CHAPTER 26 “WHOA! Whoa! No haré nada malo!” (Whoa! Whoa! wala akong gagawing masama!) Mabilis akong umalis sa pwesto ko at takot ko siyang tinignan. Napasulyap ako sa tattoo nito sa braso. Letrang BGM na napapalibutan ng itim na dragon. Nahuli niya akong nakatingin doon kaya ngumisi ito at nakapamulsang hinarap ako. “Astig ba?” Ginalaw galaw pa nito ang braso para iharap sakin. Umirap ako sa sinabi niya. “Ano bang sinabi mo kanina? Tsaka ano bang ginagawa mo dito? Sinusundan mo rin ba ko?” Matalim ko siyang tinignan. Bakit ba andaming sunod ng sunod sakin. Buti sana kung maganda ang idudulot kaso hindi naman. “Sabi ko.. wala akong gagawing masama. Solo asegurándome de que realmente no te encuentres,” (Sabi ko.. wala akong gagawing masama. Naninigurado lang na hindi