Chapter 10

2070 Words
CHAPTER 10             “HUY! Tulala ka na naman diyan?”     Napakurap ako sa pang-gugulat ni Shaina. Nakaupo ako sa bench sa tapat ng school building. Umayos ako ng upo at umusog para bigyan siya ng espasyo.     “Hindi ka pa ba uuwi? Or manunuod sa practice game ni Francis? Di ka din ba papasok sa karinderya?”  sunod sunod na tanong nito habang hawak ang magkabilang strap ng bag.     Napabuntong hininga ako ng marining ang pangalan ng nobyo. Matapos ang nangyari nung Biyernes. Hindi ko na muna siya kinausap. Ayoko munang pagusapan bakit may ganong eksenang naganap nung nakaraan pang gabi. Parang natatakot ako malaman. Natatakot akong dumikit dikit muna sa kanya baka ikapahamak ko pa. Mukha kasing hindi basta basta sila Leandro. Tingin ko ay magkakilala na talaga sila ni Francis. Kung ano mang koneksyon ng dalawa ay yun ang di ko pa alam at ayoko na sanang malaman pa.     “Away kayo noh?” Natawa si Shaina pagkatapos magtanong. Napangising aso na lang ako. Uwian na pero mas pinili kong tumambay muna dito. Ayoko na munang pumasok sa karinderya sa takot na makita si Leandro at ang mga tauhan nito.     “May iniisip lang.. Totoo siguro yung kasabihan na kapag masaya ka ngayon, bukas malungkot ka? Kaya dapat balance lang ano? Kasi baka bawiin agad yung saya.” Napailing na lang ako sa sarili ng sabihin iyon. Ang paa ay nagse-sway habang ang dalawang kamay ay nakatukod sa magkabilang gilid ko.     “Hmm.. sabi nga nila. Pero mako-kontrol mo ba yung dapat ganito lang ako kasaya, kasi baka mamaya malungkot ako? Diba hindi naman, kasi nga kung may nangyaring maganda at sunod sunod man yun. Kahit anong gawin mo magiging masaya ka don. Go with the flow, yung bad vibes or mga kamalasan ng tao kasama na sa buhay yun. It’s up to you kung pano mo i deal yun. Kung you’ll take that as challenge or yayakapin mo yun tapos magmumukmok ka?” she paused.   “At the end of the day, hindi naman magbabago situation eh. Kumbaga para sakin, sige, okay lang maging malungkot ngayon pero sisiguraduhin ko na bukas babangon ako at magiging masaya. Kung mindset lahat ng tao ganyan, lahat tayo magbibilang or magsusukat ng saya natin to the point na hindi na natin mae-enjoy ang life to the fullest. Wala lang, ganyan lang mindset ko. Haba ng sinabi ko noh. Naintindihan mo kaya yun?” Tawa ng tawa si Shaina pagkatapos sabihin sakin lahat ng ‘yon.     Nakatitig lang ako sa kanya. May point naman lahat ng sinabi niya. Napaisip tuloy ako.     “Oo nga noh? Go with the flow na lang ganon? Kahit mukhang ikapahamak ko pa?” tanong ko sa kanya.     “Syempre iba naman yun! Sa ikakapahamak mo ba na yan sasaya ka? Tingin mo ba worth it? I mean sumugal? Kung oo, bakit hindi? Pero isipin mo parin kung nasa tama ba yan, may masasaktan ka bang iba kasi di ka tuluyang sasaya kung may masasagasaan kang tao. Pero kahit naman ano sabihin ko, ikaw parin magde-decide niyan. Alam mo, ganitong ganito sinabi ko kay Cassandra kahapon. Naulit na naman. Parang friend mo lang na kahit anong advice mo di ka parin naman susundin kaya ayaw ko na. Bahala na siya. Marupok siya ghorl.” she rolled her eyes with annoyance.     “Hindi naman ako marupok. Nagmamahal lang..” sagot ko kaya napatingin siya sakin na akala ata seryoso ako.     “Charot lang! Makauwi na nga, dami mo hanash mamsh.” Naiiling iling pa kong tumayo habang pinagpag ang likod ng palda dahil sa dumikit na kaunting buhangin galing sa upuan. Inismiran lang ako ni Shaina.   Sabay kaming lumabas sa school. Bukas ay simula na ng activity para sa Intramurals. Excited ang mga estudyante maging sa basketball game na last week pa inaabangan ng lahat.     “O? Himala ata yan. Ang aga mo?” takang tanong ni Nanay ng makita ako sa pintuan. Abala ito sa pagtutupi ng damit habang nanunuod sa TV. Sinulyapan lang ako ng nakaupong si Paolo at umismid pagkatapos ay busy na sa kaka-kalikot ng cellphone na basag naman ang screen.     “Tapos ko na yung school works ko eh.” Matamlay kong sagot at nagdire-diresto ng lakad papunta sa kwarto.     “May sakit ka ba? Ba’t ang tamlay mo?” rinig kong sigaw ni Nanay bago ko tuluyang isara ang pinto.     “Wala! Pagod lang ako!”     Pagkatapos ilapag ang bag ay nagpalit ako ng pambahay na damit. Wala kong gana magkilos kilos ngayon. Mas lalo lang ata akong napagod simula ng nangyari nung biyernes eh.     Nakahiga na ko at nakatulala sa kisame ng nagvibrate ang cellphone. Pagsilip ay text na naman ni Francis ang nakita ko.     Shaina:   I miss you       Nakatulugan ko ang text na iyon ni Francis.         “Naks! May pag liptint pa tayo ah! Anong meron bukod sa Intrams ngayon?”  nakangisi ako habang sinisipat ang mukha ni Shaina na bahagyang namumula ang labi at pisngi.     “Feel ko lang magayos, malay mo mahatak ako mamaya sa Kissing booth.” Humagikgik ito pagkatapos ay umangkla sakin.     “Pano kung di mo gusto yung hahalik sayo dun? Yuck!”     Kinilabutan ako sa naisip.     “Tatakbo ako syempre!” si Shaina sabay tawa.       Opisyal na ngang nagbukas ang mga activity ngayong araw ng Intramurals. Kanya kanyang paandar ang mga grade school students sa kanilang booth. Tanaw namin ni Shaina ang haba ng pila sa booth ng Grade 7 na nagbebenta ng empanada pagkatapos ay may libreng Hug sa nakatayong classmate nilang sikat na player ng Badminton. Kitang kita ang pamumula ng babae pagkatapos yumakap sa lalaking player.     “Si Francis! Papunta na dito, huy!” si Shaina sabay siko sakin.     Natanaw ko si Francis na seryoso ng papa-lapit samin. Unti unti ring nakukuha na naman nito ang atensyon ng marami. Simula ng naging abala si Francis sa practice game ay hindi na kami nagkikita pa maski ang sunduin o ihatid ako pauwi. Siguro sa sobrang pagod sa laro di niya na ko masabayan pumasok ng maaga sa school. Pagdating sa hapon ay nasa practice game parin ito.       Nagmamadali kong hinatak si Shaina at nagtago sa kumpol ng mga estudyante habang tumatakbo palayo. Nagtago kami sa likod ng school building.       “Ba’t ba kasi ayaw mo makipagusap!” Hingal na hingal si Shaina habang sapo sapo ang dibdib.       “Basta!”     “Basta na naman! Pero dinadamay mo ko diyan sa kakatago mo.” Umirap ito sa kawalan.       “Hindi ako nun hahanapin na, magsisimula na yung game nila eh. Antay muna tayo dito hanggang mag start yung basketball game.”  Sumisilip silip ako sa pathway para masiguro kung di ba talaga sumunod ang nobyo.       