CHAPTER 27 NAGISING ako sa ilang katok mula sa pintuan. Pungas pungas pa kong bumangon. Tumambad sakin ang payat at morenang babae na may bitbit pang mangkok. Nakangiti pa sakin. Nanuot sa ilong ko ang amoy ng adobong manok. Bigla tuloy ang pagkalam ng sikmura. Nahihiya akong ngumiti sa kanya at hinimas himas ang tiyan. Natawa lang ito at inilapit pa lalo sakin ang ulam. “Uh—para sayo ito. Nabalitaan ko kasi kay Mamang Remi na may bago nga daw boarder. Diyan lang ako sa kabilang kwarto.” Nginuso nito ang katabing kwarto. “Ay, hala! Nagabala ka pa. Pasok ka..” sabi ko at niluwagan ang pagbukas ng pintuan para makapasok siya. Nilapag nito iyon sa lamesa at humarap sakin. “Pa-welcome ko yan bilang bagong boarder ka dito. Ako pala si Monica, nagtatrabaho akong cashier diyan