CHAPTER 9

2096 Words
"Mama," tawag ni Elisa sa akin nang dalawin ko siya sa hospital. Halos mag-iisang buwan na mula ng operahan siya sa puso. Unti-unti ng bumabalik ang lakas niya. Nawala na rin ang takot ko dahil siguradong ligtas na siya sa kapahamakan. "Kumusta ka na anak?" Sinuklay ko ang buhok niya habang nakahiga siya. "Malakas na po ako. Mababait po ang Nurse at Doktor ko rito. Mama, bakit po bihira lang po ninyo ako dalawin?" Bumuntong-hininga ako. "Alam mo naman na naka-stay in ako sa work kaya bihira lang ako makadalaw. Nandito naman si Tita Alice mo siya ang magbabantay sa iyo." "Hayaan mo Mama kapag lumaki na ako at naging Doctor na ako hindi ka na po magtatrabaho." "Salamat, anak. Bakit Doktor ang gusto mong maging Doktor?" "Gusto ko po na gamutin yung mga may sakit lalo na yung walang pera para po hindi sila mahirapan sa pagpapagamot." Ngumiti ako sa kanya. Sa murang edad ay alam na niya ang hirap ng buhay. Nagpapasalamat talaga ako dahil natagpuan ko si Aldrin na tumulong sa akin sa kabila ng pagpapahirap niya sa akin. Hinaplos ko ang buhok niya. "Tama 'yan anak, tulungan mo ang mga taong nangangailangan." "Yes, Mama." "Pagbabalat kita ng mansanas." Tumango siya. "Mama, hanggang mamayang hapon ka pa ba rito?" Huminto ako sa pagbabalat ng mansanas. Ang paalam ko lang kasi kay Aldrin ay sandali lang ako. Babalik lang ako bago mag-lunch. "Dito ka muna Mama hanggang hapon miss na miss na kasi kita." Huminga ako ng malalim saka ngumiti sa kanya. "Sige, hindi ako aalis sasamahan kita hanggang hapon." "Thank you, Mama." "Kainin mo ito." Sinubuan ko siya ng mansanas na hiniwa-hiwa ko sa maliliit. Kumuha siya ng mansanas at sinubo sa akin. "Kumain din po kayo kasi pumapayat na po kayo." Lumunok ako upang pigilan ko ang luha ko. Sobrang natutuwa ako dahil mabait ang anak ko. "Anak, ikaw ang kumain ng marami dahil busog pa ako." Sinubo ko sa kanya ang mga mansanas hanggang sa unti-unti na niya itong naubos. "Alam mo ba anak, sabi ng Doktor puwede ka na raw umuwi." Lumapad ang ngiti niya. "Talaga po?" Tumango. "Kaya huwag kang magpapasaway. Sundin ang sinasabi ng nurse at Doktor sa iyo para tuluyan ka ng makalabas." Tumango siya. "Opo, Mama, susundin ko sila para hindi na po kayo mapagod ni Tita Alice sa pagbabantay sa akin." Marahan kong pinisil ang ilong niya. "Hindi ako mapapagod na bantayan ka dahil mahal na mahal kita anak." "Mahal na mahal din kita Mama." Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko. Kanina pa nagvi-vibrate ang phone ngunit hindi ko 'yon pinag-aksayahan na tingnan. Alam ko naman kasing si Aldrin ang tumatawag sa akin. "Euhanna, sige na, iwan mo na ang anak mo. Ako na ang bahala sa kanya." sabi ni Ate Alice. Sinunod ko ang gusto ng anak ko na hindi agad umalis kaya tuwang-tuwa siya nang makita niya kaming dalawa ni Ate Alice. Pagkatapos niyang uminom ng gamot ay nakatulog na rin siya. Tumango ako. "Ikaw na ang bahala sa kanya Ate. Baka galit na galit na ang amo ko sa akin kanina pa siya tumatawag." "Ay, siya sige umalis ka na nga." Tumango ako sa kanya pagkatapos ay nagmamadali akong lumabas ng patient room ni Elisa. "Euhanna?" Lumingon ako nang marinig kong tinawag ang pangalan ko. Nakita ko ang kababata ko na si Raffy. Ngumiti ako sa kanya. "Ikaw na ba 'yan Raffy?" "Yes, ako nga. Kumusta ka na sino ang dinalaw mo rito sa hospital?" tanong niya. "Nandito ang anak ko naka-confine. Inoperahan siya sa sakit sa puso pero okay na siya ngayon. Ikaw, bakit ka nandito?" "Sinamahan ko is Mama na magpa-check." Tumango ako. "Ay, sige, aalis na ako baka mahuli na ako sa trabaho ko." Tumalikod ako para umalis. "Teka lang." Hinawakan niya ang kamay ko. Eksakto naman paghawak niya ng kamay ko ay biglang dumaan sa harap namin si Aldrin. Kinabahan ako nang makita ko siyang matalim na nakatingin sa akin. Tumingin ako kay Raffy. "Bakit?" "Ngayon na nga lang tayo nagkitang dalawa. "Hintayin lang natin si Mama tapos kumain tayo sa labas para makapag-usap tayo." Umiling ako. "Sa ibang araw na lang nagmamadali na talaga