"Love,bitawan mo na ang kamay ko baka hindi ka na makapag-drive ng maayos," sabi ko kay Aldrin. Binabagtas namin ang daan pauwi ng mansyon. Maagang natapos ang surprise wedding proposal na ginawa niya sa akin kanina ngunit hindi naman kami umuwi agad dahil namasyal pa kaming dalawa. Pinauna na lang namin ang mga bata kasama sina Ate Alice. Sa halip na bitawan niya ay inangat niya ito at muling hinalikan ang palad ko. Hindi ko tuloy mapigilan ang kiligin sa ginagawa niya. Parang ngayon pa lang kami nagsisimula ng relasyon kung magpakilig siya sa akin. "L-Love," nauutal kong tawag sa pangalan niya. Hindi lang kilig ang nararamdaman mo kung hindi pagtayo ng balahibo. Kanina pa rin hindi normal ang t***k ng puso ko dahil sa mga ginagawa niya. "Let me do what I want for you. I just want