CHAPTER 24 PAGKARATING sa Iloilo City ay hinanap ko naman ang terminal ng jeep na ang routa ay pa Fort San Pedro. Kanina sa biyahe ay naisip ko na kung saan ako pupunta. Sasakay ako ng barko. Pinili ko ang mahabang biyahe para pagisipan kung saan ako susunod na pupunta. Hindi pa masyadong nakakalayo ang jeep na sinakyan ko ay natanaw ko na kagad si Francis sakay sa motor nito. Nakaipit sa kamay nitong nasa grip ang papel na inabot ko kay manong! Malamang nabasa niya na ito iyon! Lumakas ang kabong ng dibdib ko. Kitang kita ko kung paano ito huminto at lumingon lingon sa terminal para hanapin ako. Hininto nito ang motor sa tapat ng dispatcher at nagusap sila. Panay ang siksik ko sa katabi at tinatago ang mukha sa takot na makita ni Francis. Nakahinga ako ng maluwag ng makara