Tatlong araw pa lang ang nakalipas simula ng maganap ang nasabing pagpupulong ng mga shareholders, ngunit naghahanda na ang lahat para sa annual grand reopening ng Manila Company. Taun-taon nila itong gingawa kada bagong taon para markahan ang panibagaong kabanata ng kumpanya at para na rin bigyang pagkilala ang bagong magrerepresenta ng kanilang pangalan sa buong mundo- ang bago nitong main model. Many good comments and feedback were received from the public sa naging pasya ng kumpanya. Maraming pumupuri sa natural na ganda ng dalaga. May kakaiba talaga sa mga mata nito na nakakapukaw damdamin. Hindi nga nagkamali ang mga shareholders na naniwala sa potential at charisma ng modelo. Mayamaya pa ay may itim na limousine ang huminto sa harap ng red carpet na papasok sa main entrance ng fun