CHAPTER 9
NAGKAKAGULO na sa loob ng gym sa lakas ng cheer para sa mga gusto nilang manalong team. Todo support naman ang ibang classmates namin kaka sigaw sa apelyido ni Francis.
Yung totoo? Practice game ba talaga ito o hindi?
Pinapatunog pa ni Francis ang suot nitong sapatos bago pumasok sa loob ng court. May binulong muna ang kasama nito sabay tulak sa kanya kapa napaiiling ito at napangisi. Nagaasaran pa yata sila.
“Ang gwapo gwapo mo Torillo!”
“Boyfriend ko yan! Go babe! Wooo!” sabay ngisay ang grupo ni Mira sa kilig.
Nagkagulo ang crowd ng tuluyan ng pumasok sa court si Francis. Nagsimula na ang game at sa ilang minuto palang ay lamang agad ang team ng nobyo ng ilang puntos.
The more na pinapanuod ko si Francis habang naglalaro. Lalo akong nahuhulog. Hindi ko akalain na mas may iga-gwapo pala ito lalo na sa loob ng court. Simpleng gestures niya kinikilig ako. Hindi ko nga lang ipinapakita sa ibang tao kasi baka mabuking ako.
Panay tingin sakin ni Shaina at natatawa dahil sa sobrang kagat ko sa ibabang labi ko tanda ng pagpipigil ng anumang tili na baka lumabas saking bibig.
Muling naghiyawan ang mga estudyante ng maka puntos muli si Francis. Siya ang shooting guard ng kanilang team. Bukod sa magandang itsura nito ay magaling din pala maglaro ng basketball kaya lalong nagtilian ang mga tao sa gym sa tuwing nakakapuntos ito.
“Ang galing galing ni Torillo ano!? Ang gwapo kapag nakaka shoot!” sabay tili ni Denny. Kaya natatawa na lang ako. Bumaling ako sa court at nahuling nakatingin si Francis. Nginitian niya ako. Hindi na ko nakapagpigil at sinuklian ko din iyon ng magandang ngiti.
“Huy! Huy! Nginingitian ka ni Francis!” sabi ng classmate namin sabay yugyog sa balikat ni Mira. Nagbigay pa ng flying kiss sa inaakala niyang nobyo.
Tinapik si Francis at mukhang inaasar na naman ng mga kasama dahil sa nahuling kakatingin sa gawi namin.
“Huy! Tapos na lunch break! Alis na tayo, andun na ata si Maam sa room!” ani ni Shaina.
Malakas ang pagkakasabi nito para marinig ko dahil malakas talaga ang hiyawan sa loob ng gym. Tinignan ko si Francis na tumatakbo papunta sa kabilang court.
Tumango ako at nagpaalam kay Denny.
“Aalis na kayo?!” si Denny.
“Oo! Ala una na kaya! Di pa kayo babalik sa klase?!” Sigaw ko habang pinapagpag ang palda dahil may dumikit na alikabok.
“Mamaya na! Okay lang ‘yan kahit mamaya na tayong lahat bumalik!” Ganting sigaw ni Denny at busy na muli sa ka ka-cheer.
“Hoy! Pagalitan tayo! Bibili pa kami ng snacks bago bumalik sa room eh! Una na kami!” sabi ko. Nag okay sign lang si Denny at bumalik ulit sa kakatili. Tinapunan ko muli ng tingin ang court at abala parin si Francis sa paglalaro.
Nagsimula na kaming maglakad ni Shaina. Pasimula na nga ang klase base na rin sa ilang estudytanteng nagtatakbuhan na papasok sa kanilang room.
“Canteen muna tayo? Bibili ako ng sandwich. Nakakagutom sa loob.” Sabay himas ko sa tiyan na tumunog na dahil sa gutom.
“Pano ka magugutom don nanunuod ka lang, di ka naman nagsisigaw don. Sabi mo okay lang magutuman kahit ngayong tanghali lang? Anyare?” Umiismid si Shaina sakin habang tinitignan ako.
“E, sa nagutom ako. Tara na kasi!” yaya ko sa kanya. Hila hila ang kamay habang papunta na sa canteen ng school. Parang naubos ang energy ko dahil pigil na pigil yung bawat tili ko eh. Utak ko yung andaming sinasabi kanina. Sinasarili ko na lang yung cheer ko kaya siguro nagutom ako?
