CHAPTER 11
“ARE you crazy?! Bakit ka pumayag na magpa-posas ha?!”
Bulyaw niya ng makalapit sakin. Nagangat ako ng tingin at biglang nanumbalik yung sama ng timpla ko dahil sa sinabi niya.
“Wala kang ebidensya na pumayag ako ‘noh! Kanina ko pa nga sinasabing tangalin nila ‘to!”
Kita ko sa gilid ng aking mga mata ang papalit palit na tingin samin ni lalaking katabi.
“O, anong nangyayari dito?” tanong nung tinawag na Melanie kanina. Kasama na nito yung nagbabantay din saming rover scout. Tinawag siya siguro dahil sa ginawang pag sigaw ni Francis.
“Remove her cuffs, now.”
Nagtitigan kaming dalawa ni Francis. Ang mga mata nito ay seryoso. May sasabihin pa sana ako kaso nangangamba ako na baka saan pa mapunta ang usapan namin. Mukha kasing sa itsura nito ay hindi ito tatangap ng kahit ano mang iutos o pakiusap ko.
“Melanie.. gawin mo na.”
Rinig kong sabi ng lalaking katabi. Tumayo ako at inilapit ang kamay na may posas sa harap ni Melanie.
“Teka, sino ka ba? Boyfriend ka ba niya ba’t inuutusan mo ko na tanggalin yung posas niya?”
“Yes!”
“Hindi!”
Sabay pa kaming sumagot at humarap kay Melanie. Napasinghap ang ilang nakikinig. Napanganga naman ang lalaking katabi. Habang si Melanie ay humalukipkip samin. Marami na rin ang nakikiusyoso.
“Ano ba talaga?” nakangising tanong ng rover scout.
Sasagot na sana ako kaso naunahan ako ni Francis.
“She’s my girl! Kaya tanggalin mo na yan!”
Ang bibig na handa na sanang magsalita ay naudlot at gulat na gulat akong napatingin sa nobyo.
Ang galing! Tama bang ibuking?!
“Oh!”
“Nice one!”
“Ayun o!”
“Hala! Sila pala? Akala ko si Mira gf niya?”
Nagsimula ng magbulungan ang lahat. Ang ibang lalaki ay tinutukso na si Francis dahil sa ginawang pagamin nito sa relasyon namin.
“Francis!” Matalim ko siyang tinignan. Hindi na maproseso ang sasabihin at kung anong susunod na gagawin.
“Sorry sweetheart, it’s your damn fault for ignoring me these past few days.” Lumapit ito sa natatawang si Melanie at kinuha na ang susi. Siya na mismo ang nagtanggal ng posas ko.
Wala akong nagawa ng hawakan niya ang kamay ko at hinila para umalis doon.
Napahinto kami sa paglalakad ng humarang sa harap namin si Paolo na yakap yakap ang malaking chips habang nakatingin saming dalawa ni Francis. Maya maya pa ay sumulyap na ito sa magkahawak naming kamay. Sinubukan kong bawiin ang kamay kong hawak ng nobyo pero dahil sa sobrang higpit ay hindi ako nagtagumpay.
Deadmang kumuha lang ng chips si Paolo at kumain. Wala man lang kahit anong reaction. Tinignan ko si Francis na nakatingin parin saking kapatid. Nagkibit balikat si Paolo at nilagpasan kami.
Mas lalo akong nagpanic dahil hindi ko alam kung anong iniisip niya. Hindi ko alam kung isusumbong ba niya kami o hindi.
“Paolo!”
Lumingo ito samin ng ngumunguya. Walang pakialam. Muli akong nagtangkang alisin ang kamay kong hawak ni Francis. This time ay napagtagumpayan ko iyon. Sumunod ito sakin.
“Huwag mo ‘tong sasabihin kay Tatay. Lagot ka sakin.”
Binulungan ko siya takot na marinig ang sasabihin dahil sa daming nanunuod at nakikinig samin.
“Cellphone.”
Napatingin ako sa kanya. Anong sinasabi nito?
“Cellphone. Yung bago.” Inulit niya dahil mukhang hindi ko nakuha ang una niyang sinabi.
“Nagpapasuhol ka ba?! San naman ako kukuha ng ipambibili ko niyan ha! Malilintikan ka talaga sakin!” nangigigil kong bulong sa kanya.
