mga ito. “I’m Kaye," pagpapakilala ng morenang nakakulay itim na gown. “Aeris here," pagpapakilala namang ng chinitang nakadamit ng kasingkulay ng karagatan. “Nadia, Kaye, Aeris, and…Dalarie…Ikinagagalak kong makilala kayo," nakangiting saad ni Ghana sa mga bagong kakilala. Sa wakas unti-unti ng nadaragdagan ang listahin ng mga taong nakikilala niya sa bago niyang mundo. “Excited na rin kaming makawork ka at maging kaibigan na rin. You know I’ve been curious about the life in Tondo," masayang sabi ni Nadia na agad namang sinang-ayunan ng lahat maliban kay Dalarie. “Well, speak for yourself. Hindi ako excited makatrabaho ang low breed model na iyan. Baka hindi pa nga iyan marunong rumampa," taas kilay na sambit ni Dalarie sabay lakad palayo. Binigyan naman si Ghana ng sympathetic look ni Nadia at Aeris habang cool na cool pa rin si Kaye sa isang tabi. Napabuntong hininga na lamang siya at kinumbinsi ang sarili. Well, we can not please everyone. And besides, unang pagkikita pa lang nila ito ni Dalarie. Patutunayan na lamang niyang mali ang iniisip nito sa kanya. Too bad, people seem to judge you at first glance basing on your origin. Magsasalita pa sana si Nadia upang humingi nanaman ng tawad sa nasabi ni Dalarie nang biglang dumating si Mrs. Versohilla. “Kung ipagpapaumanhin niyo, I have to take Morghana with me," paumanhin nito bago niya isinama ang dalaga sa isang malaking table sa harapan. Umupo si Ghana sa isang bakanteng silya. Hindi niya inaasahang katabi pala niya ang kanina’y escort niya sa pagpasok, ang CEO ng kumpanya. Pormal na ipinakilala ni Mrs. Versohilla ang bagong model sa mga board of directors. Agad naman siyang nagustuhan ng mga ito sa angkin nitong kagandahan at sa paraan niya ng pakikipag-uusap. Buti na lang talaga at tinuruan siya ni Antonio on how to properly use the different spoons and fork placed on the table. Mas lalo nitong napabilib ang mga kasamahan sa lamesa sapagkat hindi lingid sa kaalaman ng marami na isa lamang siyang hamak na taga-Tondo na hindi lumaki sa ganitong uri ng buhay, ngunit nakayanan niyang makibagay. Hindi nagtagal ay nagsimula ng tumugtog ang mga live musikero sa isang tabi na naghuhudyat ng simula ng sayawan. Unti-unti ng nagsisitayuan ang mga kasamahan ni Ghana sa table upang sumayaw sa dancefloor hanggang sa dalawa na lang sila ni Cohen ang naiwan. “Hmm…I guess this calls for us to dance as well beauty," nakakalokong ngumiti ito sa dalaga sabay kindat. Hindi maitatanggi ni Cohen na nagagandahan siya sa bago niyang model. She looks pure, natural, and exotic. Exotic in a way na nakakarefreshing siyang titigan. And those eyes of her are so deep…napakaganda at medyo familiar? May maliit na tinig sa isip ng CEO na nagsasabing minsan na niyang nakita ang dalaga somewhere. She looks familiar but then he can’t recall kung saan niya ito unang nakita. Napakarami ng babae ang dumaan sa buhay niya at ni isa wala siyang maalala sa kanila. Never siyang nagseryoso at wala siyang balak. Ang mga babae para sa kanya ay libangan lamang at pampalipas ng oras. Hindi na makatanggi si Ghana sa alok na sayaw sa kanya ni Cohen. He is their CEO. He is her boss for Pete’s sake. Marahan niyang kinuha ang mga kamay nitong nakalahad at nagtungo sila sa dancefloor. Medyo naiilang pa siya noong una at medyo kinakabahan sapagkat hindi siya sanay makipagsayawan.Tinuruan naman siya ni Antonio ng basic, ang kaso nga lang natural na parehong kaliwa ang kanyang paa. Hindi talaga siya marunong sumayaw. Nahihiya nga siya sa boss niya sapagkat minsan na itong natapakan sa paa. Take note, nakasandals siya. Hindi alam ng dalaga na mas nasisiyahan ang kanyang kasayaw sa mga pagkakamali niya.  ‘This beauty is so innocent of things like I expected. I can’t wait to teach her things she never thought possible!'  Napangisi na lamang si Cohen sa iniisip niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD