CHAPTER 7
"LEILA.."
Nawala ang kulay saking mukha ng tawagin ako ni Tatay sa buo kong pangalan. May bahid iyon ng kaseryosohan kaya mas lalo lang akong kinabahan.
"T-tay.." nauutal ko pang sagot sa kanya. Nakita ko si Francis na kampanteng nakaupo habang sumisimsim ng kape. Nakuha pa nitong uminom! Wow talaga!
"Upo" sabi ni Tatay kaya nagmamadali akong umupo sa tabi ni Francis. Lalong kumunot ang noo ni Tatay sa ginawa ko at hindi ko iyon maintindihan.
"Leila! Dito ka umupo! Ano bang nangyayari sayo?"
Nagising ang diwa ko sa tanong ni Tatay. Nakita ko siyang tinuturo ang bakanteng upuan sa tabi niya. Napatayo ako ng tuwid at umupo sa tabi na nga roon.
"Classmate mo ba talaga ´to?" Itinuturo na si Francis.
"H-ho?"
Napakurap ako sa sinabi niya. Tsaka lang nagloading yung utak ko. So hindi pa pala niya alam na kami ng mokong na´to? Medyo napahiya ako ng kaunti.
"Sabi ko classmate mo ba talaga ´to? Iyon ang sabi niya kanina samin ng Nanay mo." Tinaasan ako ng kilay ni Tatay.
“O-”
“Hindi po," putol ni Francis.
Mabilis ang pagbaling ko sa direksyon niya at gusto ko ihampas sa bungo niya yung upuan namin! Hindi pa ito tapos sa atrasong pande-dedma niya sa´kin nung nakaraan tapos dinadagdagan pa nito ulit ngayon?!
"Ano ka ng anak ko kung ganon?!"
Napakislot ako ng tumaas ang boses ni Tatay. Eto na nga ba ang sinasabi ko eh! Badtrip ´tong boyfriend ko! Gwapo at masarap lang kaso minsan bobo! Kainis!
"Tay! Hindi ho! May karugtong ´yon! Hindi po.. kayo nagkakamali! Ikaw Tay ha, naniwala ka agad. Alam mo kasi sa school uso ang jokes. He-he.."
Napapikit ako dahil sa kaplastikan ng tawa ko. Pailalim kong binigyan ng nanlilisik na tingin si Francis.
“Mamaya.ka.sakin!” may diin at mahinang sabi ko ngunit walang boses. Ang palad ay nakaharang sa gilid ng pisngi.
Bwisit na lalaking ´to! Nag-kunot noo lang sa sinabi ko.
Nanalangin na lang ako na sana matapos na ´to. O, di kaya bigla na lang akong nagkaron ng super power tapos naging invisible!
"Niloloko niyo ba ko?" may bahid na ng iritasyon ang tono ni Tatay.
"Hindi nga Tay!" pilit ko.
"Bakit ba ikaw ang sumasagot?! Kanina ka pa ah! Nobyo mo ba ´to ha?!"
Natakot ako ng makita ang paglalim ng kunot ng noo at pag-igting ng panga ni Tatay dahil sakin.
Sunod-sunod ang aking pag-iling at tinignan si Francis. Nakita ko ang pagaalala sa kanyang mga mata at gusto kong tusukin ang mga iyon ng ice pick! Gagong to! Pinapahamak pa ko! Magsalita ka diyan! ´wag kang pa-cute!
Bumaling ng tingin si Tatay sa kay Francis kaya nagkaroon akong pagkakataon na panlisikan ulit ng mata ang nobyo at binigyan ng 'sige-subukan-mong-magkamali" look.
Pumikit ito ng mariin na parang ´di sang ayon sakin.
Huwag mo kong ilaglag! Huwag mo kong ilaglag!
"She´s my classmate."
Nakahinga ako ng maluwag at nahampas ko si Tatay sa braso.
"Sabi sayo Tay eh!" Napangiwi ako ng tignan niya ko ng matalim.
