CHAPTER 19 "Nay, kumain po muna kayo..” Inalok ko si Nanay ng pandesal at kape para agahan ngunit hindi parin niya ko pinapansin. Nakatulala lang siya sa kabaong ni Tatay habang patuloy paring lumuluha. "Nay, kailangan natin tong t- tangapin.." Unti unti na namang namumuo ang bukol saking lalamunan tanda ng magsisimula na naman akong maiyak. "H-hindi ko po kayo papabayaan ni Pao.." Niyakap ko siya at nagbagsakan na nga ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Isang buwan ang matuling lumipas. Mula ng namatay si Tatay ay mas lalo akong nagsumikap na kumita ng pera. Hindi na ako nakakapasyal kila Francis pagkatapos ng nangyari sa pamilya namin. Pero ganun pa man, hinahatid niya ako sa trabaho at pagkatapos ay umuuwi na rin. Madalang na rin ako magreply sa mga text at tawag niya dahi