Humalukipkip siya sa harap ko. Hindi ko ito pinansin. Inayos ko sa pagkakatali ang sintas ng rubber shoes. Naka P.E uniform kasi kami ngayon. Nagantay pa kami ng 30 mins bago ako nagdesisyon na kami ay umalis.     “Ano? Huwag mong sabihin na ganito lang tayo? Tingin tingin lang? Hay naku Leila, gusto ko manuod magbasketball si Logan ha!”       “Ayoko manuod don. Dito na lang tayo manuod sa Chess Game.” yaya ko sa kanya.     “Eh! Ikaw na lang magisa. Bahala ka, pupunta na ko don. Sasabihin ko kay Francis na pinagtataguan mo siya.”     Umambang na lalakad si Shaina kaya hinawakan ko ito sa braso.     “Oo na! Sasama na!”  Inirapan ko siya sa inis.     “Dami mo pa kasing sinasabi, sasama ka naman pala. Kunwari ka pa diyan, gusto mo naman manuod.”     Halos siksikan na sa entrance palang ng gymnasium kaya hirap kaming makapasok. Hindi na nagawa pang makaupo sa bench dahil wala ng bakante. Nagsimula na ang game at mas malala nga ata ngayon ang cheer ng mga estudyante. Nakuntento na kaming manuod ni Shaina ng nakatingkayad kung di lang kami natanaw ng bench player nila Francis at bumulong sa kasamahan nito para sunduin kami at paupuin sa likod nila. Hindi ko alam kung bakit may bakante pang upuan gayong kanina pa nagsisimula ang laro at ang iba ay nakatayo na lamang dahil sa dami ng taong gusto manuod.       Panay ang tili ni Shaina sa tabi ko. Hindi ko na nagawang tumangi sa ganda ng ngiti nito ng makaupo kami.     “Ang ganda ng pwesto natin! Kitang kita ko sila o!”     Halos yugyugin ako ni Shaina sa sobrang tuwa kaya pati ako nahahawa. Malakas ang tilian ng muling nakuha ni Francis ang bola. Napaawang ako sa numero na nasa likod nito. Naghuhumiyaw ang apelyido nito pati ang numero. Heto na naman ako, hindi mapakali. Pinagpapawisan sa panunuod kay Francis. Ang lakas ng pintig ng puso ko sa tuwing pinagmamasdan ko siya kung pano tumakbo at pano magshoot ng bola.     Nagtilian ang lahat ng maipasok muli ni Francis ang bola kasabay ng pag buzzer hudyat ng pagtatapos ng first quarter. Sa sobra kong mangha pati ako napatili din at napahawak sa bibig! Ngumiti ito pagkakita sakin. Humalaklak pa muna ng nagasaran muli sila ng mga kasama. Napaiwas ako ng tingin at napalunok.     Bakit may pakiramdam ako, na ako yung pinaguusapan nila?     Namawis ang mga palad ko bigla ng mag jogging papunta si Francis sakin! Baka akala nito eh kami lang ang tao? Nawala ang ngisi nito ng humarang si Mira sa harapan ko. Bitbit ang towel at tubig, inabot niya iyon kay Francis. Sinilip ako ng nobyo, para bang nagaantay sa kung anong sasabihin ko. Umiwas ako ng tingin. Bahala ka diyan.     “Thanks. Di mo naman kailangan gawin pa ‘to.”     Rinig kong sabi ni Francis ng tinanggap ang pamunas at bottled water ni ibinigay Mira. Hindi niya na hinayaang sumagot ang huli, mabilis niya na itong tinalikuran. Nagulat tuloy si Mira, bakas sa mukha nito ang pagkapahiya pero agad din namang nakabawi ng nilapitan siya ng kaibigan at nagsimulang magbiruan. Friends to the rescue huh?       Sa bawat pagkakataon na mayroon si Francis, hindi ko na mabilang kung ilang beses na siyang sumulyap sa pwesto ko. Umiiwas na lang ako ng tingin at nagpapangap na busy sa kakanuod sa ibang players. Malapit ng matapos ang fourth quarter, ang intense na ng laban dahil sa dalawang puntos na lamang ng kalaban. Ilang segundo na lang ang natitira at hawak muli ni Francis ang bola.   