CHAPTER 52 WALANG kaalam alam si Francis na andito ako sa office niya. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at naglakad palapit sa corridor ng walang ingay. Sinilip ko muna siya at naabutan ko itong may kausap sa telepono habang nakasandal sa swivel chair at minamasahe ang sentido. Wrong timing ata? Marami ding papeles sa lamesa niya. Busy nga. Nagmulat siya ng mata at mas lalong nagsalubong ang kilay niya habang nakikinig sa kausap. Nagdadalawang isip tuloy ako kung magpapakita ba o hindi. Bumaling siya sa banda ko kaya nagtama ang aming mata. Alanganin akong ngumiti. Tuluyan na kong nagpakita bitbit ang lunch box na inihanda para sa kanya. Inangat ko iyon at ipinakita na din sa kanya. Sinenyasan niya akong lumapit kaya