Mga kalahating oras ang ginugol ng dalaga sa panliligo at paghahanda para sa shopping day na gagawin nila ngayong araw kasama ang CEO. Pinili niyang suotin ang kulay yellow na dress na nabili niya noon sa Night Market. Nagiging isa na kasi ito sa paborito niya. Bukod sa matingkad nitong kulay, flowy ang pang-ibaba nito na nagbibigay daan para sa malayang paggalaw ng mga binti ng dalaga. Gumamit rin siya ng flat shoes para mas madaling siyang makalakad kung sakasakali mang may lalakarin silang mahaba. Nang matapos na siyang maglagay ng light make up at loose powder sa kanyang mukha ay dahan-dahan niyang pinihit ang doorknob ng kanyang kwarto upang lumabas na. Nabigla siya sa pagtambad ng naiinip na binata na naghihintay sa kanya. Nakacross arms ito at makikita ang kunting pagrereklamo sa