"Euhanna!"
Umalingawngaw ang boses ni Sir Aldrin sa loob ng mansyon nang dumating siya. Halos madapa naman ako kamamadali para lang makalapit agad sa kanya.
"Bakit, Sir?"
Hindi maipinta ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Kulang na lang ay lamunin niya ako ng buo. "Ano po ba ang kailangan n'yo sa akin?"
Saglit pa akong nag-isip kung ano naman ang maling ginawa ko sa kanya para magalit siya sa akin.
"Ano ba ang inuutos ko sa iyo?" tanong ko sa kanya.
"S-Sir ginagawa ko naman Sir ang inutos n'yo?"
"Hindi ba't sinabi ko sa iyo na ibibili kita ng damit para sa party, bakit hindi mo pinapasok ang sekretarya ko rito?"
"Sabi n'yo kasi bawal akong magpapasok kaya hindi ko siya pinapasok. Hindi ko naman kilala ang sekretartya n'yo."
Umiwas siya ng tingin sa akin. "You still have one hour to fix yourself. Get the dress and wear it."
Tumango ako. "Yes, Sir!"
Kinuha ko ang malaking box at dinala ko sa loob ng kuwarto ko. Ito ang kaninang dala ng babae.
Malay ko ba na sekretarya niya 'yon? Sinabi niya huwag akong magpapasok. Ang gulo niya kausap.
Nagmadali akong naligo bago ko ito sinuot ang damit ko. Sakto lang ang damit at sapatos sa akin. Kaya pala tinanong niya sa akin ang sukat ng paa ko at damit kanina bibili pala niya ako. Humarap ako sa salamin saka naglagay ako ng makeup sa mukha. Mabuti na lang at may makeup kit ako. Binigay ito sa akin ni Nancy noong pumasok ako sa club. Pagkatapos kong maglagay ng makeup ay tinali ko ang buhok ko saka lumabas ako ng kuwarto.
"Ready na ako po ako."
"Anong makeup 'yan para kang pupunta sa club?" Inis niyang sabi sa akin.
Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang labi kong may makapal na lipstick. Namula naman ang mukha ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong kaba.
"Hintayin mo ang makeup artist na tinawagan ko para mag makeup sa iyo." Hinawakan niya ang palad ko saka tumingin sa paa ko. "Ang pangit pa ng mga kuko mo sa paa at kamay."
"Sir, sabi niyo one hour na lang? Baka mahuli na tayo kung i-makeover pa ako."
Nameywang siya. "Gusto mong magmukha kang basura sa mga bisita roon?"
"Maganda naman ang damit ko."
"Bakit ka ba nagrereklamo? Ginagalit mo ba ako!"
Yumuko ako. Galit na naman siya dahil sumisigaw ma siya. "Baka kasi isama n'yo 'yan sa utang ko."
"Iyon ba ang inaalala mo?"
Tumango ako. "Baka mabaon na ako ng utang sa inyo."
"Don't worry, I'll give it to you for free."
Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti na ang nagkakaintindihan kaming dalawa. Ayokong madagdagan ang utang ko sa kanya.
"Siguro hubarin mo muna ang damit mo baka madumihan habang nilalagyan ka ng makeup."
Napakamot ako sa ulo ko. "Ang gulo mo kausap," bulong ko.
"May sinasabi ka?"
Umiling ako. "Wala po."
Bumalik ako sa kuwarto ko pagkatapos ay hinubad kong damit na binili niya. Ilang saglit pa ay may tatlong bakla ang dumating. Tatlo silang nag-ayos sa akin. Ang isa ay ang nagpe-pedicure at manicure. Ang isa naman ay nagkukulot ng buhok ko at ang isa ay naglalagay ng makeup. Feeling ko tuloy ay artista ako nilalagyan ng makeup. Pagkalipas ng mahigit isang oras ay natapos na nila akong ayusan. "Okay, suotin mo na ang damit mo."
Tumango ako saka pumunta sa kuwarto ko para isuot ang gown na binili sa akin ni Aldrin.
"Pak! Ang ganda-ganda mo na girl!" Sambit ng baklang nag-makeup sa akin.
Tipid akong ngumiti. "Thanks po."
"Sir, ang ganda-ganda ng asawa n'yo bagay kayong dalawa," sabi ng isang bakla na naglinis ng kuko ko.
Tumingala ako. "Hindi niya ako a—
"Thank you sa inyong tatlo." Inabot ni Aldrin ang pera sa kanila. "Tip ko 'yan sa inyo."
"Wow! Thank you, Sir!"
Tuwang-tuwa sila ng bigyan sila ng tip ni Aldrin. Galante talaga siya kahit kanino. Nang makaalis ang nag-makeup sa akin ay lumapit siya at tinitigan niya ako. Yumuko ako dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya.
"You're beautiful."
Bumilis ang t***k ng puso ko nang marinig ko ang sinabi niya. Mabuti na lang at may blush on ako. Hindi niya mahahalata na namumula ang mukha ko.
"Let's go!"
Hinawakan niya ang kamay ko habang palabas kami ng mansyon. Sumakay kami sa kotse niya. Wala akong imik habang nasa loob kami ng kotse. "Kapag may nagtanong sa iyo kung anong relasyon natin sabihin mo girlfriend kita."
"Magsisinungaling ako?"
"White lies magpapanggap kang girlfriend ko. Dahil ayokong isipin ng ex-girlfriend ko na hindi ako naka-move on sa kanya."
Tumingin ako sa kanya."Hindi ka ba talaga naka-move on?"
Tumingin siya sa akin. "Wala akong time sa babae."
Tumahimik ako. Gusto ko sanang sabihin sa kanya kung wala siyang time sa babae bakit niya ako kasama sa mansyon niya at gawing slave niya. Pero siyempre hindi ko iyon sinabi dahil alam ko naman ako ang mas nangailangan ng tulong niya. Kung gusto kasi niya ng aliw puwede siyang bumalik sa club ng paulit-ulit.
Mahigit kalahating oras ang biyahe namin sa lugar kung saan ginanap ang party. Sa loob ng hotel may malaking bulwagan kung saan ginanap ang party. Marahan pinisil ni Aldrin ang kamay ko habang naglalakad kami papunta sa birthday girl. Nakayuko ako dahil sa amin nakatingin ang ibang bisita pakiramdam ko ay lulunukin nila ako ng buhay. Kung makatitig sila sa akin parang nakita na nila pati kaluluwa ko.
"Hey, Aldrin, how are you? I haven't seen you in a long time. Have you seen your ex-girlfriend? By the way, who is she?"
"I'm good. I have been busy with my business over the past few months. I haven't seen her yet. She's my girlfriend, Euhanna."
"You are a really good choice. Hi, Euhanna, My name is Jao." Inilahas pa niya ang kamay upang makipag-shake hand sa akin.
Tumingin muna ako kay Aldrin upang humingi ng signal. Nang tumango siya ay saka ko tinanggap ang pakikipagshake hand niya.
Ngumiti ako. "H-Hello, Jao, my name is Euhanna, nice meeting you."
"Mahiyain ang girlfriend mo," sabi ni Jao, matapos niyang makipag-shake hands sa akin.
Tumango si Aldrin. Yeah, hindi siya komportable sa ganitong party."
"Oh, I see, alam mo Euhanna, mula ngayon ay masanay ka na sa party dahil boyfriend mo ang isang Aldrin Hererra. Lagi 'yan invited sa party."
Isang tipid na ngiti ang naging tugon ko sa kanya. Kung alam lang niya na napipilitan lang ako sa ginagawa ko ngayon.
"Let's go, Baby." Hinawakan ni Aldrin ang kamay ko.
