CHAPTER 6
SINALUBONG ko si Francis ng yakap ng sunduin niya ko ilang kanto ang layo sa karinderya na pinapasukan ko.
"Miss na miss mo ko ah! Mahirap talaga kapag gwapo." Nakangisi nitong sabi at gumanti ng yakap sakin.
"Wow naman! Lakas ng bilib mo sa sarili tsong!" sabi ko sa kanya na ikinahalakhak nito.
Pumunta ulit kami sa bahay nila at nauulit na naman na may mangyaris samin. Wala ang magulang nito, sabi ni Francis ay nasa palengke dahil wala na raw silang stock ng pagkain.
"Kinakabahan ako sa ginagawa natin, nagsisinungaling ako kila Nanay tapos ganito ang ginagawa natin. Takot ako sa karma, pero ayaw ko namang tumigil." Marahas akong bumuntong hininga at humarap sa kanya. Hinawakan ko ang dulo ng kumot para matakpan ang aking dibdib.
Pinaglalaruan nito ang aking daliri habang nakatingin sakin.
"Kaya ko silang harapin pero paano ka? Magagalit ka sakin tapos iiwan mo ko? Whatever option I would choose, sa huli nun ay aalis ka. It's better to have a set-up like this. Iisip ako ng paraan," aniya at niyakap ako ng mahigpit.
"Hindi tayo gumagamit ng proteksyon, pano kung mabuntis ako? Paano na yan? Paano ko bubuhayin ‘to e maski ako hindi ko alam kung pano masusustentuhan ang pagaaral ko sa kolehiyo." Namuo ang kaba saking dibdib ng maisip ko iyon. Sana pala di na lang namin ginawa. Pero andito na, ginusto namin ‘to. Kung anong resulta dapat marunong kaming panindigan iyon.
"Hindi ikaw ang bubuhay magisa sa bata kundi ako. Masaya ako kung may laman na ‘to." ngumisi siya sakin pagkatapos ay hinimas ang tiyan ko. Tinampal ko ang kamay niya.
"Huwag ka ngang ganyan! Hindi ko pa naabot ang pangarap ko! Wala pa tayong maipagmamalaki kung makabuo tayo. From now on, gagamit ka na ng condom!"
He groaned with disapproval.
"I'll never do that," his voice is powerful na talagang hindi na iyon magbabago at wala na kong magagawa duon.
"I'll take pills then." I rolled my eyes on him.
"Kailangan ba talaga 'yon?" Tumingin ako sa kanya ng di makapaniwala
"Seriously? Syempre! Hindi pa tayo mayaman, ayokong pakainin ang bata ng toyo at asin!" Inis kong sabi sa kanya.
"You want to be rich?" tanong niya habang mataman akong tinitignan.
"Aba! Oo naman! Sino ba ang ayaw yumaman. Gusto ko na makaahon kami sa hirap. Ayoko maranasan pa ng magiging anak ko kung gaano kahirap ang buhay," sagot ko sa kanya. Umaliwas ang mukha nito sa sinabi ko.
"Bakit?" tanong ko. Nagtaka kasi ako sa reaksyon niya.
"Wala, masaya ako kasi nakilala kita." sabi niya at yumakap na sakin.
"Asus! yan tayo eh, gusto mo lang makaisa nambobola ka pa! Kuh!" Hinampas ko siya at napuno ng halakhak niya ang ang buong silid.
Sumapit na ang bakasyon, halos araw-araw akong nasa bahay nila Francis.Nauubusan na rin ako ng idadahilan kina Tatay dahil lahat na ata ay naidahilan ko na.
"Aral pa ba yang inaatupag mo, Leila? Napapadalas ang pagalis mo sa bahay kahit na bakasyon na? Wala bang katapusan yang ginagawa ‘nyo? Aba'y! Anong titser yan at kahit bakasyon di kayo pinagpapahinga?" sermon ni Tatay ng nakita niyang nakabihis na naman ako ng pang alis.
Ito ang unang beses niyang pagsita sakin. Siguro ay napuno na at pakiramdam nito ay hindi na totoo ang sinasabi ko. Pero dahil matigas ang ulo ko at hindi ako mapakali kung di ko makikita si Francis ay nagsinungaling ako.