Napatayo ako at napatili sa sobrang saya ng maka ‘three-points-shot’ si Francis! Nagtaluan ang lahat. Halos masira ang tenga ko sa lakas ng tilian. Panalo ang team ng nobyo dahil sa ginawang pagpuntos ni Francis!     Tuwang tuwa ang team niya dahil sila ang nagchampion para sa taong ito. Natatawa ako habang pinagmamasdan silang nagkakatuwaan at asaran.     “Uy.. ang galing ng boyfriend niya! Ka- proud ano?” tukso ni Shaina sakin. Pinandilatan ko ito ng mata.     “Tumahimik ka nga. Baka may makarinig sayo.” Gigil kong bulong sa kanya. Niyaya ng lumabas ng gym.     Nakita ko pang kinakausap si Francis ng coach at teachers namin na mukha namang di nakikinig dahil nakatanaw samin na papaalis na ng gym.       Ilang hakbang palang ang nagagawa palayo sa gym ay nagulat ako sa biglang pagposas sakin ng babaeng rover scout katabi ang lalaking schoolmate na mukhang hiyang hiya din sa nangyayari.     “Huli ka! Huliin daw yung merong red ponytail eh.”     “Tangalin mo yan, masasampal kita.” banta ko sa kalmang tono.     Si Shaina ay natatawa lang sa tabi ko.     “Pasensya na, utos ni Chief eh.”     “Sino ba yang chief mo na yan! Wag niyo nga ko isali sa kalokohan niyo!” Pilit na inaalis ang posas kahit imposible.     “Chief! Ayaw sumunod o!” sigaw ng babaeng rover scout sa Chief nilang nakatayo malayo samin at nakatingin lang.       “Bigyan mo ng punishment kung ayaw sumunod! Bawal KJ! May basbas kami!” nakangisi pa at nangaasar na sagot ng Chief nila.       “Basbas mo mukha mo!” sagot ko sa kanya sa sobrang inis. Napailing na lang ito at sumenyas na papuntahin na kami sa JAIL BOOTH.       “Ano ba kasi! Tignan mo ayaw nga din ni kuya eh! Walang sapilitan!”     Pinapasok kami sa loob ng kunwaring kulungan at pinaupo sa plastic na upuan.     “Anong ayaw? Eh crush ka niyan! Diyan kayo ng 30 mins. Kung gusto niyo lumabas agad dapat  magpalitan kayo ng kiss sa cheeks!” sabi ng babae bago kami iwanan dalawa at sinenyasan ang isang kasamahan nito para kami bantayan.       “Melanie!”     Napatingin ako sa lalaking katabi. Maputla ang kulay at payat ang katawan. Pero may itsura to’ kung bobombahan lang para magkalaman. Inayos nito ang suot na eye glass bago tumingin sakin.     “Pasensya na pala don.”  Ngumiti ito ng alanganin.       “Crush mo ko?” Masungit na tanong ko dahil naiinis na ko sa sitwasyon di ko na kaya magpanggap na maging friendly.     Napahiyang tumawa ito at nagiwas ng tingin.     “Uh, wag mo pansinin ‘yon si Melanie. Biro lang yun. Pero baka isipin mo ako may pakana nito. Hindi ah, hindi ako. Wala akong alam dito. Biktima lang din ako.” Sabi niya sabay sunod sunod na pag-iling.       “Alam mo kung crush mo ko, sundin mo yung sasabihin ko. Mukha namang close kayo nung babaeng nagposas satin. Sabihin mo pakawalan na tayo dito. Kasi kung hindi, baka mapahamak tayong lahat.” Nakangiti pa ko habang sinasabi iyon.     “Huh? Ba’t mapa-pahamak?” litong tanong nito.     “Leila!”     Napayuko, napapikit at napasapo sa noo ng marinig ang kulog na boses ng nobyo. Patay na!          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD