CHAPTER 41 TAHIMIK akong sumunod sa kanila. Tumambad sa harap namin ang BMW na sasakyan. Pinagbuksan kami ng pinto at una akong pumasok roon. Umupo ako sa pinaka dulo. Sumunod sakin si Mr. Sanchez. “Tss..” Sinulyapan ko siya pagkatapos ay tumingin sa bintana. Dapat ay lumalapit ako sa kanya. Simulan ko ng lambingin kasi yun naman talaga ang dapat kong gawin. Binibili niya na ko ng buong buo. Pero may parte sakin na parang hindi ko kaya. Sanay naman na ko sa trabaho pero hindi ko maintindihan kung bakit ayaw ng sarili ko na gawin iyon. Himala na hinayaan niya lang ako na nakatingin lang sa bintana habang na byahe. Napasulyap ako sa kanya. Abala ito sa kung anong ginagawa sa ipad habang nakadekwatro. Nakakapagtaka na hindi parin nito tinatang