“Bahala ka. Basta alam ko, lagot ka kay Tatay. Kahit naman hindi ko sabihin malalaman niya. Andami kayang nagaaral dito na kapitbahay natin.” Nakangisi pa ito bago tumalikod sakin.
Napatingin ako sa paligid dahil sa sinabi. Oo nga pala! Bakit ba nawala iyon sa isip ko. Wala na buking na kami. Lalo lang akong nainis sa kay Francis.
“Let’s go.” hinawakan nito ang aking siko para umalis na doon. Sinamaan ko siya ng tingin bago sumunod sa nobyo. Hindi ko magawang magsalita sa dami ng nanunuod samin.
Hawak hawak ni Francis ang kanang kamay ko ng grupo naman ni Mira ang humarang sa daraanan namin.
Napairap ako sa kawalan. Wala bang pahinga yung araw na ‘to? Katatapos lang ng isa meron na namang problema sa harap namin.
Umiiyak si Mira ng humarap samin. Ang mga kaibigan nito ay masamang nakatingin sakin.
Kailangan kapag susugod may back up talaga?
“Malandi ka!” Dinuro ako ni Mira. Unti unti na naman kaming napapalibutan ng ususero’t ususera.
“Watch your words!”
Napatingin ako kay Francis na nakatiim bagang at galit na nakatingin kay Mira.
“Totoo naman ah! Mang-aagaw siya ng boyfriend! Diba may relasyon tayo!” Humikbi si Mira. Bakas sa mukha nito ang pagkabigla ng sigawan ni Francis. Hindi ko ito masisisi dahil mabait naman ang pakikitungo ng binata dito. Hindi nito nagawang kagalitan si Mira noon kahit labag man sa kalooban nito na sundin ang gusto ko na makiayon na lang sa gusto ni Mira.
“Don’t get me started. Take this chance na umalis, habang nagtitimpi pa ko.” Mariin nitong sabi.
Mahigpit ang pagkakahawak ni Francis sa kamay ko, ayaw ng bitawan. Dahil alam kong may ideya ito na sa mga oras na ito naiisip kong layasan silang dalawa. Akma na sana kaming lalakad ng magsalita ulit si Mira.
“Bakit parang ako pa may kasalanan? So ginamit mo lang ako? Ganon? You cheater! At ikaw! Malandi ka!” Nanlilisik na tumingin sakin si Mira.
Magsasalita na din sana ako sa inis ng sumagot si Francis.
“Don’t call her that! Hindi kita girlfriend at lalong hindi kita niligawan. Kasalanan ko bang nag assume ka? Bakit may naalala ka bang sinabi ko na liligawan kita or sinabi kong girlfriend na kita? Wala diba? Matagal na kami ni Leila, kaya wag mo siyang tatawaging ganyan. We both really know who fits perfectly to call that word.”
“So ginamit mo nga lang ako? Kayo naman pala bakit ka pumapayag sa panlalandi ko?! You user!”
Napasinghap lahat pati ako ng kalmutin ni Mira ang braso ni Francis sa sobrang galit!
“Anong nagyayari dito?! Kayong tatlo! Sa guidance office, NOW!”
Napatingin kami sa guidance councilor na galit na galit ding nakatingin samin. Napahinto ang grupo nila Mira at unti unti na ring lumalayo sa eksensa sa takot sigurong madamay na ipatawag din. Ang mga nanunuod ay unti unting nagaalisan.
“Pero maam! Si-” si Mira. Namutla bigla.
“Ngayon na! At ipapatawag ko mga magulang ninyo!”
Napapapikit ako sa nangyari. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko dahil sa kaba! Malalaman pa nila Tatay sa ganitong sitwasyon pa!
Inabot ng trenta minutos bago huling dumating ang mga magulang ko. Pumasok sila Nanay at Tatay ng walang bakas ng emosyon sa mukha. Mas lalo akong kinabahan. Pinaupo sila ni Mrs. Santiago sa bakanteng upuan sa tabi ko. Nakayuko ako. Hiyang hiya sa nangyari. Hindi ko na nga tinignan si Francis na nasa harapan ko.
Tumikhim muna si Mrs. Santiago bago nagsalita.