Sumunod naman ako sa gusto niya pagkatapos ay lumapit kami sa baba na nakasuot ng gown. May kasama siyang guwapong lalaki ay nang mapansin nilang palapit kami ay tumingin sila sa amin.
"Happy birthday." Pokerface na sabi ni Aldrin.
Tinitigan ako ng babae mula ulo hanggang paa habang nakataas ang kanang kilay niya. Napansin naman iyon ni Aldrid. Inakbayan niya ako. "She's my beautiful girlfriend."
Sumimangot ang babae nang sabihin ni Aldrin na ako ang girlfriend niya.
"Mabuti naman at may bago ka ng girlfriend ka na," sabi ng babae.
"Baby, this is Michaella my ex-girlfriend. Siya 'yung kinukuwento ko sa iyo at siya naman ang stepbrother ko si Simon."
"Well, hindi na ako magtataka kung masama ang tingin niya sa amin," sabi ni Simon.
"Sinabi ko lang ang totoo sa kanya." sarkastikong sabi ni Aldrin
Napawi ang ngiti ng dalawa sa sinabi ni Aldrin.
"Thank you for inviting us. Let's go! Baby."
Umalis kaming dalawa ni Aldrin at kumuha ng pagkain. Naka-buffet kasi ang pagkain. Nang makakuha kami ay umupo kami kung saan natatanaw kami ni Michaella."
"Baby, tikman mo ito." Sabay subo sa aking ng isang kutsara na may laman pagkain. Napilitan akong kainin ang binigay niya.
"Subuan mo rin ako," bulong niya sa akin.
Tumango. "Baby, tikman mo rito ito." Itinapat ko ang kutsara sa bibig niya at tinanggap naman niya ito saka niya marahan hinaplos ang mukha ko at dinampian ng halik sa pisngi.
Pulang-pula ang mukha ko sa ginawa niya. Paglingon ko ay nakatingin sa akin si Michaella habang umiinom siya ng alak. Nagpatugtog siya ng nakakaindak na musika kaya sumayaw ang mga magkakapareha. Tumayo si Aldrin at lumapit sa akin.
Tumingala ako para tingan si Aldrin. "Bakit?"
"Sayaw tayo."
"Hindi ako marunong sumayaw."
"Don't worry, I'll teach you."
Kahit ayoko ay napilitan akong tumayo para sumayaw kami sa stage. Imbes na hawakan lang ni Aldrin ang bewang ko ay niyakap niya. Kaya naman ay dikit na dikit ang mukha ko sa kanya. Kulang na lang ay sumabog na ang dibdib ko sa lakas ng t***k nito. Halata naman kay Aldrin na pinagseselos niya ang ex-girlfriend niya.
"Bakit mo ako sinayaw, bakit hindi ang ex-girlfriend mo?" May kirot akong naramdaman sa naging tanong ko. Mabuti na lang at nakasandal ang mukha ko sa balikat niya.
"Tsk! Nagseselos ka ba?"
"Sir, bakit naman po ako magseselos?"
"Good, don't fall in love with me, I'm not ready to fall in love with a prostitute like you."
Nilunok ko ang laway ko upang huwag umiyak. Ang sakit kasi ng sinabi niya sa akin. Hanggang ngayon ay mababa pa rin ang tingin niya sa akin.
"H-Huwag kang mag-aalala alam ko kung saan ako lulugar."
"That's good."
Nang mapagod kami sa sumayaw ay bumalik kami sa table namin. Tinawag si Aldrin ng lalaki na kaibigan niya kaya naiwan akong mag-isa sa table.
"Hi!"
Napilitan akong ngumiti nang lumapit sa akin si Michaella may kasama siyang dalawang babae.
"Hello."
Pailalim niya akong tinitigan. "Anong buo mong pangalan?"
"Sorry, hindi ko binibigay ang buo kong pangalan sa hindi close friend."