"Tay, hindi pa tapos. Isa-submit kasi namin yun kapag nagpasukan na ulit. Kailangan namin i-shoot yung ibang scene," tukoy ko sa proyekto namin sa Filipino. Pinagawa kami ng teacher namin ng movie ng El Fili at Noli ni Rizal. Ang totoo ay tapos na namin iyon last week pa. Nagsinungaling lang ako para may maidahilan lang kay Tatay. Sa dami ng kasinungalingan ko, ang haba na siguro ng listahan ko ng kasalanan sa langit.
Tumunog ang cellphone ko at nakita ang pangalan ni Shaina. Ang totoo, pinalitan ko ang pangalan ni Francis sa cellphone ko para hindi ako mahuli. Halos maihi ako sa kaba ng maabutan ko ang kapatid ko na hawak hawak yung cellphone ko nung nakaraang linggo. Takot akong mabasa niya ang palitan namin ng mensahe ni Francis! Laking pasasalamat ko na lang at may code ang messaging, hindi nito iyon nabuksan. Kung hindi ay nahuli na ko at nagsumbong na ito kay Tatay. Kaya simula ‘non ay pinalitan ko na ito ng ibang pangalan. Pero sa tuwing aalis ako ng bahay ay papalitan ko itong muli ng pangalan niya.
Shaina:
Asan ka na?
"O! Ayan nagtext na si Shaina, hinahanap na ko! Malamang late na ko, sabi ko na eh, usapan kasi eight AM, nine AM na kaya. Magagalit na naman yun." Pailing-iling pa ko sa kada-daldal ko para mapaniwala siya sakin at hayaan na kong umalis ng tahimik. Pipi akong nagdasal na sana hindi na ito kumontra. Pinasadahan kong muli ng isang suklay ang mahaba kong buhok bago tumingin sa kanya.
"Hayaan mo na yang anak mo Oscar, mataas naman ang grado niyan. Pero ikaw naman anak, nagaalala lang ang tatay mo, kami.. Ikaw ang pagasa namin para matulungan mo kami na pagaralin ang kapatid mo. Kaya wag mo kaming biguin. May tiwala kami sayo," aniya ng hindi man lang ako tinitignan at nagpatuloy lang ito sa pagpupunas ng lamesa.
Hindi tuloy ako nakapagsalita. Nakonsensya pa tuloy ako sa kalokohan na ginagawa. Alam ko naman iyon, kaya pinagbubutihan ko ang pagaaral. Pero iba ang pakiramdam kapag sinampal ka ng katotohanan. Nakamasid lang sakin si Tatay na parang inaaral ang bawat galaw ko. Pinilit kong kumilos ng normal at nagmamadaling nagpaalam at umalis ng bahay.
Sa bawat lipas ng araw ay hulog na hulog na ko sa kay Francis. Parang ang pakiramdam ko ay hindi ko na kayang umahon sa sobrang pagmamahal ko sa kanya.
Hindi ko akalain na kaya ko palang magmahal ng ganito kalalim sa loob ng ilang buwan pa lamang? Siguro kasi ang tipo ni Francis ay kahulog-hulog naman talaga. Halos araw araw ko siyang kasama at maski utot niya kabisado ko na!
"Iniisip mo?" tanong niya habang tinatangal nito ang balat ng hipon at pagkatapos ay inilagay ito sa plato ko.
Walang pakialam samin ang mga magulang ni Francis maski ang dalawang kapatid nito na si Maricar at Kevin. Patuloy lang ang mga ito sa pagkain. Sanay na marahil sila saming dalawa.
"Wala.." saad ko. Tumigil siya sa ginagawa at itinagilid ang ulo para tignan ako. Umiwas ako ng tingin dahil kapag sinalubong ko ang kanyang titig ay mabasa niya kung ano ang aking iniisip.
"Ayaw mo ba ng pagkain? Gusto mo ba ipagluto kita? Anong gusto mo?" Pinadausdos nito ang palad patungo saking bewang at marahan itong pinisil.
Umiling ako. Hindi iyon ang iniisip ko. Gusto ko na ngang sabihin kung ano yung pinapangamba ko. Pero di ko masabi dahil kasama namin ang pamilya niya.
"Okay na ko dito. May naalala lang ako," dahilan ko pero ng mapatingin ako sa kanya para bigyan ito ng tipid na ngiti ay biglang naglaho ng makita ko ang paniningkit ng mata nito
Uh, Oh! Paano ba ko gagaling sa pagsisinungaling kay Francis?