“Kaya ko po kayo ipinatawag dahil po sa ginawang eksena ng tatlong ito kanina. Gusto ko pong malaman ninyo Nanay at Tatay.. na ito pong mga anak niyo ay nagaway away at nagkaron ng pisikilan kanina. Marami pong kabataan din ang nanunuod at na-interrupt po ang ilang activity dahil sa nangyari ho kanina.”
Napapapikit ako ng mariin at napakagat labi. Ayan na yung bomba. Namamawis ako lalo sa kaba.
“Gusto ko pong sabay sabay ho natin alamin bakit iyon nangyari although ito ay first warning pa lamang. Sana maayos niyo iyan at wala ng susunod pa. Dahil kung meron baka ang kasunod na ay suspension.” Malumanay na explain ni Mrs. Santiago.
“Bakit? Ano bang ginawa mo Mira?” rinig kong tanong ng Nanay nito sa kanya.
Hindi ito nagsasalita. Napatingin ako sa kanya at naabutan ko itong matalim ang tingin sakin.
“Ikaw Leila, baka gusto mong ikwento samin? Para naman maliwanagan kaming lahat dito.” ani ni Mrs. Santiago.
Napakurap ako sa tanong na iyon. Siniko ako ni Nanay at tinaasan ng kilay. Isang babala na dapat akong magsalita.
“It’s my fault Mrs. Santiago. I’ll take full responsibility for what happened earlier.”
Tahimik si Mira. Nagtitigan kami ni Francis. Tumikhim si Tatay kaya napaiwas ako ng tingin.
“Bueno, ayoko ng maulit ang nangyari kanina. Hindi ba ito tungkol sa love triangle? Yan ang sinabi sakin kanina kaya kayo nagaway kanina. Pano ko masisiguro na hindi na ito mauulit?”
“Teka po maam, pano pong love triangle ang sinasabi ninyo?” sabat ni Tatay.
Napatingin samin si Mrs. Santiago.
“Mukhang dapat kayo ang sumagot na niyan hijo at mga hija.” Inayos nito ang suot na salamin sa mata.
“I’m really sorry for giving trouble today. It’s just simple misunderstand—”
“Anong simple? Eh, sinungaling ka nga. User ka. Kayo na pala ni Leila bakit pumapayag kang lapit lapitan ko?” masamang masama ang tingin ni Mira kay Francis. Hinatak ng Nanay nito ang kaunting buhok sa likod.
“Boyfriend mo ito Leila?” si Tatay na hindi na natutuwa sa nangayri. Bakas na saking mukha ang pagkatakot. Hindi pa man ako umaamin ay sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko.
“Yes sir. Pasensya na po na sa ganitong sitwasyon po ako magpapakilala. I am planning to formally introduce myself to you as her boyfriend. But this happened.”
“Akala ko ba classmate mo lang ‘to? Ba’t nagsisinungaling ka sakin Leila ha?!” Tumaas na ang boses ni Tatay. Unti unti na ang pagbabadya ng luha saking mata sa takot sa kanya.
“Tatay, calm down.. It’s better po to talk that privately. Yung kayo kayo na lang po. But for now, I want to settle this one po muna. May gusto ka bang sabihin Mira? Yung saloobin mo. Para aware kami. Mabigyan ka namin ng advice. Para maliwanagan ka, not only you ha. Para ito sa inyong tatlo. Isa-isa muna. Start muna tayo sayo Mira.” Tumango si Mrs. Santiago para pagsalitaan na si Mira.
“Okay na po ako, ayoko na pong magsalita at ipapahiya ko lang yung sarili ko. Tama na yung kanina. Hindi na po ako magko-comment. Huwag po kayong magalala hindi na po iyon mauulit.”
Tumango tango si Mrs. Santiago at bumaling sakin.
“How about you Leila? You want to share your thoughts with us?”
“I’m sorry po sa nangyari kanina. Hindi na po mauulit.”
Yumuko ako. Hindi na dinugtungan ang sinabi. Ayoko ng magpaliwanag dahil sapat na ang kahihiyan na nagyari kanina.
“Francis, ikaw?”
“I’m really sorry.. huwag niyo na po sila parusahan. As what I’ve said, I’ll take the responsibility for it.”
Umiling si Mrs. Santiago.
