Sa tulong ni Samantha, maaaring maipaliwanag ni Erol kay Clarise ang mga nangyari. At pawang false accusation lang ito. Baka matulungan nga naman ni Samantha si Erol upang maibalik ang relasyon ng dalawa.
Pinaliwanag ni Erol kay Samantha ang lahat. Nagplano ang dalawa kung ano ang dapat gawin at nagkasundo naman ang mga ito.
ISANG gabi, tinawagan ni Erol ang dating nobya na si Clarise. Noong una ay tumanggi ang dalaga na makipag-usap sa kanya, ngunit dahil sa patuloy na panunuyo ni Erol, pumayag din ang dalaga. Nag-book si Erol sa isang Italian restaurant.
BALISA ang binata habang nilalaro ang mga daliri. Panay ang lingon nito sa entrance ng restaurant.
“Sir Erol, kumalma po kayo. Magiging maayos ang lahat,” payo ni Samantha sa kanya.
Tumango naman si Erol. Hindi pa rin ito nagbago dahil hanggang ngayon, nandoon pa rin ang kaba na nararamdaman niya.
Sopistikada at eleganteng naglakad si Clarise patungo sa kinaroroonan nina Erol at Samantha. Palipat-lipat ang tingin niya sa dalawa, animoy nagtataka kung sino ang kasama ni Erol.
Sa paglapit niya sa lamesa, agad na tumayo si Erol upang maginoong paupuin si Clarise.
"Thank you," ani Clarise nang alalayan siyang makaupo ni Erol. "Hindi ka pa rin nagbabago," muli niyang wika saka ngumiti.
Bumalik si Erol sa kanyang upuan at sinimulan ang usapan.
"Clrarise, we are here to clarify things," paunang sabi ni Erol.
"Sino siya?" pagputol naman ni Clarise habang nakatingin kay Samantha.
"She's Samantha, the reason why we broke up."
Kumunot ang noo ni Clarise nang sabihin ni Erol ang bagay na iyon.
"Siya ang may-ari ng underwear? Talagang pinakilala mo pa sa 'kin ang babae mo, Erol?" iritableng wika ni Clarise.
"No, Clarise. Listen to me. She's here to explain what happen," natatarantang wika ni Erol.
Bahagyang siniko ni Erol si Samantha, tila nagsasabing simulan na niya ang pagkukuwento.
Huminga nang malalim si Samantha, saka nagsimulang magkuwento kay Clarise. Makalipas ang ilang minuto, unti-unting naunawaan ni Clarise ang mga nangyari. It was only a mistake at walang lokohan na nangyare sa relasyon nila. It is not Erol's fault, it is Samantha's fault.
"Not I know," tumatangong wika ni Clarise.
"S-So, what now?" nauutal na wika ni Erol.
Tumingin si Clarise sa kanya saka nagbigay ng magandang ngiti.
"Are you expecting me to come back in your arms after this brief explanation?" natatawang wika ni Clarise.
"B-But, Clarise."
"Wala na tayo, Erol. And besides, I have a boyfriend," pagklaro ni Clarise.
Hindi makapagsalita si Erol at nanatili siyang tulala. Pakiramdam niya ay binagsakan siya ng langit at lupa dahil sa narinig. All this time, sayang lang pala ang paghahanap niya sa may-ari ng panty na iyon.
"Ms. Samantha, thank you for your cooperation. But I guess It is useless." Marahang tumayo si Clarise. "Iyon lang ba ang sasabihin nyo?" saad ng dalaga.
"Clarise, can you give me another chance?" pakikiusap ni Erol.
Marahang binawi ni Clarise ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ni Erol, saka ito ngumiti sa kanya.
"I'm sorry. Tulat ng sinabi ko, may boyfriend na ko. Goodluck, Erol," ani ng dalaga, saka lumakad palayo.
Naiwang nakahabol ng tingin si Erol kay Clarise. Pakiramdam niya ay binagsakan siya ng langit at lupa dahil sa mga nangyari.