"I´m here to fetch her, susunduin ko rin po ang ibang classmate namin para sabay sabay kami. We have a small celebration at home."
Napalingon ako sa kanya. Anong handaan ang sinasabi nito?
"Kanina mo pa kami ini-Ingles dito. Sumasakit ang ulo ko.. Mayaman ata itong classmate mo Leila. Sana nagpapaturo ka dito, o! Para mabihasa ka din"
“Kapag nag english mayaman agad? Marunong naman ako Tay mag ingles! Grabe ka sa anak mo ah,”
"Bakit ano bang meron ngayon?” tanong ni Tatay na bahagya ng kumalma ng kaunti.
"It´s my birthday today,"
Napaawang ang bibig ko sa sinabi nito. Nakalimutan ko! s**t naman!
"Ganon? Kapag birthday pala ay ang celebrant ang susundo? Uso ba ´yon ngayon?" may halong pagdu-dudang tanong ni Tatay.
"Uso ´yon Tay, ´wag kang ano. Labas labas din kasi pag may time. Tsk!" Pailing iling pa ko ng sabihin iyon.
“Eh, kung birthday mo pala bakit ang aga mong magsundo? Ano yan anak ko gagawin mong taga luto?” Matalim ang tingin nito kay Francis. Bago bumaling sakin at kinuha nito ang baso para sumimsim ng kape.
Patay. Isip. Isip.
Napatingin ako kay Francis. Nagaabang ng isasagot. Kasi wala akong maiaambag diyan. Wala akong maisip!
“Yes.”
“Ano?!”
“Ha?!”
Duet pa namin ni Tatay. Pareho kaming napabaling sa kay Francis.
“Yes, diba nagvolunteer ka na magluto sa birthday ko? Sabi mo expert ka sa lumpiang shanghai? I told my mom about it, and she’s very eager to taste your specialty. Pinapunta niya ko ng maaga rito para sunduin ka kasi medyo marami daw kayong lulutuin din.”
“Ay, oo nga Tay!” segunda ko. Napangiwi pa ng kaunti sa sinabi.
“Oo nga, natutunan iyan ng anak ko sa mama niya. Di bale ihatid mo itong dalaga ko pag uwi. Ikaw ang kumuha dito sakanya. Ikaw din ang magbabalik sakanya.. nang buo.”
Nakahinga ako ng maluwag ng napaniwala namin si Tatay. Umalis kami sa bahay ng di nagkikibuan ni Francis. Hindi kasi ma-absorb ng utak ko kung bakit kailangan niyang pumunta sa bahay namin. Malinaw naman sa usapan namin noon pa na secret na nga lang muna ang relasyon namin.
Pagkababa sa tricyle agad akong nag martsa papasok sa bahay nila. O, diba parang bahay lang namin. Dire-diretso lang ako.
Nagmamadali pang nagbayad si Francis. Hindi na naantay ang sukli.
"Sweetheart..” masuyong tawag niya sakin pero di ko nilingon.
Huminto ako sa tapat ng pinto nila dahil nakarinig ako ng tawanan mula sa loob. Mukhang may ibang bisita? Sumilip ako ng kaunti sa siwang ng pintuan, nakita ko ang ilang unipormado at nagtatangkarang lalaki na may babaeng kasama na nasa mid 50’s ang nakikipagtawanan sa mga magulang ni Francis.
“Ay, bas-”
Nagulat ako sa paghatak ni Francis at sa ginawang pagtuptop saking bibig.
“Shhh.. hindi tayo papasok diyan,”
Kinu-notan ko siya ng noo. Anong pinagsasabi nito?
Malakas kong inalis ang kanyang palad ng nakarating ulit kami sa paradahan ng tricycle.
“Ano bang ginagawa mo?! Ba´t ba tayo aalis eh may bisita ka ´don sa loob!” Iritado ko ng sabi habang tinuturo ang bahay nila.
“Just get in, sa ibang lugar na lang tayo mag-celebrate,” aniya at hindi pinansin ang aking sinabi.
“Sabihin mo muna sakin ba’t tayo aalis? Ano ba ‘to trip mo lang?”
Humalukipkip ako sa harapan niya. Walang balak sumakay sa tricyle.
“Sumakay ka na, tsaka ko na sasabihin”
“A.YO.KO.”
“Leila, please!” Napapikit na ito sa frustration.
Mas lalo tuloy akong nagduda sa pinag gagawa nito.
“May babae ka siguro doon sa loob ano? Kaya ka ganyan?” may pag duda kong tanong sa kanya. Nangangawit na ko sa kakatingala dahil sa tangkad niya.
“What the f**k are you saying?” Iritable na sakin.
“Ayaw mo sabihin? Sige ako na lang babalik magi—”
“Oh, c’mon!”
Tinakpan muli nito ang aking bibig at nagmamadaling kinarga ni Francis papasok sa loob ng tricyle. Tanaw ko ang paglabas ng unipormadong lalaki sa gate ng bahay nila.
Mabilis na umalis ang tricyle dahil sa utos ni Francis. Padarag kong inalis ulit ang palad ng lalaki na nakatakip saking bibig.
“Ano ba talagang problema mo?!” sigaw ko sa kanya. Sinipa ko pa yung paa niya sa sobrang inis. Nakabaluktot ang lalaki sa tabi, dahil na rin sa tangkad at liit nitong tricyle ay hindi na nagawang makaupo ng maayos ang binata.
Iritable lang ako nitong tinignan. Sa inis ko ay hindi ko na lang siya kinibo kahit na nagpara na ito sa tapat ng La Paz Church.
Nakasimangot akong nagaantay sa kanya habang nagaabot ito ng bayad sa tricycle driver. Nagsenyasan muna sila ng di ko maintindihan bago bumaling si Francis sakin.
Pinasadahan ng palad nito ang itim at maalong buhok habang naglalakad palapit sakin. Umiwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung nanadya ba ito mang akit o natural lang akong naakit?
Ang suot nitong navy blue shirt ay hapit kaya kitang kita ang magandang hubog ng katawan. Tinernuhan pa nito iyon ng black jeans at white sneakers.
Humarap ako sa malaki at may katandaan ng simabahan sa La Paz. Unti unti ng dumarami ang tao dahil treinta minutos na lang ay magsisimula na ang misa.
Inakbayan niya ko sabay halik sa sentido. Sinamaan ko siya ng tingin.
“Bawal magalit, nasa simbahan tayo o,” Nakangisi nitong sabi sakin.
“Ah talaga? Halika wag muna tayo pumasok diyan kasi baka bigla ko saniban sa gigil ko sayo at hindi ko na mapigilan.”
Pumiksi ako sa pagkaka akbay niya. Hinawakan ko ang kamay niya at balak sanang hatakin palayo sa simbahan ng makita ang kapitbahay naming mukhang magsisimba pa ata.
Dahil sa pagkataranta, binitiwan ko ang kamay ni Francis, at imbes sa kabilang direksyon kami pupunta ay nagmamadali akong pumasok sa simbahan!
Pinili kong umupo sa gitna. Tahimik naman na nakasunod sakin si Francis. Tumingin ako sa bukana ng simbahan at nakitang pumasok na nga ang babaeng kapitbahay namin. Nagpadaos-dos ako sa pagkakaupo para hindi ako makita.
Malamang kapag nakita ako na may kasama dito ay isusumbong ako nito kay Tatay. Lagot na naman ako! Sabihin niya ay sa birthday-an pupunta bakit kami nasa simbahan. Mahabang eksplenasyon na naman!
“Wala na, umayos ka na. Sa dulo umupo. Natabunan na tayo ng tao. Magsisimula na ang misa eh.” Nakahalukipkip nitong sabi sakin habang diretsong nakatingin sa harap ng altar.