"Pagusapan natin yan mamaya.." sabi niya ng may pinal na boses. Marahan lang akong tumango at nagsimulang kumain ng hinimay nitong pagkain.
Patapos na kaming kumain ng magulat sa lakas ng ring ng cellphone ng mama nito.
Patuloy si Francis sa pagaasikaso sakin kahit paulit ulit ko na itong sinabihan na kaya ko namang gawin maski ang pagkuha na lang ng tubig.
"Francis… si Danny," ani ng mama niya ng lumapit ito samin at iniaabot ang cellphone sa kay Francis. Nagkaroon akong muli ng pagkakataon na pagmasdan ang mukha ng ina nito. Pure Filipina, walang bahid ng kahit anong ibang lahi. Pero bakit si Francis mukhang Espanyol? Wala akong makita ni masking maliit na pagkakahawig ng nobyo sa pamilya nito. Ito ang gusto ko sanang itanong pero sa tuwing gagawin ko iyon ay nauunahan ako ng kaba. Ayokong isipin ni Francis na napakaususera ako? Pero I should know, right? Kasi girlfriend ako? But, Ugh! Mahirap mangusisa lalo na't bago palang kami. Aantayin ko na lang siyang kusang magsabi sakin.
Umigting ang panga nito at kinuyom ang palad. Napakunot noo ako sa kanya.
"Tawag ka ni mama mo." Siko ko sa kanya pero tila wala itong naririnig. Anong nangyayari?
Napatingin ako sa mama niya pagkatapos ay sa kanya ulit.
Bakit nawala ito sa mood? Sino ba si Danny? God! I’m curious! Ganito ako kapag may gusto akong malaman tapos di ko makuha agad ang sagot! Maski maliit na bagay pa yan!
"Kausapin mo na anak, matagal mo ng hindi siya kinakausap. Kahit kumustahin mo lang." Pamimilit ng mama nito at iniabot muli ang cellphone.
Pumikit ito ng mariin na parang nagtitimpi. Naiinis na ang lalaking ito. Alam ko iyon, ayaw kasi nitong ipinipilit ang bagay na ayaw naman nitong gawin.
Sa sobrang gulat ko sa biglang pagtayo nito at paghawak sa kamay ko ay wala na kong nagawa kundi sumunod! Mas lalong lumalim ang kuryosidad ko sa ikinilos nito.
I want to know! Hindi ako naglilihim sa kanya. Maski katiting na detalye sa buhay ko ay sinasabi ko sa kanya. Kaya inaasahan ko na ganon din sana si Francis sakin. Kung may problema siya ay sabihin sakin para matulungan ko siya sa abot ng aking makakaya.
Kaya lang hindi lahat ng tao ay katulad ko, hindi lahat ng gusto ko ay gagawin nito. Hindi ko masabi sa kanya na sabihin na sakin lahat ng dapat kong malaman pero naunahan ako ng hiya at kaba.
Kahit na kami na at kilala ko na siya ay nagugulat pa rin ako sa ibang ugaling pinapakita niya sakin. Akala ko lang pala alam ko na lahat ng moodswings niya. Meron parin akong bagay na hindi ko muna pala pwedeng pasukin. May bagay na hindi ko muna pwedeng alamin, na dapat magantay ako, na dapat siya ang magkusang sabihin sakin ang lahat ng sikreto nito.
Ganon naman talaga dapat diba? Intindihin mo yung partner mo kahit hindi mo naman talaga ito maintindihan? Hay ewan! Basta iyon na ‘yon.
Imbes na sabihin ko sa kanya ang problema ko kay Tatay ay hindi ko na muna iyon sinabi. Ayokong dumagdag sa isipin niya. Tsaka na lang siguro. Sa ibang araw na lang.
Umabot kami ng isang taon ni Francis. Hindi ko pa rin ito magawang ipakilala kila Tatay pero alam kong nahahalata na nila na may nobyo ako. Nagawa naming mapanatili na lihim ang aming relasyon pati sa school.
"Sorry sweetheart, 'di na ko nakapagtext kahapon. Tumulong ako kay Papa na mag-ani. Kailangan na kasing dalhin sa bayan para ibenta. We need money for Maricar’s tuition fee. Nakalimutan ko namang dalhin ang cellphone sa sobrang madali ni Papa. Sorry na.." Napatalon ako sa gulat ng yakapin niya ako mula sa likuran.