Naramdaman ni Erol ang kamay ni Samantha nang hawakan siya nito.
"Sorry, Sir Erol. Mukhang hindi ka na niya love," parang batang wika ni Samantha.
Tinapunan siya nga matalas na tingin ni Erol dahil sa kanyang sinabi.
"Joke lang, Sir. Pinapangiti lang kita."
"Samahan mo ko!" utos ni Erol kay Samantha, saka hinawakan ang kamay nito at hinila palabas ng restaurant.
"Sir, saan tayo pupunta?"
"Just come with me."
Sumakay ang dalawa sa kotse, saka nagtungo sa malapit na bar. Sunod-sunod ang pag-inom ng alak ni Erol at halata sa kinikilos nito na labis siyang nasaktan. Awang-awa naman si Samantha sa kanya. Pakiramdam ng dalaga ay may kasalanan din siya sa nangyari. Kung hindi lang sana siya naging careless noong araw na iyon, wala sanang relasyon ang nasira.
"Sir, tama na 'yan," pagsuway ni Samantha kay Erol na ngayon ay nakakasampung baso na.
"Kaya ko pa!" bulol na wika ng lasing na binata.
Napabuntonghininga na lang si Samantha dahil sa kinikilos ni Erol. Wala siyang magawa dahil ayaw nitong magpapigil. Nangalumbaba na lang siya sa ibabaw ng bar counter habang tinititigan ang mukha ng binata.
"Kahit pala mayaman na iniiwan pa rin, ano?" aniya.
"Dating secretary mo lang naman si Ms. Clarise noon, bakit ganoon na lang siya magmataas sa 'yo?"
Tila naunawaan naman ni Erol ang sinabi ni Samantha kahit nahihilo pa siya.
"Alam mo, galing sa mayamang pamilya si Clarise. She just wanted to be my secretary para madalas kaming magkasama," paliwanag ni Erol.
Nagsimulang umingay ang paligid. Napuno ng kantyawan ang dance floor, dahilan upang mapalingon si Samantha sa gitna ng kumukutitap na ilaw. Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang makita kung sino ang pinagkakaguluhan ng mga tao.
"Si Clarise ba 'yon?" wala sa sariling nasambit ng dalaga. Sakto namang narinig iyon ni Erol.
Napalingon si Erol kung saan nakatingin si Samantha. Maging siya ay nanlaki ang mga mata sa nakita. Tila nawala ang kalasingan ng binata nang makitang sumasayaw si Clarise kasama ang isang lalaki.
"C-Clarise?" akmang tatayo na si Erol nang hawakan siya ni Samantha upang pigilan.
"Sir, wag kang gumawa ng gulo rito," payo ni Samantha sa kanya. Ngunit tila hindi iyon pinansin ni Erol.
Marahas na binawi ng binata ang kanyang kamay, saka dirediretsong naglakad patungo sa dance-floor. Habang siya ay papalapit, pilit niyang inaaninag ang mukha ng lalaking kasayaw ng babaeng mahal niya. Hanggang sa natigilan siya sa paghakbang nang mapagtanto kung sino ito.
"Sir Mike?" bulong ni Erol nang makitang ang presidente pala ng TP Corporation ang kasama ng kanyang dating nobya.
Napaatras siya sa paglalakad. Doon niya lang napagtanto na mas mataas na tao ang pinalit sa kanya. CEO lang siya at presidente ito. Nang mga oras na iyon, nagkaroon ng linaw ang lahat para kay Erol. Na baka lumapit lang si Clarise sa kanya upang mapalapit mismo sa presidente, na ang presidente talaga ang nais nito at hindi siya.
Halos hindi malunok ni Erol ang laway niya. Unti-unti siyang humakbang pabalik at hindi na inistorbo pa ang dalawa. Sapat na ang nalaman niyang kataksilan ng dating nobya.
"We're going!" pagmamadaling wika ni Erol, saka hinila ang kamay ni Samantha na ngayon ay walang ideya sa nangyayari.
