Naging mabilis ang takbo ng panahon at sa wakas ay dumating na araw na pinakahihintay ng lahat lalong-lalo na ang mga empleyado at modelo ng Manila Times. Sa araw kasing ito gaganapin ang pinakahuling fashion show ng kumpanya bago sila mabigyan ng pagkakataong makapagbakasiyon kasama ang kani-kanilang mga pamilya. Kasalukuyan namang naglalast rehearsal na ang mga modelo sa mismong function hall na pagdaraosan ng show. Matapos ang ilang rounds ay pinagpahinga na sila ng manager para makapagfreshen up bago sila lagyan ng mga make up at ayusin ng mga hair stylists. As usual, nakiupo si Ghana sa kinaroroonan nila Nadia, Aeris, at Kaye. Tila ba mga magbesties ang tatlong modelo at mabait sila sa dalaga. “Hey I heard nasuspend ka raw because of physically assaulting Megan. Is it true?” Mahina