CHAPTER 53 HINDI ako makakilos ng maayos dahil todo ang masid samin ni Francis. Sinisigurado niya na walang nakakalapit na lalaki maski kay Olivia. Kahit hinayaan niya ang pinsan na sumayaw sa dancefloor ay may ilang security pala si Francis na nagbabantay sa pinsan niya. Hinaharangan agad ang ilang lalaki na balak lumapit sa dalaga. Tinignan ko si Francis na seryosong umiinom ng whiskey. Anong gagawin namin dito? Nakaupo lang hanggang mag-umaga? Hindi rin ako nahahatak ng crowd para sumayaw dahil wala naman talaga ako sa mood para magsaya. Naalala ko parin ang sinabi ng mama niya mama niya at ang hindi malinaw na status namin ni Francis. O, kung linawin man niya. Para saan pa? Ikakasal naman na siya. Naging kabit ako sa lagay na ‘to. Ang saklap. Kung iku-kuwento ang buhay ko kaunti lan