ako. Baka matanggal ako sa trabaho kung hindi ako papasok ngayon." "Okay, ibigay mo na lang ang cellphone number mo para tatawagan na lang kita." Tumango ako at pagkatapos ay binigay ko sa kanya ang cellphone number ko. Halos takbuhin ko ng ang entrance door. Siguradong galit na galit na si Aldrin sa akin. Sumakay ako ng taxi para makarating agad. Kung sasakay kasi ako ng jeep siguradong magtatagal pa ako dahil pinupuno ang sasakyan. Bukod don ay tatlong beses pa akong sasakyan ng sasakyan para lang makauwi ng mansyon. Umabot ng kalahating oras bago ako nakarating sa mansyon. Pagpasok ko sa loob ng mansyon ay bigla akong napasigaw nang biglang may humila sa braso ko."Ay! Sigaw ko nang biglang hilahin ang braso ko ni Aldrin. "Bakit ngayon ka lang uuwi?" Nanginginig ang panga niya sa galit habang nakatitig siya sa akin. Umuwi rin pala siya. Ang akala ko ay magtatagal siya sa hospital. "S-Sorry, Sir, nakiusap kasi ang anak ko na hinatayin namin ang Tita niya." "Nakiusap ang anak mo o nakipaglandian ka pa sa lalaki?" Galit na galit na sabi niya. "Hindi, Sir, kababata ko po si Raffy. Nagkita lang kami sa hallway kanina." "Sinungaling! Ang saya-saya mo pa nga habang nakikipag-usap ka sa kanya. Naging customer mo ba siya sa club na pinasukan mo? O baka isa siya sa mga lalaking naglabas sa iyo." Nagdilim ang paningin ko kaya bigla ko siyang sinampal. Nagulat naman siya sa ginawa ko. "Hindi ibig sabihin na pinulot mo ako mula sa putikan ay madumi na akong babae. Paulit-ulit kong sinabi sa iyo ang totoo pero hindi ka naniniwala sa akin. Kung ayaw mong maniwala irepeto mo naman ako. Hindi mo naman binayaran ang respeto kaya sana ibigay mo sa akin 'yon." Hindi ko napigilan ang luha kong tumulo. Sobrang sakit na ang pang-iinsulto niya sa akin. Parang napakalaking kasalanan ang ginawa kong pagtatatrabaho sa club. Hindi ba niya alam na lahat ng mga babae roon ay pinipilit sikmurain ang gaanong uri ng trabaho para mabuhay. "Ang tigas na talaga ng ulo mo. Hindi mo ba day off ngayon pero pinayagan kita dahil ang sabi mo ay saglit ka lang." Pag-iiba niya ng usapan. "Kung 'yan ang kinagagalit mo sa akin pasensiya na. Gagawin ko na lang ang trabaho ko ngayon." Hinila ko ang kamay ko at tumalikod sa kanya ngunit muli niyang hinawakan ito. "Ipapakita ko sa iyo ang mga trabahong iniwan mo." Sabay hila niya sa akin. Halos mapuno na ang pangatlong laundry basket nang ipinakita niya sa akin ang mga labahin. Hindi na ako nagreklamo nang makita ko ang mga damit na nakalagay sa laundry basket. Halos lahat kasi nang nakalagay doon ay puro mga malilinis. Araw-araw akong naglalaba ng damit niya para hindi ako matambakan ng labahan dahil ayaw niya sa aking ipagamit ang automatic washing machine. Kaya kamay ang gamit ko sa paglalaba. "Sana sinama n'yo na rin ang lahat ng mga nasa cabinet mo." Inis kong sabi. "Nagrereklamo ka ba?" gigil niyang tanong. Umiling ako. "Hindi po." Kinuha ko ang lahat ng mga damit na lalabhan ako pagkatapos ay dinala ko sa laundry area. "Huwag mong kakalimutan magluto ng pagkain ko at maglinis sobrang dumi mansyon. Dahil sa kalandian mo hindi mo na nagawa ang trabaho mo." Hindi ako umimik sa kanya. Ayoko ng makipagtalo sa kanya dahil mas lalo siyang magagalit sa akin. Sinimulan kong labhan ang mga damit. Ang iba ay sinadya niyang lagyan ng matsa para mahirapan ako. Mabuti na lang at madaling matatanggal ang mga ito kaya natapos ko rin na labhan pagkalipas ng dalawang oras. Pagod na pagod ako pagkatapos kong maglabas. "Tsk! Tsk! Baliw talaga." Kalat-kalat kasi ang mga gamit sa kusina. Nagkalat sa sahig ang mga arina at mga toyo at suka na sinadya niyang itapon. Pagdating sa living room ay umabot na rin ang kalat niya. May nakakalat na polbo at ang laman nito ay nasa may sofa at sa carpet kay kinailangan kong gumamit ng vacuum para malinisan. Daig pa ang may kasamang bata dahil sa kalat. Wala akong reklamo na nilinis ang kalat. Bukod doon lahat ng mga kuwarto sa mansyon niya ay nilinisan ko na rin. Pagsapit ng alas-siyete ng gabi ay nagluto na