K15 - Mabuting Puso NAGISING si Hermione dahil sa walang tigil na pag-vibrate ng kanyang smartphone sa ibabaw ng mesa. Inaantok na tumingin siya sa orasan, at hindi niya alam kung tama ba ang tingin niya sa oras. Alas tres ng madaling araw na. Wala naman ibang tatawag sa kanya kung hindi si Corina. Agad siyang nag-alala. Nakita niya na hindi numero ng Mama niya ang tumatawag, ang kapitabahay nila sa apartment na si Aling Cornella iyon. "H-Hello po—" may pag-aalala agad na sabi niya. "Hello, Yon, si Aling Cornella ito, anak." "Opo, Aling Cornella," tumayo siya pagkasabi niyon para lumayo kay Cain dahil baka magising ito, "Bakit po?" "Naku, ang Mama mo, isinugod namin sa ospital dahil suka nang suka." "Po?" Tanong niya sa naiiyak na tono," Nasaan pong ospital?" Tuluyan siyang naiyak.