"Mabuti na lang din at nalaman ni Aldrin ang totoo. Hindi na siya magdadalawang isip na ipakulong niya ang bruha na step mother niya." Inis na sabi ni Ate Alice. Nang dumating kami sa Manila ay dinalaw agad namin sila sa bahay. Ilang linggo lang kami sa hacienda pero miss na miss ko na sila agad. Humigop muna ako ng kape. "Pinuntahan nga ni Aldrin ang abogado niya na humahawak sa kaso niya. Gusto niyang makasigurado na mabubulok sa bilangguan si Elenor." "Mabuti naman at wala na kayong problema. Matutuloy na ang pagpapakasal n'yo sa simbahan." "Hindi pa namin napag-uusapan ang bagay na 'yan ngayon. Nakikita ko si Aldrin na sobrang stress ngayon. Gusto niyang bigyan ng hustisya ang nangyari sa tunay niyang Mommy." "Nakilala na ba niya ang mga kamag-anak niya sa ina?" Tumango ako. "Kah