CHAPTER 38 Tatlong oras lang akong pwedeng magstay. Kailangan ko ng umuwi. Malayo din ang binayhe ko pa Nueva Ecija at limang oras ulit ang byahe pabalik. Lumiban na ko sa klase para lang mapuntahan siya dito sa kanila. Mukhang a-absent pa ulit ako bukas sa school dahil kailangan kong makabawi sa trabaho. Kare-reply lang sakin kaninang madaling araw ni Edmark. Sa tinagal kong nagmessage sa kanya ay kanina lang niya ko nareplyan. Binigay niya sakin ang address ni Monica sa probinsya. Hindi na ko nagdalawang isip. Pinuntahan ko agad si Monica sa bahay ng tita niya sa Nueva Ecija. Kinumbinsi ko ang kaibigan na sumama sakin sa Manila. Hindi ko siya pwedeng iwan dahil siya ang kinikilala pang ina ni Francine. Mabibigla ang bata. Mabuti na lang at sumama d