K16 - Absence Makes the Heart Grow Fonder THE room feels empty. Pangalawang araw na hindi umuwi si Hermione sa mansyon. Wala iyong chat sa kanya ni anuman, kaya hindi niya alam kung sasama ba ang loob niya lalo, dahil parang wala talaga iyong pagmamahal sa kanya. Pakiramdam lalo niya ay sumunod lang iyon sa plano ni Manuel na lapitan siya. Hindi ba siya kaibig-ibig? Damn that kaibig-ibig. Hindi iyon bagay sa lalaking tumira sa lugar na puro siga ang nakatira. Hindi niya alam kung ano na ang nangyari kay Corina, kung maayos na ba o lumala pa. And his pride was stopping him from sending a simple message of, "How's your mother?". Bumaba siya, karga ang anak. Maayos naman si Hunt. Nagtataka siya na hindi man lang ito kumustahin ni Hermione. Umiinit ang ulo niya kapag naiisip na parang wal