Sumunod na lang si Samantha at muling tumingin sa direksyon ni Clarise. Sakto namang nakita ni Samantha na nakatingin din si Clarise sa kanila. Nakangiti ang labi nito na animoy nang-iinis pa. Doon napagtanto ni Samantha ang mga bagay. Tila nakita ng dalaga ang kanyang bestfriend sa babaeng ito.
Nang makarating ang dalawa sa kotse, nagulat si Samantha nang suntukin ni Erol ang manibela.
"Sir, kalma! Saka, kaya nyo ba magmaneho?" tanong ni Samantha dahil alam niyang nakainom ang boss niya.
Yumuko si Erol sa manibela at umiling.
"Sinasabi ko na nga ba, eh. Ako na nga diyan," pagpresinta ni Samantha. Kahit paano ay marunong siya maaneho. Tinuruan siya ng dating nobyo niyang si Glen.
Walang ganang lumipat si Erol ng puwesto at umupo sa passenger seat. Nagsimula namang magmaneho si Samantha. Hinatid ni Samantha si Erol sa kanyang unit sa Elite Residences. Kahit ayaw na ni Samanthang magtungo sa lugar na iyon, wala siyang magagawa. Matapos niyang ihatid si Erol, isang pamilyar na lalaki ang nakasalubong niya sa hallway.
"Sam?" saad ng lalaki na may pamilyar na boses.
Huminga nang malalim si Samantha bago muling lumingon.
"Glen, ikaw pala," walang ganang tugon ni Samantha.
Lumingon si Glen sa kwarto kung saan nanggaling si Samantha. Kumunot ang noo nito at tumingin muli sa dalaga.
"A-Anong ginagawa mo sa unit na 'yon?" tanong ni Glen.
Tumingin si Samantha sa unit na sinasabi ni Glen. Maya-maya lang, isang bagay ang naisip niya.
"Ah... Hinatid ko lang ang boyfriend ko," nakangiting saad ng dalaga kahit hindi naman ito totoo.
"B-Boyfriend? K-Kailan pa?"
Tumaas ang kilay ni Samantha dahil sa narinig niya. Humalikipkip siya saka tumayo nang maayos.
"Ikaw? Kailan pa kayo ni Jade?" sarkastikong wika ni Samantha.
"Ilang beses ko bang sasabihin na–"
"Enough, Glen. Sapat na ang nakita ko." Pagputol ng dalaga sa sasabihin ni Glen. "I have to go, marami pa kong gagawin."
Diretsong lumakad si Samantha palayo sa kinaroroonan ni Glen. Napakagat siya sa ibabang bahagi ng kanyang labi dahil sa pagsisinungaling niya.
Ang totoo, may kaunting pagmamahal pa rin siyang nararamdaman kay Glen, subalit sa tuwing naalala niya ang nakita, umaapoy siya sa galit.
KINABUKASAN, masakit ang ulo ni Erol nang pumasok siya sa opisina. Ngunit kahit ganoon, naalala pa rin niya ang mga nangyari.
"Sir, coffee po?" pag-alok ni Samantha kay Erol saka nilapag ang kape sa lamesa.
"Thank you," tugon ng binata saka hinilot ang sentido.
Matapos bigyan ng kape, bumalik si Samantha sa kanyang puwesto at tiningnan ang cellphone niya. Kumunot ang noo ng dalaga nang makita ang pangalan ng dating nobyo, tumatawag kasi ito sa kanya.
"Hello," pagsagot niya upang matapos na rin ang paulit-ulit nitong pagtawag.
"Sam, my sister Camile will have her eighteenth birthday. Makakapunta ka, hindi ba?"
Mariing napalunok si Samantha nang maalala si Camile. Napalapit na kasi ito sa kanya at tinuturing niyang kapatid.
"Please, Sam. Malulungkot si Camile kung hindi ka makikita. I will escort you," muling sambit ni Glen.
"Sige, pupunta ako. Pero kasama ko ang boyfriend ko," wala sa sariling nabanggit ni Samantha ang bagay na iyon.
