Tahimik na nagsasampay ang dalaga ng mga nalabhan niyang underwears. May libreng palaundry namang inooffer ang hotel sa mga VIP guest nito kabilang na siya ngunit mas pinili niyang huwag isama sa mga ipapalaba niya ang mga personal na kasuotang panloob. Nakakahiya rin kasi sa part niya bilang isang babae na naturingang dalaga. Napahinto naman ito sa pag-iipit ng kanyang mga nalabhan nang marinig ang pagtunog ng doorbell sa labas. Nagpunas siya ng kamay at tsaka tinungo ang pintuan. Saglitan naman niyang tinignan ang maliit na monitor upang tignan kung sino ang taong nambubulabog sa kanya ngayong weekends. Weekends kung saan dapat siya nagpapahinga. Hindi pala ganun kadaling maging main model ng kumpanya sapagkat napakaraming photoshoots at prescon ang pinagawa sa kanya sa unang linggo f