Kabanata 27: Mystery Guy

1137 Words

Imbis na ikulong na lamang ni Ghana ang sarili sa maliit na apartment at mabaliw sa pag-alala ng nakaraan ay mas pinili na lamang niyang bumisita sa mga bata sa Tondo nang sa gayo’y mapunan ang lungkot na bumabalik nanaman sa kanyang puso. Naisipan niyang ipagluto ang mga bata ng pancit nang may makain sila pagkatapos nilang mag-aral. Tuturuan ulit sila ni Ghana ng panibagong lessons. Mabilis siyang naligo at tinungo ang pamilihang bayan upang bumili ng mga rekado at sahog ng kanyang lulutuin. “Nanay pabili po ako ng dalawang kilong repolyo tsaka po isang kilong carrots,” magalang na ani ng dalaga sa may katandaang ale na nagtitinda ng mga gulay. “Sige ganda. Pili ka lang diyan,” masaya nitong wika sabay abot ng aluminun na platter ng kilohan bago nito harapin ang iba pang namimili sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD