CHAPTER 40 “Anong feeling mo? Annual auction na mamaya?” si Rebecca. Isa ring VIP Escort na kasama ko ding ipapa-Auction mamaya. Nakasandal ito sa may hamba ng pintuan habang humihithit ng sigarilyo. Tiningala ko siya pagkatapos ayusin ang aking boots. Nagkibit balikat ako bilang sagot sa kanya. Kinuha ko ang tissue sa ibabaw ng dresser at dinura duon ang kanina pang nginunguyang bubble gum. Tumayo ako at inayos ang lace cover na suot pati ang itim na choker. Lumapit ako kay Rebecca ay itinaas ang black crop top nito. Ngumisi ako sa kanya. “Hindi ka natatakot? Baka mamaya ang makabili sayo e, sadista?” Bakas sa mukha nito ang pangamba. Maya maya pa ay humithit na naman sa sigarilyo pagkatapos ay bumuga. “Ayoko ng isipin yan Becca, pagod na ko intindihn yung kung anong mangyayari buka