“For now, it’s verbal and written warning palang. I hope na huli na ito. I know it’s easy to forgive but it’s hard to forget.. What I’m trying to say is pagkalabas ninyo sa pinto. Be civil with each other. Just be a good student. Mag aral kayong mabuti dahil iyan ang hindi mananakaw sa inyo ng iba. Make your parents proud..” she paused and gave us a friendly look before she continued. “Mga Nanay at Tatay, patuloy parin po nating sana silang suportahan sa kung ano man ang tingin ninyong makakabuti sa kanila. Hangad ko po na maging maayos ang pag-uusap po ninyo kasama ang nobyo ni Leila. You can all go now..”
Pagkasabi niyon ay nauna ng lumabas si Mira kasama ang Nanay nito. Pinauna ako ni Francis, napatingin ako sa mga magulang nito at ngumiti ng alanganin.
Walang nagsasalita kila Nanay at Tatay pagkalabas namin sa guidance office. Parang tinatanya pa ang mood bago magsalita. Nagpaalam ang mga magulang nobyo pero hindi kumikibo si Tatay. Si Nanay naman ay tumango lang. Sinamahan muna ni Francis sa pagtawid ang magulang at inantay na makasakay sa tricycle bago kami muling lapitan.
“Magpaliwanag kayong dalawa sa bahay.” si Tatay pagkatapos ay nilampasan na kami. Sumunod naman si Nanay sa kanya. Nagkatinginan kami ni Francis. Ang mga mata ay may bahid ng pagaalala para sakin. Inirapan ko siya at sumunod na lang sa magulang. Hindi ko talaga akalain na sa ganitong sitwasyon pa kami mabubuking. Worst part is pinatawag pa kami sa guidance office.
Pagkarating sa bahay ay pinaupo kami agad ni Tatay para kausapin. Si Nanay naman ay kumuha ng inumin. Hindi ako makatingin kay Tatay dahil kinakain ako ng pagiging guilty sa relasyon namin ni Francis.
“Anong sabi ko sayo Leila? Diba malinaw ang gusto ko na bawal kang mag nobyo. Anong gingawa mo ngayon!”
Napapikit ako sa lakas ng sigaw ni Tatay sakin. Unti unti ng pumapatak ang luha saking mga mata. Nagsimula na ko humikbi.
“Sir.. with all due respect. Huwag niyo po siyang kagalitan. Ako talaga ang dapat niyong sigawan kasi ako po talaga ang nangulit kay Leila na maging kami. Mahal ko talaga ang anak ninyo. Kaya hindi namin maamin din agad dahil takot si Leila sa reaksyon ninyo. Hinihingi ko po ang tiwala ninyo at basbas sa relasyon namin. Pangako naman po na makakatapos si Leila.. kami.”
“Tingin mo naniniwala ako diyan? Sige nga, may nangyari na ba sa inyo?”
Napasinghap si Nanay sa tanong na iyon ni Tatay.
Mas lalong kumabog ang dibdib ko sa kaba. Hindi ko na maawat ang sarili sa paghikbi. Wala akong tinitignan maski isa sa kanila.
Walang sumagot samin ni Francis.
“Ano! Tahimik kayong dalawa?! Imbes pagaaral inaatupag mong bata ka! Inuna mo pa ang landi!”
Tumayo si Tatay sa sobrang galit niya sakin.
“Sir, huw-”
Naputol ang sasabihin sana ni Francis ng sumabat si Tatay.
“Hoy ikaw! Hindi ko matatangap na pumasok ka sa tahanan namin at nagsinungaling ka sakin na wala kayong relasyon ng anak ko pero mukha namang kayo na nung sinundo mo siya dito! Tapos na ang usapan! Adelia! Kunin mo yung gamit nitong malandi mong anak! Pasamahin mo yan sa boyfriend niya!”
“Oscar!”
“Tatay!”
“Sir!”
Sabay naming tawag sa kay Tatay. Si Nanay ay lumapit na dito para kausapin.
“Oscar, huwag naman ganyan. Dalaga na ang anak mo. Natural na magkaka nobyo yan. Huwag mo namang palayasin agad. Wala naman silang ginagawang kasalanan.” Pagsusumamo ni Nanay.
“Ay nako hindi! Sino ba dapat ang masusunod? Kunin mo ang gamit niyan at palayasin mo na. Hindi nakikinig sa magulang! Suwail! Kapag di mo sinunod ang sinabi ko ako na lang ang aalis!” pagkasabing iyon ni Tatay ay tinalikuran niya kami.