Abala si Ghana sa pag-aayos ng kanyang monthly model’s profile kung saan sinusulat niya ang mga aktibidades na nagawa niya loob ng isang buwan. Ito ay bahagi ng kanyang responsiblidad bilang main model ng kumpanya. Habang nag-tatype siya sa desktop computer na sa kanyang opisina ay may kumatok sa kanyang pintuan. “Come in,” ani ng dalaga habang hindi pa rin tinatanggal ang paningin niya sa monitor ng computer. Narinig naman niya ang pagbukas at pagsara ng pintuan kasabay ang uni ng mga takong na papalapit. Tinaas na niya ang kanyang paningin upang salubungin kung sino man ang dumating. “Good morning Miss Lequin,”magalang na bati ng babae na nakasalamin. Napaisip naman si Ghana sapagkat pamilyar ang mukha nito sapagkat paminsan-minsan niya itong nakikita dito sa kumpanya ngunit hindi niy