Pagkita palang sa iba’t ibang flavors ng sandwiches na nakadisplay sa counter halos maglaway na ko! Takam na takam ako, parang ang sasarap nila lahat. Inaabot ko ang dalawang daan sa kahera para sa walo na iba’t ibang palaman ng aking sandwiches.
“Ano yan? Gutom na gutom lang sa sandwich?” Naputol ang pagpili ni Shaina ng pagkain ng makita ang mga binili kong pagkain. Mabilis akong tumango habang nakangiti. Inaantay ko muna siyang matapos pumili at magbayad ng sarili nitong pagkain bago kami naglakad pabalik sa classroom.
Ilan palang kaming nasa loob ng classroom ng dumating ang History teacher namin. Panay ang sulyap nito sa relo dahil five minutes na ang nakakalipas ay lima palang kaming estudyate niya.
“Okay, let’s wait for the others. I’ll give another five minutes. Kapag wala parin sila. I-lock mo yung pinto. Magsisimula tayo kahit lima lang kayo.” sabi nito habang nakatingin sa classmate kong nasa harapan.
Inabala na lang ulit namin ni Shaina ang sarili sa kakain ng sandwich. Nakaka apat na ata ako, hindi parin ako nakuntento. Ang sarap sarap! Hindi ko naman akalain na darating ang araw na magiiba lasa ko sa sandwich sa canteen?
“Ansarap talaga!” Nakangiti pa ko habang sinasabi iyon.
“Ha? Eh, yung lasa katulad parin naman noon ah! Nagiba ba? Ganun parin naman panlasa ko?” takang tanong ni Shaina.
“Mas masarap ngayon, lalo na mayonaise. Buti dinamihan ko ng bili.”
Naconscious ako ng titigan akong mabuti ni Shaina.
“Bakit ganyan ka makatingin?”
“Wala.” sabi niya sabay kibit balikat.
Unti unting nagdatingan ang mga classmate namin na mukhang di parin nakakamove on sa pinanuod nilang practice game kanina.
“Buti nakahabol kayo? Muntik ko ng ipasara yung pinto at dun na lang sana kayo sa gym mag aral ng history. Okay let’s start!” masungit na sabi ni Maam bago tumayo at nagsulat na sa black board.
Nagmamadaling nagsibalikan sa kani kanilang upuan ang mga classmates ko. Hininto ko na rin ang pagkain dahil magsisimula na ang klase.
Tininignan ko yung natirang tatlong sandwich na hawak ko. Mamaya kakainin ulit kita.
“Humabol ka pa ng punas kay Francis bago tayo bumalik sa room. Kaloka ka!” Bulong ng classmate ko kay Mira pagkatapos ay naghagikgikan sila. Pinili ko na lang na hindi iyon pansinin pero may part sakin na unti unti ng naiinis sa nangyayaring panlalandi nito sa nobyo. Akala ko wala lang pero kapag paulit ulit ko kasing naririnig at nakikita nakakairita din pala.
“Miss, isang order ng sisig meal tsaka coke na rin. Magkano lahat?”
“Bale, one fifty po lahat sir.” Nakangiti ako habang inaabot ang two hundred pesos na bayad ng customer. Ibinigay ko ang sukli at sinabing pwede na itong umupo at antayin na lang na ihatid sa kanya ang order.
Napaangat ako ng tingin ng tumunog ang wind chime hudyat na merong customer na lumabas o pumasok. Nagkagulo ang mga serbedora at baklang customers dahil sa lalaking pumasok sa karinderya. Agaw pansin ang piercing nito na kumikinang sa tuwing natatapatan ng ilaw. Tinanggal nito ang suot na wayfarer at hinawakan na lamang. Ang black leather jacket na suot ay may panloob na puting shirt na hapit sa katawan. Tinernuhan iyon ng black din na ripped fitted pants at black rubber shoes.
Napatili si Ate Lydia ng mahulog ang basong hawak ni Claribel dahil sa kakatingin sa bagong pasok na customer.
“Hoy ano ba! Magsipag trabaho kayo ng maayos! Para kayong mga gutom na gutom sa lalaki ah!” Inis na sabi ni Ate Lydia dahil nga nagsipag hintuan sa ginagawa ang halos lahat ng nagtatrabaho maging customers sa karinderya.
“Ngayon lang kami ulit nakakita ng ganyan ka gwapo Ate.. Grabe ka naman samin. Minsan lang may maligaw na ganyan,” narinig kong sagot ni Wendy.
“Aray Ate!” himas himas ang tagiliran na kinurot ni Ate Lydia.
