"Dad?" Sabay kaming lumingon ni Don Leopoldo nang marinig namin ang boses ni Alrin. Hindi maipinta ang mukha niya nang magkatinginan kaming dalawa. Lumapit ako sa kanya upang pigilan ang maari niyang gawin. "Love,your Daddy came here to apologize." Naglaho ang kunot ng noo niya at tumingin sa Daddy niya "Is it true what she said Dad?" He took a deep breath. “Oo, sinabi ko naman sa iyo na babawi ako kaya pinuntahan ko si Euhanna para humingi ng tawad." "Paano si Mommy?" "Napag-usapan namin ang tungkol dito sa plano ko at hinayaan niya ako sa gusto ko. Tingin ko nagsisi na siya sa kasalanan niya." "I'm sorry pero hindi sapat ang pagsisi niya para iurong namin ang demanda." Yumuko ako nang tumingin sa akin si Aldrin. Alam kong kahit pakiusapan ko siyang iurong ang demanda ay hindi