CHAPTER 39 “HAPPY birthday to you! Happy birthday to you!” Nakangiti ako habang nakikisabay sa lahat. “Blow your candle now baby..” si Eunice habang karga karga ang 2 years old na bunso nila ni Brent. Nagpalakpakan kaming lahat ng hipan ni Travis ang kandila. Napatingin ako kay Henry na pinisil nito ng marahan ang tagiliran ko. Patay malisya lang ang lalaki sa ginawa. Kaya napailing na lang ako. Sampung taon na ang lumipas. Pero ang sikreto ko ay patuloy parin. Nilapitan ko si Eunice at kinuha sa kanya si Travis. Panay kasi ang kulit sa kanya ni Sander at may tinuturo pa doon sa loob ng bahay. “Hi baby! Ang gwapo gwapo naman niyan,” sabi ko sabay pinugpog ng halik sa leeg. Humagikgik ang bata. Lumiyad pang muli para mag