UMAGA sa trabaho ni Samantha, tulad ng dati, sinigurado niyang mauuna siya kay Erol. Agad niyang anayos ang coffee maker at nilagay roon ang coffee beans. Sa kada pagyuko ni Samantha, hila siya nang hila sa suot niyang skirt. Paborito ng dalaga ang skirt na iyon at hindi niya alam kung bakit tila umiksi ito sa kanya.
Matapos masigurado ni Samantha na maayos nang gumagana ang coffee maker, nagtungo siya sa office table ni Erol upang punasan ito. Maya-maya lang, hindi sinasadyang naibagsak ni Samantha ang isang ballpen na nakapatong sa lamesa.
“Tsk. Ano ba ‘yan, ang malas naman,” inis na wika ni Samantha, saka yumuko at pilit na inabot ang ballpen na nasa sahig.
Sakto namang dumating si Erol nang oras na iyon. Kumunot ang noo ng binata nang makita si Samantha na halos tumuwad na sa lamesa. Lumakad siya palapit dito. Nanlaki ang mata ng binata nang halos makita na niya ang panty ni Samantha, subalit imbes na umiwas, tinitigan niya iyong mabuti dahil tila pamilyar ang suot nitong panty. Lumapit siya sa dalaga at wala sa sariling yumuko pa ito upang silipin ang panty ng dalaga -- para makasigurado.
Sa pagtayo ni Samantha mula sa pagkakayuko, tumama ang puwitan niya sa matangos na ilong ni Erol. Nanlaki ang mga mata ni Samantha at agad na napalingon sa kanyang likod.
“Bastos!” sigaw ni Samantha saka malakas na sinampal si Erol. “S-Sir?” gulat na gulat na saad ng dalaga nang mapagtantong si Erol pala ito.
“Aray! Bakit mo ginawa ‘yon?” inis na wika ni Erol.
Tila nagpanting ang tainga ni Samantha. Nawala sandal sa kanyang isip na boss niya ang kanyang kaharap.
“Ikaw pa talaga ang may ganang magreklamo? Bakit mo ko sinisilipan? Bastos ka!” sunod-sunod na paratang ng dalaga.
Natulala si Erol dahil sa matapang na sagod ni Samantha. Ngayon lang kasi ito nagbitiw ng mga ganoong salita. Nang mapagtanto ni Erol ang kanyang ginawa, nagsimulang mamula ang pisngi ng binata.
“S-Sorry. May naalala lang kasi ako sa panty mo,” diretsong sagot ni Erol.
“At talagang inulit mo pa, Sir!” pagbibigay diin ni Samantha sa salitang Sir.
“I’m sorry.” Iyon na lang ang naitugon ni Erol saka umupo sa kanyang swivel chair na parang walang nangyari.
Natapos ang araw na iyon na hindi sila nagpapansinan, tila awkward sa pakiramdam ni Samantha na kausapin ang boss niya.
KINABUKASAN, hindi pa nakaka-move on si Samantha ngunit pinili niyang bumalik at muling pumasok sa opisina. Nakailang buntonghininga na siya dahil sa nangyari. Maya-maya lang, lihim siyang sumulyap sa boss niya na ngayon ay abala na sa pagtatrabaho sa laptop. Noon lang napagtanto ni Samantha ang bagay na ginawa niya sa boss na si Erol. Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang maalalang sinampal niya si Erol. Napatakip na lang siya ng bibig.
“Shocks! Nasampal ko ang boss ko!” gulat na saad ni Samantha. “Anong gagawin ko? Seryoso lang siya ngyon pero baka tanggalin na niya ako sa trabaho,” kinakabahang wika ng dalaga.
LUMIPAS ang mga araw na hindi nagpapansinan ang dalawa. Nag-uusap lang ang mga ito sa oras na may kailangan sila tungkol sa trabaho. Dahil labis na hiya ang nararamdaman ni Samantha, lumiban siya panandali sa trabaho.
“Ang babaeng iyon, late na magsabi na hindi siya papasok. Sino ba ang boss rito?” inis na wika ni Erol sa kawalan.
Dahil sa galit, tinawagan niya ang kaibigan na si Marvin upang bumisita sa kanyang opisina.
"Bro, bakit mo naman ako pinatawag? May sasabihin ka ba?" tanong ng kaibigan niyang si Marvin.
Kinuha ni Erol ang bagay na nakatago sa kanyang drawer, saka ito pinatong sa lamesa.
"Kasi, bro. Gusto ko lang sabihin na, I think nakita ko na ang may-ari ng panty."
Halos maibuga ni Marvin ang laway niya nang marinig ang sinabing iyon ni Erol.
"Ano namang pakialam ko riyan, bro?" natatawang tugon ni Marvin.
"Big deal sa 'kin 'yon, bro. Kasi sa tulong niya, maaari kong maayos ang relasyon namin ni Clarise,” paliwanag ni Erol. “Kaso, wala siya ngayon,” muli niyang wika.
"Sandali nga, bro. Sigurado ka bang gusto ni Clarise na maayos ang relasyon nyo?"
Natahimik si Erol sa sinabi ng kaibigan. Nawala rin sa isip niya kung nais pa bang makipagbalikan ni Charise. Subalit para sa kanya, hindi siya susuko upang mabawi niyang muli ang dalaga. Nanatiling nakatulala si Ero at nakatingin sa Panty na nasa harapan niya.
DAHIL inuusig si Samantha ng kanyang konsensya, pumasok na rin siya sa trabaho kinabukasan.
Marahang tumayo si Samantha sa kanyang kinauupuan. Nagtatalo kasi sa isip niya ang kabastusan na ginawa ni Erol, subalit iniisip din niya na si Erol ang CEO ng kumpanyang pinagtatrabahuhan niya. Mariing lumunok ang dalaga, saka lumakad patungo sa kinaroroonan ni Erol.
“S-Sir, pasensya na pala dahil nasampal ko kayo,” hindi makatingin na wika ni Samantha.
Tumaas ang tingin ni Erol at tiningnan si Samantha mula ulo hanggang paa.
“Tell me. Do you know a hotel named, Elite Residences?” diretsong tanong ni Erol sa dalaga.
“Elite residences?” Nagtataka si Samantha kung bakit naitanong ito ni Erol. “Oo. Alam ko ang lugar na iyon,” tugon ng dalaga.
Tumaas ang kilay ni Erol dahil sa narinig. Sa mga oras na iyon, tila kompirmado na niya ang mga hinala. Subalit hindi niya maiwasang hindi mamangha dahil sa mga nangyayari. What a coincidence, ika nga.
Marahang binuksan ni Erol ang drawer ng lamesa. Kunot naman ang noo ni Samantha habang sinusundan ng tingin ang bawat ginagawa ng binata. Maya-maya lang, nanlaki ang mata ni Samantha sa Nakita.
“S-Sir, kolektor kayo ng panty?” gulat na tanong ng dalaga, Nakita kasi niya ang isang panty na binunot ni Erol mula sa loob ng drawer.
Nandilim naman ang mukha ni Erol dahil sa sinabi ng dalaga. Nilapag ni Erol ang panty sa ibabaw ng lamesa gamit ang kanyang daliri, animoy diring-diri ito sa bagay na iyon.
“Hindi ba pamilyar ang isang iyan?” seryosong wika ni Erol.
Tiningnang Mabuti ni Samantha ang bagay na iyon, maya-maya lang, nanlaking muli ang kanyang mga mata at napatakip sa kanyang bibig.
“OMG! S-Sir, ikaw pala ang kumuha niyan? Paano napunta sa ‘yo ‘yan?”
Tila muling bumalik ang alaala ni Erol noong araw na iyon, ‘yong araw kung kailan naisra ang relasyon niya sa nobya.
“YOU!” galit na sigaw ni Erol saka marahas na tumayo. “Ikaw nga!” Pagturo ng daliri ni Erol kay Samantha na animoy sinusumpa niya ang dalaga.
“A-Ako? B-Bakit parang kasalanan ko?” nagtatakang tugon ni Samantha habang nakahawak sa kanyang dibdib. “Aray!” Mariing napapikit ang dalaga nang marahas na hawakan ni Erol ang magkabila niyang balikat.
“You are the reason why Clarise broke up with me!” inis na sigaw ni Erol.
“S-Sir, hindi ko po alam kung anong sinasabi nyo,” takot na tugon ni Samantha.
Kitang-kita ng dalaga ang nag-aapoy na galit ni Erol sa mga mata. Hindi niya malaman kung saan ito nagmumula subalit alam niyang sa kanya ito ibinabato. Pilit na pinakalma ni Samantha si Erol. Alam niyang kung hindi niya gagawin iyon, baka kung anong magawa ng boss niya sa kanya.
“Sir, kalma lang po. Ipaliwang nyo po sa ‘kin kung ano ang nangyari.” Tumama ang tingin ni Samantha sa panty na nasa ibabaw ng lamesa. “May kinalaman po ba ang underwear ko sa tinutukoy nyo?” hindi tiyak niyang saad ngunit sa tingin niya ay related nga ito.
Unti-unting kumalma si Erol. Kumunot naman ang noo ni Samantha nang makita ang kaunting butil ng luha sa mata ng binata. Alam niyang may seryosong pinaghuhugutan ang mga luhang iyon. Mariing pinahiran ni Erol ang kanyang luha.
“Sorry, hindi ko na-control ang sarili ko,” aniya.
Muling nagtungo si Erol sa kanyang swivelchair at sinandal ang likod sa backest ng upuan. Hinilot niya ang sentido na animoy masakit ang ulo. Hindi naman mapakali si Samantha at pakiramdam niya, may kailangan siyang malaman.
“Sir, handa po akong making,” saad ni Samantha.
Tumingin si Erol sa kanya, saka bumuntonghining.
“Alam kong matagal nang nangyari ang bagay na ito and I don’t want to talk about it but… Me and my girlfriend broke up because of your underwear.”
“Ha? Paano nangyari ‘yon?” tanong ng dalaga.
Muling bumuntonghininga si Erol bago magsalita, “my girlfriend saw this underwear inside my unit at Elite Residences.”
Nagsimulang mag-flashback ang mga alaala sa isip ni Samantha. Nang binanggit palang ni Erol ang Elite Residences, naalala na niya ang araw na nagbihis siya sa isang bakanteng unit.
“OMG! Akala ko talaga bakante ang unit na iyon,” gulat na wika ni Samantha. “Nagbihis ako sa unit na iyon, Sir. And I didn’t know na naiwan ko pala ang panty ko,” paliwanag ni Samantha.
“So, it was not intended?” walang ganang tanong ni Erol.
“Y-Yes, sir. That time kasi—” pinutol ni Samantha ang sasabihin nang maalala ang masakit na nangyari sa kanya noon.
“Kasi?”
“Wala, sir,” yumukong wika ni Samantha. Nais na niyang kalimutan ang alaala na iyon ngunit ang masama, may nadamay pala sa ginawa niya.
“Ano pong pwede kong gawin para makabawi sa nangyari?” sinserong tanong ni Samantha sa boss niya.
Diretsong tumingin si Erol kay Samantha. Tila may ideya na pumasok sa isip ng binata, dahilan upang mapangiti siya.
“You can help me win back my girlfriend,” tugon ni Erol.