Dire-diresto sa counter ang lalaki. Siya yung may ari ng mamahaling sasakyan na nakasagutan ni Francis. Sa pagka kaalala ko tinawag siyang Leandro ng nobyo. Ayoko sana mag assume pero malakas ang kutob ko na ako ang sadya ng lalaking ito. Hindi ako nagpakita ng interes. Tinapunan ko ito ng walang ganang tingin bago kinausap.
“Anong order mo sir?” tanong ko sabay tuon na lamang ng atensyon sa tapat ng screen.
“What’s your best seller here? Hmm... what if bilhin ko lahat ng nasa menu pero sasabayan mo kong kumain, ano deal?”
Napa angat ako ng tingin. Naabutan ko siyang nakangisi sakin. May naalala ako pero agad kong pinatay iyon sa isipan.
“Wag ka na lang bumili kung gusto mo.” sagot ko ng walang emosyon. Humalukipkip ako sa harapan niya habang nakataas ang kilay. Natawa ito ng bahagya. Itinukod ang dalawang palad sa counter at inilapit ang buong mukha sakin.
“Gusto ko yung ganyan, PALABAN.” Ngumiti ito ng nakakaloko.
Napatitig naman ako sa mga mata nitong nakaka-hipnotismo. Ang mga mata nito na akala ko ay kulay abo ay naging berde kapag malapitan.
“Ano po talagang order mo?” Medyo inis na dahil nga may nabubuo ng pila sa counter niya.
“I’ll buy everything.” sabay kuha nito sa black leather wallet at inabot sakin ang isang black card.
“Anong gagawin ko diyan?” Tinaasan ko ito ng kilay. Nakabitin sa ere ang black card nito dahil hindi ko iyon tinatangap.
“Uh, black card? bayad ko?” sabi niya ng puno ng ka-inosentihan. Totoo ba talaga ang ‘sang ‘to o nagpapanggap lang?
Natatawa man ay hindi ko napigilan ang pag ngisi sa lalaki.
“Hindi kami tumatangap niyan. Cash kami. Kung wala kang cash pwede ka ng umalis. Next po!” Masungit kong sabi sabay nagtaas ng kamay para tawagin ang susunod na customer.
“Oh, wait!”
Napatingin ako sa kanya, nagmamadali itong kinuha ang wallet at inabot sakin ang tatlo na tig i-isang libo. Napangisi ako.
“Balak mo bilhin lahat ng nasa menu pero three thousand lang naman pala cash mo. Tss. Ano ba balak mong kainin?” Tanong ko ulit sa kanya.
“Anything will do.”
Kung ano ano na lang tinipa ko sa screen para umabot sa tatlong libo ang orders niya at ng makaalis na sa harap ko.
“Okay na, pwede ka ng umupo sir.” sabi ko ng hindi ito tinatapunan ng tingin.
“I’ll wait for you to join me.” sabay talikod sakin.
Napairap na lang ako sa kawalan. It reminds me of someone huh? Consistency is the key talaga ano?
Natapos na ang duty ko kaya naghahanda na ko para sana umuwi. Sinipat ko ang cellphone pero ni isang text ay wala si Francis. Napabuntong hininga ako.
“Uuwi ka na?” si Wendy.
“Ba’t uuwi ka na?” si Claribel.
“Pano yung gwapo sa labas?” si Vina.
Sabay sabay na tanong ng mga kasamahan ko sakin. Sinuklay ko muna ang mahaba ng buhok bago ipinusod iyon. Tinignan ko sila.
“Oras naman na talaga para umuwi ako. Anong sinasabi niyo diyan? May pagpipigil pang nagaganap?” Natatawa ako sa kanila kasi pare pareho silang naka halukipkip habang pinagmamasdan ako sa kilos ko.
“Yung gwapo na bad boy andon padin nakaupo. Hindi ginagalaw yung pagkain niya. Inaantay ka ata na sabayan mo kumain.” si Wendy. Pagkatapos ay sumulip sa labas para tignan ang lalaking sinasabi.
“Pinagsasabi mo diyan?” sabi ko at balak na sanang lumabas sa stock room.
“Hoy, narinig namin sabi niya. I’ll wait for you to join me.” Ginaya ni Vina ang boses ng lalaki pagkatapos ay nagtilian sila.
“Ganda mo te! Si Francis patay na patay sayo, tapos meron ka na namang bago? Mamigay ka naman!” Marahan akong tinulak ni Claribel pagkatapos ay naghagikgikan sila.
“Marinig kayo uy! Mamaya anong isipin ng iba satin. Hayaan mo siya. Basta ako? uuwi na. See you next week! Bye girls!”
Tinalikuran ko sila habang itinaas ang kanang kamay tanda ng pamamaalam.
Paglabas pa lang sa stock room ay nakita ko na si Leandro na mukhang kanina pa nakaabang sa paglabas ko. Tumayo ito ng napansing may bitbit na kong bag at handa ng umuwi. Nahagip ng aking tingin ang lamesa niyang puno ng di pa nagagalaw na pagkain.
Napaismid ako sa luob loob ko. Tss. Wala kong panahon sa katulad niya. Naalala ko na ang babala ng nobyo sakin. Huwag ko raw ito kausapin.
Kaya mabilis akong tumakbo para sana hindi abutan ni Leandro. Pero laking gulat ko pagliko sa kanto! Walang ibang tao kundi mga naka suit and tie na lalaki ang nagaantay sa labas ng itim na nakaparadang mga sasakyan! Ang liwanag sa kalsada ay nangga-galing lang sa nagiisang poste ng ilaw. Umambang lalapit sakin ang ilang lalaki.
Napaatras ako sa kaba. Sino ‘tong mga ‘to? kung ano ano na pumapasok sa isip ko na baka dukutin nila ako? Ibenta? Kunin ang lamang luob ko or what?!
Napatili ako sa sobrang nerbyos ng may sabay na humawak sa magkabilang braso ko! Pagtingin sa kanan ay si Leandro. Paglingon ko sa kaliwa ay si Francis ang aking nakita! Mabilis kong piniksi ang kanang braso para makawala sa pagkaka-hawak ng lalaki.
Mabilis at takot akong yumakap sa nobyo.
“Binalaan na kita Leandro! STAY.AWAY.FROM.HER!” parang kulog sa lakas ng boses ang sinabing iyon ni Francis.
Nagulat pa ko ng nagsipag yukod ang mga lalaking nakapaligid na samin ng makita si Francis.
Anong nangyayari?
“I’ll do that if you just sim-”
“Cut that bullshit! Stop scaring my girl! Give us peace will you?!” ani ni Francis habang dinuduro si Leandro.
Iginaya niya ako sa kanyang likod at tinignan ako sa nagaalalang mukha.
“Are you okay? I’m here, sweetheart.. ” Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinalikan sa noo. Tumango ako at hinawakan ang mga palad nito. Mukhang katatapos lang ni Francis mula sa practice game nila base sa attire nito. Laking pasasalamat ko na dumating siya ngayon dito.
“Uwi na tayo, natatakot ako. Sino ba sila?” May bahid ng takot ang bawat salita. Sinilip ko si Leandro na nakahalukipkip na nanunuod samin. Naabutan na naman niya akong nakatingin kaya agad akong nagiwas dahil nakakatakot ang paraan ng titig niya.
Tumango si Francis at hinarap si Leandro.
“This is my last warning. Huwag ka ng magpakita sa kanya o maski sakin. Especialmente si no puedes conseguir lo que quieres de mi” (lalo niyong hindi makukuha ang gusto niyo sakin).
Spanish ba ‘yung sinabi ng nobyo? Napakunot noo ako dahil hindi ko iyon maintindihan.
Pagkatapos sabihin iyon ni Francis ay nagtitigan ang dalawa na kala mo hindi magpa-patalo ang bawat isa. Unang umiwas si Leandro at sumenyas sa mga tao nito. Mabilis na nagsi- alisan ang mga tauhan niya.
“Te estaré mirando mi hermano. Necesitas decidir. tu no perteneces aqui. la tríada pronto te necesitará”(I’ll be watching you brother, you need to decide. You don’t belong here. The triad will soon needs you). si Leandro bago kami tinalikuran.
“No soy tu hermano. Piérdas! Permanentemente” (Im not your brother. Get lost! Permanently.) si Francis. Napahinto saglit sa paglakad si Leandro pero nagpatuloy muli at pumasok na sa sasakyan nito.
Nakahinga ako ng maluwag ng mabilis na pinaharurot ng mga ito ang sasakyan. Halos yakapin ako ni Francis dahil para na akong nauupos na kandila sa sobrang panghihina.
“It’s okay.. it’s okay. I’m here. Lagi kitang babantayan. Hindi kita iiwan..” bulong ni Francis sakin. Hindi ako makapagsalita. Parang pigil ang hininga ko mula pa kanina. Lalo lang din gumulo ang isipan dahil sa mga nangyari.