Agad na nagsitakbuhan ang mga batang Tondo sa nakadilaw na dalaga nang makarating ito sa dati nilang tagpuan upang mag-aral. Dito rin kasi kalimitang nagtitipon-tipon ang mga bata upang maglaro. Sobrang sabik-sabik si Ghana na muling makita at mayakap ang mga bata. Nagmistula na kasi niyang mga anak-anakan ang mga ito. “Ate Ghana sobrang namiss po namin kayoooooo”, excited na sambit ng batang babaeng si Ella bago dambahin ang dalaga sa isang napakalaking yakap na sinundan naman ng ibang mga bata. Medyo naalarma naman ang kasama nitong binata sapagkat halos hindi na niya makita si Ghana na kasalukuyang nakaupo upang pantayan ang lebel ng mga bata. Sa kabilang banda naman ay may kung anong kasiyahan ang namumuo sa puso nito dahil sa natutunghayang group hug. Nakakalambot ng puso ang makit