Isang matamis na halik ang nagpagising sa akin. Gising na ako ngunit hindi ko pa rin minumulat ang mga mata ko dahil gusto ko pa sanang ituloy ang tulog ko. "Love, wake up," bulong ni Aldrin sa akin saka muli niya akong hinalikan sa pisngi habang yakap niya ako. "I'm still sleepy, can you give me another five minutes?" "But it's already eight in the morning. Get up and fix yourself. " Sa halip na sagutin ko siya at hinila ko ang comforter. Nararamdaman ko talaga ang antok ko. Gusto ko pang matulog. "Hindi naman tayo gumawa ng baby kagabi bakit antok ka na agad?" "Stop talking to me. I want to continue my sleep." Narinig ko ang bumuntong-hininga siya. "Okay, sweet dreams. " Naramdaman kong bumangon siya sa kama. Muli akong nag-focus para matulog. Ngunit limang minuto na ang lumipa