Imbes mabawasan ako ng kasalanan dahil sa loob ako ng simbahan ay baka dumami pa dahil sa inis ko sa lalaking ‘to!
Hindi kami nagkikibuan ni Francis ng nagsimula na ang misa. Panay ang sulyap ng lalaki sakin pero talagang di ko pinapansin. ‘Yung inis ko kasi andito parin.
“..at ang sabi nga ng diyos.. Mag pasensya kayo sa isa’t isa. Kung may hinanakit kayo kaninuman, magpatawad kayo gaya ng pagpapatawad sa inyo ng panginoon..”
“I’m sorry.. sabi ni Father mag patawad daw.” Tumingin si Francis sakin gamit ang maamong mata.
Hanep sa galing ng lalaking ‘to humanap ng dahilan para kami magbati.
“Huwag mo ng dagdagan ang kasalanan ko at kasalanan mo, mamaya na kita patatawarin kasi di pa nahupa.ang.inis.ko.sayo.”
Tahimik ako hanggang matapos ang misa. Medyo nawala na rin ang inis ko sa kanya. Pero hindi ibig sabihin ‘non ay abswelto na siya kasalanan niya sakin.
Sinigurado ko munang nakaalis na ang kapitbahay namin bago kami nagpasyang lumabas na rin ng simbahan.
“Huwag kang masyadong lalapit sakin, baka may makakilala satin,” banta ko sa kanya.
Tumango lang ito at pinauna na ko. Mabilis ang lakad ko papuntang paradahan ng tricyle. Tahimik lang din na nakasunod sakin si Francis.
“Wag kang aangal diyan, ako masusunod sating dalawa,” banta ko habang dinuduro ko na siya. Itinaas lang nito ang dalawang kamay habang umiiling.
Nagpahatid kami sa La Paz Public Market. Tamang tama dahil bukas na ang Netong’s La paz Batchoy. Bigla kasi akong nag-crave sa batchoy ngayon.
“Uy, Ga! Sino yang kasama mo, ang gwapo naman, pakilala mo naman ako?” ani ng serbedora na kung titignan ay di nalalayo sa edad namin.
“Gusto mo?” Balik tanong ko sa kanya.
“Oo naman! Single ba? Imposible namang boyfriend mo ‘yan, sobrang gwapo niyan para sayo.” Humagikgik pa siya habang tinitignan si Francis na busy sa kakamasid sa palagid.
“Gusto mo nga?”
“Oo nga sabi! Ba’t ba paulit ulit ka?” Nakasimangot na siya sakin.
“GUSTO MONG pasabugin ko ‘yang bungo mo?”
Napalingon ako ng biglang napaubo si Francis. Nasa likod ko na pala siya ng di ko namamalayan. Hinawakan niya ko sa braso at masuyong hinila paatras. Napasimangot ako.
Badtrip ako diba, tapos hihiritan ako ng ganon? Close ko ba ‘yon?
Inis ko silang tinalikurang dalawa. Narinig ko pang nagorder si Francis bago ako naghanap ng mauupuan namin.
Pinagmamasdan ko siya habang pinupunasan nito ng tissue ang kutsara’t tinidor bago ibinigay sakin.
“Kumain ka muna, kanina pa mainit ulo mo,” inilahad nito ang pagkain na nasa harap ko. Ang isang braso nito ay namamahinga sa likod ng aking upuan.
“Baka gusto mong i-explain sakin yung nangyari satin kanina?”
“They’re just... nothing…” Nagkibit-balikat pa ito.
“Anong nothing? Eh, halos paliparin mo nga yung tricycle kanina makaalis lang tayo?”
“I don’t like to talk with those shitty people, aren’t you hungry?” pinaglalaruan nito ang pagkain bago bumaling sakin.
Nagkatinginan kami. Hindi ko maintidihan kung bakit ganon ang nakikita ko sa mga mata niya. Mayroong galit at lungkot. Gusto ko pa sana magtanong pero mukhang ayaw niya na pagusapan pa.