ako ng pagkain niya. Pagod at sakit ng katawan ang naramdaman ko pagkatapos kong gawin ang gawin bahay. Naligo ako bago ko tinawag si Aldrin para kumain. Nakatayo ako sa gilid niya habang naghihintay ako ng utos niya. Hindi ako puwedeng kumain hanggat hindi pa siya tapos kumain. "Anong klaseng pagkain ito!" sigaw niya. Lumapit ako sa kanya at tinikman ko ang pagkain na niluto ko. Wala naman nagbago sa luto ko lasang beef steak pa rin naman. "Okay naman po ang lasa." "Lasang maalat!" sigaw niya. "Magluluto na lang po ulit ako ng bago." "Huwag na! Hindi na ako kakain. Wala ka talagang kuwenta!" Tinaas ko siya ng kilay. Kunwari pa siyang maalat pero ang dami naman niyang kinain. Tumayo siya. "Pagkatapos mo diyan ay pumunta ka sa kuwarto ko." Sabay alis niya. Tumango ako. Hindi pa rin pala ako tapos sa trabaho ko dahil pagkatapos kong mapagod sa gawain bahay ay siya naman ang tatrabahuhin ko. Kumakain ako nang umalis siya. Nararamdaman ko sa sarili ko ang gutom at pagod kaya naman para akong magkakasakit. Gayunpaman, hindi ko puwedeng idahilan kay Aldrin na masama ang pakiramdam ko. Pagkatapos kong kumain ay uminom ako ng gamot at hinugasan ko ang pinagkainan. Muli akong pumunta sa kuwarto para mag-half bath at maglinis ng katawan bago pumunta sa kuwarto ni Aldrin. Kumatok ako ng tatlong beses bago ko binuksan ang pinto. Pagpasok ko ay nakita ko siyang nanonood ng porn. Nakatakip na lang siyang ng kumot at wala na siyang saplot. "Come here!" Utos niya Napayakap ako sa katawan ko nang maramdaman ko ang init ng lamig dulot ng aircon niya kahit na nga nakasuot ako ng jacket at jogging pants. "Bakit ganyan ang suot mo? Hubarin mo 'yan." Napilitan akong hubarin ang damit ko kaya mas lalo akong gininaw. Yumuko ako habang pinagmamasdan niya ang katawan ko. Tumayo siya at sinimula niyang halikan at dilaan ang leeg ko. Hindi ako kumilos. Nanginginig ang katawan ko sa lamig at parang hihimatayin na ako. Nang dilaan at sipsipin niya ang aking s*so ay hindi ako kumilos. Hinigpitan niya ang bewang ko. Wala akong ibang nararamdaman na init ng katawan dahil sa ginawa niya bagkus ay panlalamig at panghihina hanggang sa tuluyan ng magdilim ang paningin ko. "Damn! Euhanna!" Nagising ako na nanginginig ako sa lamig. Tiningnan ko ang paligid ko nasa loob ako ng kuwarto ni Aldrin. Suot ko na ang jacket at jogging pants ko. Nakabalot din ako ng comforter at may medyas ako sa paa. Naramdaman ko rin ang cold fever sa noon ko ang mga gamot sa gilid ko. Gusto kong bumangon dahil baka magalit sa akin si Aldrin pero walang lakas ang mga katawan ko. Bumukas ang pinto at pumasok si Aldrin na may bitbit na food tray. Inilapag niya sa gilid at kinuha ang thermometer at nilagay sa kilikili ko. Huminga sita ng malalim. "I'm sorry kung pinahirapan kita. Kasalanan ko kung bakit ka nagkasakit." Tumulo ang luha ko. Hindi ako nagsalita pero ramdam na ramdam ko ang paghingi niya ng tawad. Kinuha niya ang thermometer. "Kailangan ng matingnan ng Doktor ang lagay mo ang taas pa rin ng lagnat mo." "Sorry po, Sir. Dalhin n'yo na ako sa kuwarto ko. Ako ng bahala sa sarili ko." Umiling siya. "No, ako ang mag-aalaga sa iyo. May niluto palang sopas kainin mo." Inalalayan niya akong tumayo saka sinubuan. Ang sarap sana ng pakiramdam kung wala akong sakit, pero dahil alam kong ginagawa lang niya ito dahil guilty lang siya sa ginawa niyang pagpapahirap niya sa akin. "Thank you," sabi ko pagkatapos kong maubos ang sopas na niluto niya. Hinaplos niya ang mukha ko. "Magpagaling ka na." Sabay halik niya sa akin sa noo. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang nararamdaman ko sa kanya. Ganito rin ang naramdaman ko noon sa Tatay ni Elisa. Inayos niya ang comforter ko pagkatapos ay tumabi siya sa akin at niyakap niya. "Kailangan mo ito para hindi ka lamigin." "Thank you." Hindi na ako nag-inarte pa yumakap na rin ako sa kanya ng mahigpit saka ko ipinikit ang mga mata ko. Alam kong habang tulog ako ay binabantayan ako ni Sir. Aldrin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD