Chapter 3

1269 Words
SAMANTALA, nakapalumbabang nakatingin si Erol sa panty na nasa ibabaw ng kanyang lamesa. Kasalukuyan siyang nasa kanyang opisina at hindi pa rin maka-move on sa nangyari sa kanila ng nobya. “Bro, kanina nyo pa tinitingnan ‘yang panty na ‘yan. Ano bang meron diyan, sir?” curios na tanong ng kanyang kaibigan na si Marvin na ngayon ay nakaupo sa sofa ng opisina. Kanina pa ito na-wiwirdohan sa kaibigan niya. Hindi kasi nagsasalita si Erol at matalas lang ang tingin sa panty. “Kasalanan ng panty na to kung bakit kami nag-break ni Clarise.” “Ha? Break na kayo ni Clarise?” “Oo. And it’s all because of this damn underwear!” Lalong naguluhan ang kaibigan ni Erol sa kanyang sinasabi. Kamot ulo itong nagtanong muli sa kanya. “Eh, bro. Kanino ba ‘yan?” tanong nito. “Ewan ko. Nakita to ni Clarise sa sahig ng unit ko.” “Kadiri ka naman, Bro. Dinala mo pa talaga rito?” Nagtayuan ang balahibo ng kaibigan ni Erol nang tingnan niya ito nang masama. “Shut up! Its none of your business!” galit na sambit ni Erol. Maya-maya lang, pumasok ang head ng HR sa opisina ni Erol. May dala itong papeles na nilagay nila sa ibabaw ng lamesa ng binata. “Sir, may applicant po sa conference room, waiting for the final interview,” anunsyo ng staff. “Okay, I’ll be there in a minute,” tugon naman ni Erol. Nilagay ni Erol ang panty sa loob ng kanyang drawer, saka kinuha ang envelop na may lamang resume ng aplikante. Tumayo ang binate at lumakad sa pinto, ngunit nang akmang lalabas na siya, muling nagsalita ang kaibigan. “Seryoso ka, Erol? Itatago mo talaga ‘yan diyan? Baka mangamoy ‘yan.” Tumugon lang si Erol ng isang masamang tingin, siya namang tahimik ng kaibigan. “Huwag mong gagalawin ‘yan diyan. Kailangan ko pang malaman kung sinong nagmamay-ari niyan. Hinding hindi ko siya mapapatawad,” inis na wika ni Erol “As if namang gagalawin ko ‘yan, bro! Seryoso ka ba?” natatawang tugon ni Marvin. Hindi na ito pinansin ni Erol at dali-dali na itong lumabas ng opisina. Nagtungo ang binata sa loob ng conference room. “Sorry. I’m late,” paghingi ng paumanhin ni Erol nang pumasok siya. “Naku! Sir, okay lang po,” tugon naman ni Samantha na ngayon ay kinakabahan sa final interview. “By the way, my name is Erol Gray Montealegra. I’m the CEO of TP Corporation. And you are?” sunod-sunod na pakilala ni Erol, saka umupo sa swivel chair sa harap ng lamesa. “Samantha po, Sir. But you can call me Sam,” nakangiting tugon ng dalaga. “Okay. Upon checking your resume. Kare-resign mo lang?” bungad na tanong ni Erol. “Yes po, Sir.” “If you don’t mind, may I know the reason?” tanong ng binate. “I just want to learn new things outside my comfort zone, sir,” tugon ni Samantha habang nilalaro ang daliri. “Oh. I see. Anyway, kailangan ko talaga ng secretary dahil tulad mo, nag-resign din ang secretary ko. Can you start as soon as possible?” tanong ni Erol habang pinipirmahan ang mga document na nasa harapan niya. “Yes. Sir, of course,” masiglang tugon naman ni Samantha. Tumayo si Erol at ganoon din ang ginawa ng dalawa. Nilahad ni Erol ang kamay at tinanggap naman ito ni Sam. “See you after you complete all your requirements.” Nakangiting wika ni Erol, saka bumitiw sa kamay ng dalaga at lumabas na sa opisina. Naiwan naman si Samantha na nakatulala. Tila nabighani siya sa kaguwapuhan ni Erol na napansin niya noong ngumiti ito. Mabilis na iniling ni Samantha ang kanyang uli upang mawala ang mga bagay na iniisip. “Hoy! Sam, kaka-break mo lang sa jowa mong malandi,” bulyaw ni Samantha sa sarili. Tumayo siya at kinuha ang slingbag. Masayang-masaya si Samantha dahil may trabaho na ulit siya. Hindi na siya pagagalitan ng nanay. Nakangiting sumakay si Samantha sa taxi pauwi sa kanila. ‘Sinasabi ko na nga ba. Suwerte talaga ang suot kong panty,’ bulong ni Samantha sa sarili. Umuwi siya sa bahay na may ngiti ang mga labi, napansin naman iyon ng kanyang ina. “Ang saya mo, ha?” “Nay, may trabaho na ako at mas malaki ang sahod,” excited na wika ng dalaga. “May trabaho ka naman talaga, hindi ba?” nagtatakang tanong ng nanay ni Samantha. “Opo, nay. Pero kasi, nag-resign ako. Ayokong makita ang impalta kong kaibigan at ang ex-boyfriend ko.” “Ha? Bakit hindi mo—“ “Hep! Hep! Hep!” Magagalit palang sana ang ina ni Samantha, ngunit umurong ang galit nito nang makita ang papel na nilahad sa mukha niya – ang job offer kay Samantha. Malaki ang sahod niya sa bagong trabaho at siguradong makabubuhay ng pamilya. “TP Corporation? Malaking kumpanya iyan, anak,” gulat na saad ng ina ng dalaga. “Opo, nay. Secretary lang naman ng CEO ang anak nyo,” pagmamalaking wika ni Samantha. Tuwang-tuwa ang mag-ina. Lumabas sila upang kumain sa restaurant at i-celebrate ang pagkakaroon muli ng trabaho ni Samantha. MAKALIPAS ang ilang araw, matapos magpasa ni Samantha ng mga requirements sa TP Corporation, tinawagan na siya ng HR upang magsimula. Sa unang araw ng kanyang pagpasok, halo-halong emosyon ang nararamdaman niya. Naroon ang kaba at takot. Kahit hindi ito ang una niyang trabaho, pakiramdam niya ay matataas ang knowledge ng mga tao rito. “Good morning po,” pagbati ni Samantha sa mga empleyadong nasasalubong niya sa hallway. “Siya ba ‘yung bagong executive secretary?” “Oo. Siya nga yata ang papalit kay Ma’am Clarise.” “In fairness, maganda rin siya, ha? Pero mas sexy si ma’am.” “True ka diyan, girl.” Ilan lang ang mga bagay na ito sa mga naririnig ni Samantha sa palighid. Pilit itong binalewala ng dalaga dahil ayaw niyang masira ang maganda niyang araw. Sa pagsakay niya sa elevator, ganoon din ang tingin ng mga babaeng empleyado sa kanya. Imbis na magbigay ng matamis ana ngiti ang dalaga, napapangiwi na lang ito sa mga nangyayari. Maya-maya lang, nakarating na rin si Samantha sa opisina ng CEO. Huminga siya nang malalim bago hinawakan ang doorknob, saka niya pinihit ang pinto. “Sir, good morning po,” pagbati ng dalaga habang naglalakad palapit sa magiging boss niya. “Good morning,” maiksing tugon ng binate habang abala sa pagtipa sa kanyang laptop. Nagkibit-balikat naman si Samantha. Maya-maya lang, lumapit sa kanya ang isang babae. “Hello, ako si Cherry ang magtuturo sa ‘yo ng mga dapat mong gawin. Please follow me,” wika ng babaeng lumapit kay Samantha. Tumango ang dalaga saka ngumiti. Agad naman siyang sumunod dito at itinuro ni Cherry ang station niya at mga dapat gawin. Sa umaga, kailangan ay mauna siyang pumasok kaysa kay Erol at sa hapon, kailangan niyang ipa-alala sa boss kung ano ang mga meeting na kanyang pupuntahan. “Naintindihan mo ba, Sam?” tanong ni Cherry. “Opo. Naintindihan ko naman,” tugon ng dalaga. Naging madali lang para kay Samantha ang kanyang trabaho. Sa katunayan, tumagal na rin siya ng dalawang buwan dito. Kung mayroon man siyang irereklamo sa trabaho niya, iyon ay ang pagiging masungit ng boss niyang si Erol. Lubos na nagtataka si Samantha, dahil noong nag-interview ang binata sa kanya, napakabait nito at hindi makabasag pinggan, ngunit ngayon, halos ara-araw ay tila sinakluban ng langit at lupa ang hitsura ng boss niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD