CHAPTER 25 BUMUNGAD sakin ang may kalakihang kwarto. Unang beses ko atang makapasok sa ganitong silid. Kung hindi lang sa ibang pakiramdam ay na-appreciate ko na ito. Kaso sa sobrang lungkot ay hindi ko magawa. Parang lahat ng bagay sakin ay walang silbi. Walang kulay. Walang halaga. Kanina pa ko nagpipigil simula ng umandar ang barko ay nahihilo at naduduwal na ako. Mabuti na lang at may private bathroom kaya duon ako sumuka ng sumuka. Hindi ko naman na ito nararamdaman nung mga nakaraan, baka dahil sa byahe kaya sumama din ang aking pakiramdam o baka hindi pa tapos ang morning sickness ko? Yun kasi yung nabasa kong tawag sa internet ng minsang nagsearch ako sa symptoms ng pagbubuntis. Paulit ulit akong naghilamos at nagpunas ng mukha. Pinapakiramdam ang sarili para sa muling