Napakagat siya sa kanyang labi dahil sa pagsisinungalin.
"Ganoon ba? Sige. Ang mahalaga ay pumunta ka. I also want to meet your boyfriend," muling wika ni Glen. "Bye. See you."
Matapos ibaba ng binata ang tawag na iyon. Napatulala na lang si Samantha dahil sa kalokohang sinabi niya.
Tumingin siya sa direksyon ni Erol at mabilis na iniling ang ulo.
"Ano ba kasing iniisip mo, Sam? Bakit mo ba kasi sinabi 'yon?" bulyaw ni Samantha sa sarili.
"Is there something wrong?"
Halos lumundag ang balikat ng dalaga nang marinig ang tinig ni Erol. Nakatayo na pala ito sa kanyang tabi. Dahil sa mga bagay na iniisip, hindi niya ito namalayan.
"S-Sir, kanina ka pa ba diyan?" tanong ni Samantha.
"I just arrived. Iniwan ko lang itong mga papeles na pinapapirmahan mo."
Nakahinga nang maluwag si Samantha nang marinig ito. Ngunit nang akmang aalis na si Erol, wala sa sariling hinablot ng dalaga ang kamay ng binata, dahilan upang mapalingon itong muli sa kanya.
"May sasabihin ka pa ba?" tanong ni Erol na may nakakunot na noo.
'Sige na, Sam. Sabihin ko na. Tutal binigyan mo rin naman siya ng favor, 'di ba? Wala namang mawawala kung tatanungin mo siya kung pwede. Kung ayaw niya, 'di 'wag.'
"Sam?" pagputol ni Erol sa iniisip ng dalaga.
"A-Ah. Kasi, Sir. May gusto lang po sana akong hilingin sa inyo," panimula ng dalaga.
Marahang binitiwan ni Samantha ang kamay ng binata. Nagpamulsa naman si Erol at tumingin sa kanya.
"Sige. What is it?" ani Erol.
Hindi na mabilang ni Samantha kung ilang beses na siyang lumunok ng laway dahil sa kaba.
"S-Sir, kasi. Magbi-birthday 'yung sister ng ex ko, I need an escort."
"And you want me to be your escort?"
"O-Opo, sana?"
Hindi pa man sumasagot, lumakad na palayo si Erol at muling bumalik sa kanyang upuan.
"Naku po, nagalit yata. Ayaw yata niya," napapakamot ulong wika ni Samantha sa sarili.
"Sam, come here," utos ni Erol.
Dali-dali namang tumayo si Samantha at nagtungo sa kinaroroonan ni Erol.
"Sir?"
"First of all, bakit kailangan mong um-attend sa party na iyon? Second, ano ba ang nangyari sa inyo ng boyfriend mo. I mean, hindi sa pagiging pakialamero. I just want to know so I know how I will treat them," sunod-sunod na paliwanag ni Erol.
Bumuntonghininga si Samantha, saka nagsimulang ikuwento sa boss niya ang lahat ng nangyari.
Napakuyom na lang ng kamay si Erol nang marinig ang storya ni Samantha. Kaya pala nito naiwan ang underwear sa unit niya dahil may pinaghahandaan ito.
"Okay. I get it now. So you have a ex-boyfriend who cheated on you?"
"Sir, wag nyo na pong ulitin."
"All right, sorry. Anyway, I understand. Then count me in," nakangiting wika ni Erol kay Samantha.
"Talaga, Sir? Willing kayong magpanggap bilang boyfriend ko?"
"What!?" kunot-noong gulat ni Erol.
"Lubos-lubosin na natin, Sir. Sige na," parang batang pakikiusap ni Samantha.
Pakiramdam ni Erol ay mas lalong sumakit ang kanyang ulo, ngunit wala na rin siyang magawa dahil pumayag na rin siya sa nais nito. Nagkasundo si Erol at Sam na magpanggap bilang magkasintahan upang pagselosin ang mga dating karelasyon ng dalaga.