"Girl, mukhang medyo mataray ang pinalit sa iyo." Sabay tawa ng isang babae.
Sumimangot si Michaella. "Alam mo ba na ako ang ex-girlfriend ni Aldrin at hanggang ngayon mahal pa rin niya ako."
"Yeah, ginawa ka lang panakip butas para makalimutan niya si Michaella," sabi ng isang babae.
Ngumiti ako. "Okay lang, ang mahalaga ay ako ang present na girlfriend niya."
Tinitigan niya ako ng masama. "Kung ako sa iyo makikippaghiwalay na ako sa kanya."
"Sorry, hindi ko magagawa iyon." Napilitan akong ubusin ang wine sa baso kahit sorbrang pait.
"Baby, come here!"
Narinig kong tinawag ako ni Aldrin. Tumayo ako para lumapit sa kanya kaya lang nang maglalakad na ako ay pinatid ako ni Michaella kaya bumagsak ko sa sahig. Hindi lang 'yon, sinadya nilang ibuhos sa akin ang nasa wine glass nila.
"Oh, I'm sorry." saka sila nagtawanan.
Nakita ng ibang bisita ang nangyari sa akin kaya pinatawanan nila ako.
Basa ang mukha, buhok at damit ko dahil sa ginawa nila. Gusto ko na lang lamunin ng lupa dahil sa kahihiyan. Siguradong magagalit sa akin si Aldrin dahil madadawit ang pangalan niya.
"Tumayo ka."
Tumingala ako at nakita ko si Aldridn na seryos ang mukha niya. Inalalayan pa niya ako sa pagtayo saka pinunasan ang mukha ko.
"Aldrin…"
Hinapit ni Aldrin ang bewang ko saka niya ako hinalikan sa labi. Gulat na gulat ako dahil hinalikan niya ako sa maraming tao. Gayunpaman, hindi ako tumutol bagkus ay tumugon ako. Narinig namin ang hiyawan at palakpakan pagkatapos naming maghalikan. Hinubad ni Aldrin ang tuxedo niya at sinuot sa akin saka ako binuhat palabas ng hotel. Naririnig ko pa rin ang tilian ng ibang mga bisita. Mas lamang na ngayon ang mga kinilig sa amin kaysa ang mga taong pinagtawanan ako kanina.
"How's my acting?" tanong niya nang nasa loob kami ng kotse.
"Ang galing mo parang totoo ang lahat. Salamat sa tulong mo nakalimutan nila ang ginawa sa akin ni Michaella at ng kaibigan niya."
Sumeryo ang mukha ni Aldrin. "Nakita ko ang ginawa niya sa iyo at hindi ko iyon palalampasin."
"Anong ibig mong sabihin?"
Tumingin siya sa akin. "She need to say sorrry to you or else ikakalat ko ang video na ginawa niya sa iyo."
"Hindi na kailangan, ang mahalaga ay nakaalis na tayo."
"Hindi ako papayag, dapat siyang humingi ng sorry sa iyo. Nakuhanan mo siya ng video kanina kaya alam kong sinasadya niya ang ginawa niya sa iyo."
"Aldrin…
"Don't worry, ako ang bahala sa iyo basta mula ngayon lagi mong iisip na ako ang boyfriend mo. Kailangan mong mag-ingat sa bawat sasabihin at ikikilo mo. Mula ngayon marami ng mga mata ang nakatingin sa iyo."
Tumango ako. "Tatandaan ko ang sinabi mo."
"Let's go, umuwi na tayo mas gusto kong kasama kita ngayong gabi." Ipinasok niya ang kamay niya sa loob ng bra ko at hinimas niya ang dibdib ko.
Lumunok ako. Mukhang alam ko na ang ibig niyang sabihin. Ang akala ko ay makakapagpahinga na ako, hindi pa pala.
Nang mapagod siya sa kakahimas ay pinaharurot niya ang sasakyan pauwi ng mansyon.