Inaasahan ko ang pagsunod niya sa’kin ng pumunta ako sa garden ng school. Nandito kami sa dulo na hindi masyadong mapapansin na may tao dahil sa dami ng halaman na tanim ng mga estudyante at nasa likod ako ng malaking puno.
"Are you still mad sweetheart?" Bulong niya sa’kin habang panay ang himas nito sa aking bewang. Gusto ko ng makipagbati dahil sa paglalambing nito. Pero no! dapat nitong malaman na hindi niya ako madadala sa kalandian niya!
"Lumayo ka nga muna!" Pumihit ako paharap at itinutulak ito pero di ko magawa dahil sobrang tigas at lapad ng dibdib nito. Umiling ito at tumingin sakin ang kulay abo nitong mata na may pagsusumamo.
You can't get me easily even with that f*****g hoody eyes of yours…
"Palagi na lang, nakukuha mo kong kalimutan kapag busy ka! Ni magsabi sakin na may gagawin ka para di ako ma praning diyan di mo magawa!" I rolled my eyes in frustration. Really! I want to punch him so bad kahit kahapon pa! Sabi ko hindi ko papansinin ang damuhong ‘to para magtanda! Nagagawa na nitong kalimutan ako? Kahit isang text man lang?
Am I too clingy? Sumobra na ba ako o nasanay kasi ako ‘non na halos araw-araw kaming nagkikita.
"Huwag mo kong susundan! Kundi tatamaan ka sakin! Ayaw kitang kausap!" Hinampas ko ang braso nito at nagmamadaling umalis sa harap niya para di na ko mapigilan pa.
"Oh, s**t!" Halos mawalan ako ng kulay ng makita si Mira na may bahid ng suspetsya ang mga mata. Tumagos ang tingin nito sa lalaking nasa likuran ko. Kabadong kabado ako dahil kapag nakumpirma nito ang totoo ay makaabot ito sa kapatid ko at tiyak malalaman ito ng magulang ko. Isa pa, magmumukha akong kontrabida sa kunwariang love story ng dalawa. Dahil umaaktong may relasyon sila. No, si Mira lang pala ang nagfi-feeling na boyfriend niya si Francis. Kahit ayaw ng nobyo ko na makisakay na lang sa trip ni Mira ay kinumbinsi ko siya para maiwas ang pagka link niya sakin.
"Anong ginagawa niyong dalawa dito?" nagpabalik balik ang tingin niya saming dalawa. May bahid ng akusasyon ang kanyang tono. Alam kong may gusto siyang ikumpirma pero hindi ko iyon ibibigay sa kanya. Over my f*****g gorgeous body!
I decided to act cool like nothing happened between me and Francis.
"Ako may ginawa dito at wala ka na don, 'yang syota mo ewan ko. Wag mo kong matignan tignan ng ganyan baka bigwasan kita diyan, tabi!" dinaan ko sa pagiging siga ang sinabi para hindi ito maghinala. Mukha naman itong naniwala kasi umaliwas ang mukha.
"Leila.." tawag ni Francis sakin pero hindi ko ito pinansin.
"Babe! Kanina pa kita hinahanap eh! Ano ba kasing ginagawa mo dito?"
Napailing na lang ako ng marinig si Mira habang naglalakad na ako palayo sa dalawa.
"Hoy Leila, anak! Lumabas ka diyan at may bisita ka!"
Malakas ang kalampag sa pinto kaya napabalikwas ako ng bangon. Napamura ako ng mahina ng makitang Five AM palang! Dapat six AM ang gising ko dahil 8 AM ang pasok sa school. Sayang ang isang oras! Kiking ina naman ni Nanay o! Istorbo!
"Ano ba ‘yan Nay! ang aga mo naman mang-gising! ‘di na ko makakatulog nito!" Nakasimangot kong sagot habang muli kong inayos ang kumot at balak na sanang humigang muli.
"Hoy bata ka! Bumangon ka diyan at andito ang classmate mo! Francis daw siya! Bilisan mo at baka barilin yon ng Tatay mo!"
"Ano!?" Napabalikwas ako ng bangon.
“Ay naku! Bahala ka diyan!”
Nawala ang antok ko sa sinabi ni Nanay at halos maging kamaganak ko si The Flash sa sobrang bilis kong tumakbo papunta sa sala kung saan naroon ang nobyo!