CHAPTER 43 UMILING iling ako sa sinabi niya. Hindi naman ako aalis. May karapatan ba ako para doon samantalang binili niya na ko ng buo. Sobra sobra pa nga. Pagmamay ari niya na ko kahapon pa at hindi ko inaasahan na ang dating tinakasan ko noon ay ang siyang kababagsakan ko ngayon. “Where’s my child?” aniya habang ang mga mata ay hindi humihiwalay sakin at nagaalab pa sa galit. “W-wala na..” nauutal kong sambit. Wala akong lakas ng loob para sabihin sa kanya ang totoo. Hindi ko alam kung ano ang kaya niyang gawin sa oras na malaman niyang buhay ang anak namin. Ang maisip na ilayo ni Francis sakin ang anak ko ay hindi ko kakayanin. Kaya, napilitan ako magsinungaling. Salubong ang kilay nito. Tila hindi gusto ang kanyang narinig.