Tsaka ko na naman narealize na kahit sa paningin ko malalim na pinagsamahan namin ay may bagay parin pala akong hindi pu-pwedeng ipilit at hindi pwedeng pasukin.
Nagkibit balikat ako sa sinabi nito at malungkot na tinignan ang batchoy na nasa harap ko. Nawalan na ako ng gana.
“I’m so sorry kanina sa nangyari sa bahay ninyo, I was just impatient.”
“Sabi ko sayo diba mag antay ka? Ayoko pa sabihin sa kanila ngayon. Kaya sana naman kaunting tiis pa.”
“Okay, I’m sorry… again.”
“O, andito na pala kayong dalawa! Francis, andito kanina sil-”
“What did you cooked?” putol ng nobyo sa sinasabi ng kanyang Nanay.
Kakain lang namin ng almusal ba’t nagtatanong na ‘to ng makakain?
“Ay, tamang tama! May dala sila Mad-”
“Kakain na kami Nay, mamaya na tayo magusap.”
“Ha? O siya, sige…”
Hinatak niya ko papunta sa kusina. Tahimik na lang akong sumunod sa kanya. Hindi na din ako nagbalak pang magtanong dahil alam ko naman ayaw niya yun pagusapan.
Pinagmamasadan ko siyang abala sa pagkuha ng plato at kubyertos. Napatingin naman ako sa cellphone ko ng tumunog iyon.
Shaina:
Hoy! Kasama mo si Francis? Lagot ka!
Inatake ako bigla ng kaba. Hindi ko alam kung para saan pero namumuo na ang pawis sa palad ko. Hindi ko na nagawang magreply. Tinawagan ko siya ka agad.
“Hello, anong sinasa-”
“Leila.. hindi mo sinabing may plano kayo ni Francis na pumunta sa bahay nila kasi birthday niya. Alam mo ba? Tumawag ang Tatay mo sakin at tinatanong ako kung kasama ba ko sa celebration diyan sa bahay nila...”
Nagkatinginan kami ni Francis habang kausap ko parin si Shaina sa cellphone.
“Edi nagulat ako kasi hindi ko naman alam! Nagisip pa kaya ako bago sumagot, pero sinabi ko naman na Ay! Opo, bakit po? Tapos sabi niya kausapin ka daw niya, iabot ko daw ang cellphone may sasabihin lang. Edi sinabi ko na kanina kasama kita pero umalis na din ako ng maaga.”
“O, tapos anong sabi ni Tatay?” Kunot-noo ako habang nakikinig sa kabilang linya. Tahimik akong tinabihan ni Francis.
“Wala! Nagpasalamat na lang.. Alam mo, may kutob na yung Tatay mo. Basta kung ano man desisyon mo andito lang ako, susuporta sa inyo.”
Napabuntong hininga ako bago nagpasyang ibaba na ang tawag.
“Is there a problem?”
“Mukhang naghihinala na si Tatay satin. Hinuhuli niya kung nagsasabi ba tayo ng totoo o hindi..”
Problemado akong humarap sa kanya.
“Sa tingin mo ba, dapat na ba talaga tayong magsabi ng totoo sa kanila?” Malungkot kong tanong sa nobyo. Tinitigan niya ako bago sumagot.
“You already know my answer… At the end of the day,” he paused
“Ikaw parin ang magde-desisyon niyan. But if you are decided to tell the truth, gusto ko kasama mo ako, okay?”
Tumango ako. Sa totoo lang, ayoko parin talaga dahil ayoko namang ma-disappoint sakin ang mga magulang ko. Paghihiwalayin nila kaming dalawa dahil nga ayaw ni Tatay na magkaron ako ng nobyo.
“Sabihin natin sa kanila sa graduation day na, okay ba sayo ‘yon?”
Umaliwalas ang mukha ni Francis ng sabihin ko iyon.