CHAPTER 18 PAGKATAPOS mahimasmasan ay unti unti akong humiwalay sa kay Francis. Para akong napahiya sa ginawa. Hindi ako makatingin. Mabilis kong pinalis ang natitirang luha saking mga pisngi. “Anong kailangan mo? Bakit ka nandito?” sabi ko ng hindi parin makatingin sa kanya. Hindi ito nagsalita. Malamlam ang mga matang tinignan niya ako at inabot ang makapal na puting sobre. "A-ano 'to?" Nanginginig ang aking mga kamay at may ideya na kung anong laman ng sobre. "Para sa operasyon ni Tatay. I want to help you and your family." Simpleng paliwanag niya habang nanginginig kong binuksan ang sobre. Hindi ko mabilang dahil sa dami ng tiglilibo! "Three hundred fifty thousand. Kapag kulang sabihin mo sakin." Napatingala ako sa kanya. Parang wala lang yung lak